12

833 38 10
                                    

xii.

Ginaw na ginaw akong pumasok sa loob ng bahay ni Heeseung, panay narin ang pagpatak ng tubig mula sa aking uniform dahilan upang mabasa ang flooring na tinutungtungan ko.

Umakyat si Heeseung sa kwarto niya sa itaas upang kumuha ng kung ano, at pagbaba niya ay dala-dala niya ang isang puting towel, at malaking tshirt nito.

Kinagat ko ang labi ko at napayuko, will he make me wear only this tshirt? Napalunok ako at nagtungo na sa banyo.

"Hello, William?" tawag niya sa telepono.

Iniwan ko na siya sa sala saka naligo na sa C.R nila, iisa lang ang C.R sa sala and for sure sa laki ng bahay meron din sa bawat kwarto at kusina.

Mababango ang mga sabon at shampoo nito, isama mona ang nagmamahalang mga showel gel na tinatanaw ko lang sa mga store na nakikita ko sa mall.

Kinapalan kona ang mukha ko at gumamit ng isang showel gel doon, sobrang bango! Halos magtagal ako sa kakaligo dahil nag e-enjoy ako sa mga bagong gamit na nakita ko, ngunit bigla akong nahiya nang makita kong halos nagamit ko na lahat. Maybe I should ask Daddy to buy me these stuffs and pay for using them too.

Lumabas ako ng banyo na nakatakip ang pang ilalim ko gamit ang towel na bigay ni Heeseung. Paglabas ko ay ang bungad sa akin si Heesehng at ang dalawang lalaking kasamahan nito, napa atras ako ng dalawang hakbang papasok ng C.R nang tumingin sila sa banda ko.

"Thank you for today, see you sa school tomorrow." ani Heeseung saka naglakad na palapit sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang dalawang naglalakad palabas, nakita ko pang ngumiti sakin ang isa na hindi katangkaran sa isa pa niyang kasama.

Bumalik ang paningin ko kay Heeseung na bahagyang nakangiti sa akin, iniabot nya ang isang paper bag na naglalaman ng mga panloob na kasuotan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, nasa malayo ang tingin ni Heeseung na parang ayaw niya itong tignan. I like that side of him.

Sinuot ko iyon pati narin ang pajama na kasama nito, naging komportable naman ang pakiramdam ko sa suot, at hindi na gaanong nilalamig.

"Akyat ka sa kwarto ko sa may kanan, may blower doon patuyuin mo 'yang buhok mo bago ka magpahinga." aniya.

Tumango ako saka umakyat na ng dahan-dahan sa kwarto nito, I even looked like a spy, a person peeking for someone but then pumasok na ako at namangha sa ganda at laki ng kwarto niya!

May walk in closet ito, may sariling banyo, may sariling sala, veranda at iba pa! Wala man ata sa kalahati ang kwarto ko sa laki nito! Umupo ako sa harap ng salamin at inumpisahang i blower ang basa kong buhok, natulala ako sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. It's kinda weird for me to be selfless lately, like I'm acting so strange na parang di na talaga ako ito.

I yawned when I'm finally exhausted. Hindi na ako nagdalawang isip na humiga sa kama ni Heeseung at yakapin ang unan nito, kasing bango niya ang bawat gamit nguni't dahil sa pagod ay pinabayaan ko nalang.

Naalimpungatan ako sa biglang ingay mula sa ibaba na parang may kumalabog, agad kong kinapa ang side table ko para buksan ang ilaw pero hindi ko ito makapa. Bumangon ako sa pagkakahiga saka napansin ang hindi pamilyar na kwarto, when I remembered na wala nga pala ako sa bahay.

Malakas parin ang ulan kahit madaling araw na, akmang bababa ako sa kama nang makita ko si Heeseung na nakahulog sa sofa ng kwarto at mahimbing na natutulog.

Gusto ko siyang palipatin sa kama niya at ako nalang ang mag a-adjust na lumipat ng mahihigaan. I suddenly feel bad about him, sacrificing his sleep and rest dahil may maarte siyang bisita and choose to sleep on a sofa.

Sinubukan ko siyang gisingin nguni't tanging ungol niya lang ang sinasagot nito. Bumaba nalang ako para uminom muna saglit ng isang basong tubig upang makapag isip kung paano ko napapalipat sa kama niya si Heeseung.

Napansin ko din ang uniform naming suot kanina na naka sampay at amoy na amoy anf mabangong downy na gamit niya rito. Napangiti ako bigla sa di inaasahang pangyayari.

Umakyat ulit ako at sinubukang buhatin si Heeseung, he's half sleep when he walked towards his bed. Sa pagbagsak niya sa kama ay bumagsak din ako sa braso niya, ang mapupungay niyang mga mata at ang gwapo niyang mukha ay hindi ko makakaila!

"Sa sobrang gwapo ko ba, nahuhulog kana?" he asked huskily.

Pumikit ako ng mariin, "Gwapo ka man o hindi, basta hindi masama ugali mo ayos na ako doon." sagot ko sabay alis sa braso niya. Hinila niya akong muli saka yinakap, "I'm worried about you. I'm worried that you may be gone after I fell asleep, na tatakbuhan mo ako gaya ng sa mga love stories. Hindi mo kailangang gawin iyon, dahil kusa akong lalayo kung ipipilit mo naman." mahabang sabi niya.

His eyes slowly closed, and I took that opportunity para bumangon at lumipat ng kabilang kwarto, at dahil doon ay halos hindi na ako makatulog sa sinabi niya. He'¢ worried about me? Like concern or something?

Kinatok ko ang sarili para magising mung nananaginip lang ako, at pinilit ang sarili na makatulog.

I just woke up when I heard some noises downstairs, I grabbed the robe beside the door at isinuot iyon sa lamig. Pagbaba ay nakita kong nagluluto na si Heeseung, nang makita niya ako ay mabilis siyang bumati.

"Good morning!"

Ngumiti ako sakaniya at tumango, naupo sa isang upuan sa dining area saka yumuko. Gusto ko pang matulog dahil napuyat ako sa kakaisip ng mga binitawan niyang salita, hindi ko malabanan ang antok ngayon nguni't pinipilit ko parin para sa almusal at makapasok na.

"Kain na." sambit niya matapos i set up ang lamesa kung saan kami kakain, maraming mga ulam ang niluto niya. Masasarap ang mga ito, I wonder saan siya natutong magluto ng ganoon?

I think I want to tease him first kaya nakaisip ako ng sasabihin pambasag ng katahimikan,

"Musta kana? Gising kana ba sa katotohanang di ka gwapo?", tanong ko.

Nasamid siya sa iniinom, "A-ano?" he asked.

"You asked me last night, right?" naibuga nanaman niya ang pangalawang iniinom niya

Ikinuwento ko ang lahat ng mga nangyari kagabi sakaniya na syang ikinagulat niya.

"H-Hindi ako 'yon no! Baka kung may dwendeng sumanib sa akin o kaya nananaginip lang ako?" nagpapanic niyang tugon.

Tumawa ako ng tumawa dahil sa reaction niya, "You look gorgeous when you smile or laugh, kaya wag mo nakobg kainisan para gumanda ka sakin araw-araw."

Halos ibato ko sakaniya ang mga pinggang nasa harapan ko, is that the only thing that I can do for now, todo cross naman sya ng kamay. We spend our remaining breakfast teasing one another. And the night came, still no escape for answers I've been waiting and wanting for more.

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now