Kapag sinundan pa talaga ako nito, sisipain ko na talaga bayag niya. Maliit lang ang pasensya ko pero kaya ko pa rin namang kontrolin.

"You fucked that man?"

Napalingon ako sa kaliwang banda ko nang may nagsalita. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Hindi naman ako bobo para hindi malaman na ako ang kinakusap niya.

Hindi ko siya sinagot. "Hindi pa rin ako available ngayong gabi. Bumalik ka na lang sa susunod."

"Not available? Then, what's that?" tumaas ang kilay niya at mababakas ang pandidiri sa boses niya. Wala naman akong pake roon dahil kahit anong insulto pa ang matanggap ko ay hindi pa rin ako maaapektuhan.

"Nakita mo bang nagtalik kami?" nawala nga yung nangungulit pero may sumunod naman. Pwede bang layuan nila ako at hayaang maging payapa ang gabi ko?

"Ano yung sinabi niyang pagkatapos niya ay ako naman?"

Ano bang paki niya? Kung yung nasa gitnang bahagi lang ng mga hita ko ang habol niya ay wala na dapat siyang pakialam sa ganito.

"Bumalik ka na lang sa susunod. Wala akong gana ngayon." napairap ako sa kanya sa inis.

Bakit ba ako iniinis ng mga lalaki ngayon. Shit!

"How much?" tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Hindi ba talaga 'to nakakaintindi? Hindi lahat nakukuha ng pera.

"Hindi ka marunong makaintindi. Gaano ba katigas ulo mo?"

"Fine. Let's make a deal." mukha talagang desperado na siyang tirahin ako.

Nililibot ng tingin ko ang itsura ng tirahan niya. Sa pagkakalam ko ang condominium ang tawag dito. Ilang beses na rin akong dinala sa mga condominium kaya alam ko.

Dinala niya ako rito para raw pag-usapan ang tungkol sa deal. Noong una ay hindi ako pumayag pero mapilit siya. Sinabi ko na lang na maghintay siya hanggang matapos ang trabaho ko para iwasan siya pero ginawa niya talaga. Hanggang alas onse ang trabaho ko kaya pumayag na ako sa deal na sinasabi niya nang naghintay talaga ng mahigit apat na oras. Ayoko namang sayangin ang paghihintay niya pumayag na lang ako.

Hindi ko naman siguro ikakasama ang deal na tinutukoy niya.

"Dito ka nakatira?" lumingon ako sa likod ko para makita ang reaksyon niya pero hindi pa rin nagbabago ang mukha niya mula nang nagmamaneho siya papunta rito, blangko pa rin.

"Yes." tipid niyang sagot.

Maganda ang itsura ng tirahan niya. Pagkapasok pa lang ay dining area na ang maabutan sa kaliwang banda at hagdan naman sa kanan. May hagdan din pala 'to. Mamahalin ang mga gamit sa loob, inaasahan ko na 'to dahil marami naman siyang pera sa itsura niya.

"Wait here." tinanguan ko na lang siya bago siya umakyat sa hagdan. Naglakad ako papunta sa single sofa para umupo.

Tingin nang tingin ako sa paligid habang naghihintay sa kanya. Nakakamangha talaga ang mga gamit dito sa loob. Sampong taon siguro akong magtatrabaho sa bar para makabili ng mga ganitong gamit. Gabi-gabi pa.

Tumingin ako sa suot ko. Suot ko pa rin ang waitress uniform. Hindi na rin naman ako nagbibihis kapag uwian na. Pagkauwi na ako nagbibihis.

Natigil ang muni-muni ko nang marinig ang pagbaba niya. Napataas ang tingin ko sa kanya.

Nakaputi na siyang damit at nakajogger shorts na hanggang tuhod. Iba ang taste niya sa damit. Black and white.

"Like what you see?" may ngising asar niya sa'kin. Ba't parang feeling close siya?

"Hindi masyado." hindi ako ganito makipag-usap sa mga naging customer ko. Lagi ko silang pinupuri pero sa lalaking nasa harap ko ay hanggang isip ko na lang pinupuri. "Ano yung deal?"

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now