CHAPTER 29: PART 3

7 0 0
                                    

MAYRA POV:

"Maghanda na kayo!" utos ko sa mga kasama ko. Tumingin ako sa orasan alas singko pa lang ng umaga.

Kinuha na namin lahat ng aming gamit para kapag nakuha na namin yung flag ay tatakbo na lang kami papunta sa lugar na imemesage sa amin. Pagkatapos naming maghanda ay nilisan na namin ang lugar kung saan doon kami nagpalipas ng ilang gabi.

"We can do this Mirror Team! Manalo o matalo man tayo atleast we did our best," sabi ko.

Nang makarating kami kung nasaan ang Ye Squad gamit ang mapa na nasa relo. Yung mga location ng bawat grupo ay makikita mo na rito hindi kagaya kahapon.

Itinaas ko ang aking nakakuyom na kamao na nangangahulugang 'stop'. Nakita ko ang apat na miyembro ng Ye Squad.

'Snoopy, Whiskey, Crazy, Vodka,' dahan dahan kaming naglakad nang biglang nahulog yung kasama namin na nakagawa ng konting ingay buti na lang hindi siya sumigaw.

'Napalingon yung apat sa aming gawi. Pigil hininga ang ginawa namin. Nakita ko silang nagtinginan.'

'Shit may patibong!' nagsenyas ako sa mga kasama ko na may patibong na agad naman nila itong nakuha.

Hindi pinansin ng apat ang narinig nilang tunog. Sinenyasan ko silang palibutan sila na siyang ginawa nila ngunit hindi parin kami lumalabas ng mga kasama ko, nang maramdaman nila ito ay inihanda nila ang kanilang sarili. Kaya naman sinenyasan ko na ang mga kasama ko na sugurin sila.

AGENT L POV:

Nakatingin lang kami sa monitor, pinapanood namin ang bawat galaw ng bawat grupo. May mga CCTV roon.

'Wala pang nagaganap na away'

May nakita ako sa may malaking puno na nagkukumpulan.

"There!" sabi ko sa nakahawak ng remote control ng drone. Ipinunta niya naman roon.

'Ye Squad Vs. Mirror Team'

Tinignan ko yung oras sa aking relong pambisig.

Ang aga naman yata Nagkakapagtaka bakit aapat lamang sila kung gayo'y silay labing lima. Bakit aapat lamang ang haharap sa labinlimang studyante.

'Ano ang binabalak ng lider nila?'

'This plan is so risky'

Kinuha ko ang remote control at ako na ang nagmanipula non. Ipinalibot ko ito sa puno nakita ko naman ang dalawa pang kasama ng Ye Squad

'Ang kambal!' pinagmamasdan nila ang kanilang kasama gamit ang telescope. Naroon sila sa pinakatuktok ng puno.

Nagsimula nang maglaban ang parehong grupo.

'4 Vs 10' hindi pinasugod lahat ni Mayra ang mga kasama niya. May naiwang lima sa kanya, pinapanood nila ang mga Ye Squad na nakikipaglaban sa mga kasama nila. Tumingin ako sa gawi ni Snoopy tatlo ang kaharap niya, sa tuwing sisipain siya ng isa ay yuyuko ito.

Isang malakas na suntok ang nakaambang ibigay sa kanya ng isang miyembro ng Mirror ngunit agad niya itong nasalag, pumunta siya sa likod ng kalaban niya, hinawakan niya ito sa kamay at inilock sa likuran na naging dahilan upang mamilipit ito sa sakit.

Dalawang sipa sana ang kanyang aabutin mula sa dalawang miyembro ng Mirror Team ngunit iniharang niya ang hawak niya na kasamahan ng Mirror na naging dahilan upang ito ang masipa sa tiyan at hindi siya. Binitawan na ni Snoopy ang hawak niyang miyembro ng Mirror Team na namimiliit sa sakit at hinarap ang dalawa pang natitira.

Napunta ang aking tingin sa gawi ni Whiskey, kinakalaban niya ang dalawang miyembro ng Mirror, siyay bihag ng mga ito ngunit nakatakas rin siya sapagkat siniko niya ang tiyan ng nakayakap sa kanya at sinipa naman ang isang miyembro ng Mirror na nasa kanyang harapan.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now