Chapter 52: Regrets

Start from the beginning
                                    

"N-No! Umalis na tayo."

Nasa NAIA 3 kami for pete sake.



"Ayaw mo man lang ba siya makita bago siya umalis?" Andy asked.




"Babalik pa naman siya eh, 2 weeks lang naman sila."


"Prinsesa, pano kung sa pagbalik niya huli na ang lahat?" He sighed. "---tulad ng pagbalik ko, huling-huli na ako." Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata. "Paano kung matutunan niyang mahalin si Nica?"


"Paano kung sa mga panahon na bumalik siya, handa ka ng maging masaya sa piling niya pero huli na ang lahat dahil iba na ang kasiyahan niya?"


"Paano kung lahat ng mga paano ko mag ka-totoo? Kakayanin mo ba?"



Ano ba Andy! Bakit ka ganyan? Lagi mo na lang ginugulo ang isip ko "Kakayanin ko, andyan ka naman para damayan ako e."


Hindi ako naging kumbinsido sa sagot ko.


Lumungkot ang mukha niya "Prinsesa, hindi habang buhay nasa tabi mo 'ko."



Ganun din naman ako Andy. Konting panahon na lang din naman ang itatagal ng buhay ko.



Hindi na ako nag salita. Ayokong humantong sa panahon na sasabihin ko sakanya ang tungkol sa sakit ko.

Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "May oras pa tayo. Knowing NAIA, mahaba-habang pilahan pa ang checking in ng luggages."


I took a deep breath "Sisilip lang tayo. Hindi tayo magpapakita."


He nodded

-

"Andy, ayun sila."

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo pero yung distansya ng kinatatayuan namin ay enough na para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Hoy Pinsan! Bumalik ka agad huh? Pasalubong kong Nike huh!"


"May photoshoot lang naman kami 'dun. Hindi kami mag ma-migrate, natural babalik kami."



I flashed a sad smile. Bakit pati si Nica kasama niya pang bumalik?

Akmang maglalakad na papunta sa loob ng body screening sila Kenken at Nica ng bigla silang pigilan ni Sky. "Wait pinsan! May pabaon akong surpresa just for you."


Itinaas ni Kenken ang isa niyang kilay.




Sky smiled. "Sige na, Yanna, magpaalam ka na. Labas na d'yan."


Muntik na akong matumba nung narinig ko ang pangalan ko. Tumingin  sila sadireksyon na kinaroroonan namin. "P-Paano mo nalaman na nandito ako?"




"I have connections." sabay tingin niya kay Andy.



"Ah, ganun ba? Sige aalis na rin naman kami ni Andy."



Akmang tatalikod na ko ng bigla siyang nagsalita.


Dalawang salita na parang ayaw kong marinig.

Dalawang salita na kahit gustuhin ng isip ko, hinding-hindi naman matangap-tanggap ng puso ko.



Dalawang salita na guguho sa mundo ko.

"Good bye."

sinabi niya 'yun sakin while looking straight to my eyes.
Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papalayo---hanggang sa di ko na natatanaw ang mundo ko.




Nagsimula na akong mglakad papalabas ng NAIA.



Narinig ko pa na tinawag ako nila Krissel pero hindi ko na sinubukan pang lumingon sakanila sapagkat tumulo na ang mga luha ko.






Nasa kotse na kami ulit ni Andy. "Sige na, iiyak mo pa 'yan."



dahil sa sinabi niyang yun lalo akong naiyak. "Bakit pakiramdam ko 'yung goodbye na sinabi niya e hindi lang ibig sabihn na dahil aalis na siya, kundi parang mawawala na siya sakin, parang handa niya na akong kalimutan."




"Bakit ganun? Nasasaktan ako sobra. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko kaya na manatili pa sa tabi niya."



"Nagsisisi na ako, i love him so much, Andy."




He wiped my tears. "Sabi ko naman sayo e, balang araw, pagsisisihan mo 'yang naging desisyon mo. But I know, maayos din 'tong lahat."




Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag-iyak.

Space.




Siguro yan muna ang makakabuti para samin.




Pagbalik niya, sasabihin ko na ang lahat.




Sana--hindi pa huli ang lahat.

**chapter revised

Falling in Love, Again.Where stories live. Discover now