CHAPTER 5: CODENAMES

17 1 0
                                    

ZEY ZEY POV:

Pagkatapos naming kumanta, natulog na kami sa palibot ng bonfire para kahit konti mainitan kami. Ewan ko lang kung nakatulog yung iba naming kasama. Ginawa naming kumot yung dahon ng saging tapos ginawa naming unan yung mga bag namin.

KINABUKASAN, naghanda na kami para maglakbay papunta sa paaralang iyon.

"Sino ba kasi nagpatayo ng school na ito bakit nasa Isla," Pagrereklamo ni Ella.

"Kapag ako nagpatayo ng paaralan, sa loob ng tubig." Sabi naman ni Aya.

"Anong pagaaralin mo dun isda?!" Sabi ko naman.

"Nyemas ka! Wala kang support! Gusto mo maging janitress ng school ko? Or ipakain na lang kita sa pating ha!— tsh! --Ang itatawag ko ron Underwater Academy." Tumawa lang ako sa sinabi ni Aya.

'Underwater Academy' hayssss

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa kagubatan. Wala man lang kasing pathway eh baka mamaya mawala pa kami dito.

"Pia, magplay ka nga ng music." Sabi ni Ren.

"Lobat yung speaker," Sabi ni Pia.

"Ang borinnngggggg! Nakakapagod pang maglakad," pagrereklamo ulit ni Ella.

Medyo nakalayo na kami sa pinanggalingan namin kanina. Kaya medyo may kadiliman na rito. Konti lang yung pumapasok na liwanag kasi masyadong matatayog yung puno at madahon.

"Nakakapagod namang maglakad," pagrereklamo ni Riana.

"Kung salita kayo ng salita mas lalo lang kayong mapapagod!" ewan ko ba parang laging bad mood 'tong si Cy.

'Shit nagugutom na akooooo.'

"Guys nagugutom na ako," sambit ko sa gitna ng paglalakad.

"Ako din," Sabi naman ni Vin. Humarap sila sa amin.

"Ano sa tingin niyo samin mga bakla, di kami gutom ha?" Sumimangot lang ako sa sinabi ni Yate.

"Dapat kasi naglagay tayo ng pagkain sa bag natin ih," naalala ko naman yung ginawa namin ni Vin kanina sa Van. Oo nga pala. Umupo ako tsaka ko binuksan yung bag.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ayan sakin.

"Eh ano pa ba? Nakikita mong nagbubukas ng bag," sabi ko. Totoo naman na nagbubukas ng bag ah. Nakikita niya na nga lang kasi tatanongin pa.

"Aya lapit ka dito--" lumapit naman siya. "--buksan mo yang bag mo," binuksan niya yung bag niya. Tinanggal ko yung damit kong nakapatong sa pagkain.

"Halla, nagbag ka ng mga inumin?" Gulat na Sabi ni A.

"Ay hinde," sabi ko.

"Paano yung mga damit mo?" Tanong ni Ayan.

"Si Aya ang nag bag ng damit ko. Tapos eto naman ang binag ko. Ouy kapre labas mo yung pagkain," Sabi ko kay Vin. Binuksan ni Vin yung bag niya at nilabas yung mga tinapay.

"Puro pagkain lang Alam niyan!"

"Puro pagkain lang Alam niyan!"

Sabay na sabi nila Aya at Ayan.

"Grabe kayo samin. Atleast napapakinabangan," sabi namin ni Kapre.

Binigay ko sa kanila yung mga chuckie na kinuha ko. Sakin yung inumin at kay kapre naman yung pagkain. Binigay naman ni kapre yung mga pagkain na tinapay. Ito yung ginawa naming agahan.

"The source of food," tumatawa na sabi Ayan.

"At your service," sumaludo kami sakanila.

"Tara mga bakla maghanap tayo ng prutas," pagyaya sa amin ni Yate nang matapos kaming kumain. Nagsimula na kaming maglakad para maghanap ng prutas na makakain.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now