"Huwag naman sana puro trabaho na lang ang atupagin mo,Kier. " sabi ko. Tinaggal niya ang headphone at ipinatong ito sa headboard.

"I know, babe." Hinawakan niya ang isa kong kamay at tsaka ito dinampian ng halik.

"Nakabalik na ba si Ana?"

"Hindi pa. Next week pa ang balik niya." simpleng sagot niya.

"Eh sino mag-aalaga sa mga bata?"

"Madami naman kaming katiwala sa bahay." liningon niya ako pero ibinalik niya ulit ang tingin sa daan. "What is your agenda for tomorrow?"

"Dadaan lang ako sa office bukas para mag-report."

"Should I pick you up tomorrow?"

"Huwag na! May sasakyan naman ako. Tsaka maaabala lang kita alam ko naman na madami kang aasikasuhin bukas."

Lumingon ako sa labas at nakita kong papasok na ito sa subdivision papuntang townhouse namin.

"I can cancel my meetings for you, babe." deretsahang sabi niya.

Bumalik ang tingin ko sa kanya.

"That's a no for me. Masyadong abala na iyon sa'yo. At tsaka kaya ko naman po."

"Alright. If that's what you want. But call me when you need anything." sabi niya habang ipinaparada ang sasakyan sa tapat ng townhouse namin.

"I will."i assured him.

Bumaba ito ng sasakyan at mabilis na umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Nang makababa ako ay siya na rin ang kumuha ng luggage ko sa compartment ng kanyang Range Rover.

"Hindi na kita iimbitahin sa loob dahil ayoko naman maistorbo ang tulog ng mga bata." sabi ko pagkakababa niya ng lugagge ko sa akin tabi. Hindi kasi namin obviously pwedeng iwan ang mga bata sa sasakyan.

Hinapit niya ako sa aking baywang. Pumulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang batok.

"I understand. I miss you already."

Natawa ako. "Magkasama pa tayo, miss mo na agad ako?"

"I will always miss you kaya get use to it, Miss Diaz."

Nag-make face ako para pigilin ang kilig ko. "If you say so, Mr. Falcon. Oh sige na para makatulog na rin ng maayos ang kambal. Call me when you get home" nakangiting sabi ko.

Hinalikan niya muna ako sa akin noo bago ako binigyan ng malalim na halik sa labi. Kung hindi ko lang ito kinurot sa tagiliran ay hindi na titigil. Nakabusangot tuloy ang mukha.

Natatawa na lang ako sa mukha niya.

"I love you," i said sweetly before hugging him tightly.

"I love you too." sagot niya. "Akala ko ba aalis na ako? EH ang higpit ng yakap mo. Ikaw ata ang sobrang makaka-miss sa akin." pang-aasar niya.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso. Umirap ako kunwari sabay tawa.

"Loko ka talaga. Alis na nga!" pagtataboy.

Mabilis niya akong hinalikan muli sa labi bago siya tumalikod.

"Ingat sa pagda-drive,babe." habol na bilin ko.

Kumindat lang siya sa akin.

Habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan nila ay bumalik sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni ate Olga noong nasa Palawan pa lang ako. Na siyang bumabagabag sa akin hanggang ngayon.

"Hi ate. Napatawag ka?" tanong ko kay Ate Olga. I'm in the middle of playing with the twins when she called me. iniwan ko muna sila doon at dumiretso ako sa kusina.

Romancing the NannyOn viuen les histories. Descobreix ara