CHAPTER 19: GOOD BYE

6 0 0
                                    

ABE POV:

Palakad lakad kami sa loob ng dorm. Hindi kami mapakali hanggang ngayon. Ilang araw nang walang balita sa Ye Squad.

'Ano na kayang nangyari sa kanila?' ni isa sa amin hindi pinapayagang bumisita roon.

Mula nung kinuha sila ng mga Dwerys naging tahimik ang dorm na ito. Nakakapanibago walang malakas na musicang gumigising samin, wala kaming sagutang nariririnig tuwing umaga. Grabe sila magusap kala mo naman sobrang layo nila sa isat isa.

Minsan nagaaway sila dahil sa pagkain, minsan naman dahil may tinago. Ngayon lang naging tahimik ang dorm na ganito.

Nakakamiss din pala presensiya ng mga yun. Nakakatawang isipin na yung sumalo at umako sa kasalanan namin ay namiss ko. Mabait sila, they are approachable.

'HAHAHAHAHA' mapakla akong tumawa. Kita mo nga naman! Nailing iling ako sa naisip ko.

"Hoy anong nangyayari sayo? Para kang baliw ngingiti ngiti ka dyan. Umayos ka kinikilabutan kami sayo!" Hinampas ako ng mahina ni Hoya. Tumingin naman ako sa nga kasama ko na nakatingin sakin na para bang

'Para kang tanga!' grabe talaga sila.

Lumabas kami sa dorm at naglibot libot. Nakita namin sila Miss M at Mister R na tumatakbo patungo sa office. Nagtinginan kami at sinundan namin sila. Umakyat sila sa hagdan na salamin.

'Stairway to heaven!'

Ano ba talagang ginagawa nila roon? Mula nung pinunta ang Ye Squad sa Feightdwery ay lagi nang pumupunta sa office sila Miss M at Mister R.

Umalis ang iba sa amin. Kaming dalawa na lang ni Hoya ang pumunta roon. Dahan dahan kaming umakyat. Naabutan namin sila, pumasok sila sa isang kwarto at isinarado ito.

Lumapit kami rito upang marinig ang paguusapan nila. May nakapaskil sa pinto.

'Dont go here without permission' napalunok kami. Inilapit namin ang aming tainga sa pintuan.

"Ms. School Assistant, payagan niyo na ho kami. Parang awa niyo na po. Baka hindi pa po sila kumakain roon. Ilang araw na." Payagan? Gusto ba nilang pumunta sa Feightdwery?

"Bibisita lang naman ho kami eh." Pamimilit nila. Nagtinginan kami ng ni Hoya.

"Kung hindi sila kumakain roon, parusa nila iyon! Napakalakas ng loob nilang gawin iyon sa paaralan! Kung hindi niyo pa tinawagan iyang mga Dwerys na yan, isipin niyo kung anong nangyari na sa atin ha?!" base sa tono ng Assistant ay galit na ito. Nagbaba ako nang tingin. It's our fault! gusto ko mang isigaw iyan ngunit may pumipigil sakin.

Diba dapat ay sinabi ng Dean sa School Assistant na kami ang gumawa? Alam kong hindi ako nagkamali sa gabing iyon, may taong nakakita sa amin nung oras na binuksan namin ang daanan. May nagmamasid samin mula sa silid ng Dean. Hindi ako pwedeng magkamali na siya ang nakamasid roon.

'Pero bakit hindi niya sinabi?'

Hindi kaya mismong Dean ay kasapi ng kalaban? Baka siya talaga ang pinuno nang mga ito. Kaya ba ganun na lamang ang asta ng PG? Mapagmataas at walang kinakatakutan?

'Then if it is true, what will happen to us?

'What will happen to the students?'

'To this school?'

As soon as possible kailangan naming makaalis rito sa Academyang ito. We're not safe anymore! Kailangan na naming makatakas para hindi kami madamay ngunit paano?

'Kaya ba hindi siya lumalabas dahil baka may makakilala sa kanya o kaya naman ay natatakot siyang may magtaka kung bakit hindi siya kayang galawin ng kalaban?

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now