CHAPTER 1: MYSTERIOUS MESSAGE

44 1 13
                                    

ZEY ZEY POV:

Pagdating ko sa harap ng bahay ni Tita, malayo pa lang tanaw ko na sila mula sa salamin na katabi ng kanilang pintuan. Sa magkabilaan kasi ng pintuan, mayroong transparent na salamin.

Nakatayo si Tita na nakapameywang sa harap ni Psycho na nakaupo sa sofa. I held the doorknob but I immediately stop my self opening the door because of what I heard.

"Buti pa si Zey zey, nag aaral ng mabuti! Eh ikaw puro ka problema! Wala ka nang nagawa kundi humingi ng pera sakin!" Sumandal ako sa pinto.

"Umakyat ka sa kwarto mo ngayon na!" I heard some footsteps until it faded after that, I open the door. Inayos ko yung sling bag ko.

"Oh Zey zey, nandito ka na pala. Maghugas ka mamaya ng plato ha tapos na kaming kumain." anito at naglakad paalis.

'Hayyyst kahit hindi ka talaga kumain, maghuhugas ka pa din ng plato' galing ako sa trabaho, bago ako umuwi ay kakain na ako kasama si Aya.

Aya was my best friend since 1st year of high school, kung sa'n ako magpunta, naroon siya. Ewan ko ba kung bakit niya kailangang magtrabaho eh medyo may kaya naman sila.

"Opo!" umakyat ako papunta sa kwarto.

Oo nga pala anong oras na ako nakakauwi sa bahay ni Tita ng dahil sa part time job ko. Im working in a coffee shop as a waiter. Well, I don't have a choice. Nilapag ko yung sling bag ko sa bedside table.

Humiga ako sa kama, nakaapak ang aking paa sa malamig na semento ng aking kwarto. I look at the ceiling of my room, mga ilang sandali nagvibrate yung cellphone kong nasa bedside table.

"Hello?" hindi ko na tinignan ko sino yung caller basta sinagot ko na lang.

[Hello anak. Kamusta kana diyan?] tanong ng nasa kabilang linya. Napabalikwas ako ng bangon at napamulat.

"Ah....Hello Ma! Okay lang naman. Kayo diyan ma? Okay lang ba kayo?" pabalik na tanong ko kay mama.

[Okay lang naman ako anak.] malungkot niyang sabi. Haysst. My mother and her lies.

"Ma, I told you! Diba sabi ko sayo kung nagaaway kayo ni papa pwede niyo naman sabihin sakin. Kakausapin ko si papa." pamimiliit ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pinagaawayan nila, ayaw nilang sabihin sakin at siguro isa din 'yon sa mga dahilan kung bakit ako narito.

[Okay lang naman ako.] huminga ako ng malalim. Kahit naman na kulitin ko siya, hindi niya pa din sasabihin.

"Ah Ma....yung sinabi ko nga pala sa inyo na after three years lilipat na ako ng school. Ahm--" pang iiba ko ng usapan ngunit walang nagsalita sa kabilang linya.

"Ma?" Ulit kong tanong.

[Ano?! Nababaliw kana ba?! Magtratransfer ka?! Hindi mo ba naisip yung utang natin sa Tita mo ha?!] pagalit na sigaw niya. [Hindi! Hindi ka magtratransfer hanggang hindi ka natatapos ng Junior High sa pinagaaralan mo ngayon!]

"Ma naman. Nag promise ka sakin dati na after three years magtratransfer ako, 'yon yung usapan ma." gusto ko nang umiyak. Usapan 'yon eh!

[Bakit ba paulit ulit kang bata ka ha! Sabi ng hindi! Gawin mo kung anong gusto mo. Bahala ka sa buhay mo!] sigaw niya sa telepono.

"Ma, three years na akong nandito. Nagpapartime job na din ako, tapos yung sahod ko binibigay ko kay Tita. Hindi pa ba sapat yun ma? Magkano ba yung utang natin sa kanila ha?!" dahil sa inis ko ay naitaas ko yung boses ko.

'Opsss!'

[Sinasagot mo na ako ngayong bata ka! Iyan ba ang natutunan mo sa pagaaral ha!? Bahala ka sa buhay mo!] biglang namatay yung linya. Humugot ako ng hangin at huminga ng malalim. Humiga ako.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now