25

727 37 4
                                    

xxv.

Nakakahiya!

Iyan ang paulit ulit na nararamdaman ko habang kaharap namin sa sofa ang kuya ni Heeseung. I can't believe na napag tripan ko siya kanina, without knowing that he's a lawyer! I can't help but to frown.

"Well, after two months I already deducted the case they sent to me." Attorney Justin said while sipping his tea.

Bahagya pa siyang lumingon sa akin kaya napayuko nanaman ako, this is our first time meeting each other and I just did something crazy and embarassing!

Kumuha ng tinapay si Heeseung saka ibinigay sa akin, sa sobrang hiya ko ay hindi na rin ako makatingin sa kaniya.

"Hi, you must be Yvette. I am Justin de Dios, older brother of Ethan, and a criminal defense lawyer. Nice to meet you." pagpapakilala ng lalaking naka tuxedo na pinisil pisil kong pisngi kanina.

Namula ako sa kahihiyan, knowing na dapat ay naging maayos akong babae dahil may naka park na ring kotse sa labas! Pero nauto ako sa part na magkamukhang magkamukha sila ni Heeseung na tipong kambal na sila! But Attorney Justin have soft features than Heeseung who's having a hard one.

"Bakit ka umuwi kuya? Bakit ka nandito? Bakit ka rin hinahawakan ni Yvette?" sunod-sunod na tanong ni Heeseung sakaniya.

Napatingin sa akin si Attorney saka ngumiti, nanginig ako sa kaba, sa takot, at lalo na sa hiya! How can I be so stupid!

"M-Magbihis ka muna." sambit ko kay Heeseung, napatingin naman sya sa tanging suot na tuwalya. Agad naman niya akong pinakawalan sa pagkakayakap nito at dagling humingi ng tawad.

"S-Sorry, I-I didn't mean to touch you without your permission." aniya.

Tumango ako at ngumiti, pinagbihis ko na siya sa kwarto. At nang makapasok na ito ay humarap ako sa kuya niya saka bahagyang yumuko,

"S-Sorry po sa k-kahihiyang nagawa ko k-kanina!"

Halos sampalin ko na ang sarili dahil doon, he chuckled and gestured me to sit down. Naupo naman ako at nahihiyang yumuko,

"Ilang taon kana, hija?" he sounded like Heeseung's dad.

"T-Twenty po.", I answered. Tumango-tango ito saka iminuwestra ang pagkain, tumango rin ako at nahihiyang ibinalik sa tv ang mga mata ko.

Bumaba na si Heeseung suot ang casual nitong damit para mamayang dinner, he looks so fresh and stunning, at the same time handsome and hot. I giggled silently para hindi ako mapaghalataan ng kuya niya.

"Bakit ka muna kasi umuwi na, Kuya?" salubong na tanong sa kapatid.

Naisabak pala sa isang kaso para mag imbestiga at maghanap pa ng mga maaaring witness sa isang case na hawak nito, and it took him some months to investigate dahil ilang months na rin itong naka imbak sa head quarters daw nila. He did his best and went home after he was satisfied to prove the truth in the court.

"How about you, Yvette? Anong course ang kinuha mo?" he asked me.

"Kuya! Bakit naman si Yvette tinatanong mo, ako hindi?" parang batang tanong ni Heeseung sa kapatid.

"E-Education po." I said.

Tumango tango ito sa sagot ko saka bumaling sa kapatid, "Paano kita tatanungin kung alam ko na ang course mo, stupid kaba?"

Natawa ako ng mahina sa tanong ng kuya nito, he pouted at me saka umirap sa kuya na parang bata. Nagpaalam na si Heeseung sa kapatid na makikikain daw sa amin kaya binalaan siya ng kapatid na umayos pagdating sa amin.

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now