03

1.2K 49 38
                                    

iii.

Sports day, a week long sports day has come. I am not into sports that's why I find this event boring.

"Bakit ang bigat bigat ata ng pasan mo sa mundo ha?" tanong sa akin ni Monica. Umiling ako,

"Go Heeseung, Go Heeseung, Go Go Heeseung Heeseung! Go Ethan! Woaah!"

Napuno ang gym sa cheer ng mga estudyante mula sa Enhyfun. Kanina pa sumisigaw ang katabi ko sa kilig, at pagsuporta sa mayabang niyang idolo.

"Sumama kana kasi, Yvette! Please?"

"No."

"Kahit isang beses lang bukas? Please?"

"I said no."

"Yvette sige na!"

Hindi niya ako tinigilan hanggang sa wala akong magawa kundi ang um-oo. Ngayon ay napupuno na ng tilian ang gymnasium kung saan natambakan ang kabilang school sa score na 70-34.

Maraming mga naka asul para suportahan ang Enhyfun Academy, at mga naka pula ang iba para sa kabilang school.

This Academy is much popular because of sports, academics, and of course good looking students. Many students here are in modeling industry, some are celebrities, and more. Ako nalang yata ang pinag iiwanan dito.

Even Monica is in the field of modeling, I don't even know why my parents have to transfer me here from Toduro University.

I excused myself and went to the clinic. Tinulungan ko si Nurse Nica sa pagpapatahan sa batang umiiyak. Nag bukas ako ng libro matapos magamutan ang bata at kumaway na ito sa amin pagka alis.

"Kakain muna ako sa canteen, sama ka?" tanong sakin ni Nurse Nica.

Umiling ako, "No thanks, I'm good."

Pinag aralan ko ang iba't ibang uri ng pananahi sa medisina, kumuha ako ng karayom at sinulid sa cabinet ng clinic saka sinubukang manahi ng mga gamit na naaayon sa librong binabasa ko.

Sa sobrang pagkatutok sa libro ay naitusok ko sa daliri ang karayom.

"Aw!"

Nilabas ko muna ang ilang dugo bago ito linisin at bigyan ng band aid, sa sobrang tutok ko sa ginagawa ay hindi ko namalayang lumipas na pala ang ilang oras at hindi pa bumabalik si Nurse Nica, kaya napagpasyahan ko na lumabas na lamang sa clinic at nag unat-unat.

"Hindi ka nanood." napatalon ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa harapan ko. Basang basa ang basketball jersey nito dahil sa pawis.

"S-So what kung di ako nanood? Worth it kabang panoorin?" irap ko sakaniya.

Pumameywang siya sa akin saka ngumisi ng malaki, "Worth it akong panooring maglaro, kase gwapo ako." mayabang nitong sambit.

"Alam mo napakayabang mo! Yung kayabangan mo wala na sa linya eh." irap ko ulit.

He cleared his throad, "So...nasaan ang pila at nang makalinya ako?"

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sakaniya saka sinipa ang kaliwa niyang paa at mabilis akong tumakbo palayo. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko nguni't hindi na ako lumingon pa rito.

As I walk towards the hallway, I saw Daniel. He grabbed my wrist and pinned me on the wall, I was so shocked that I couldn't breath and react.

"Yvette." he called me.

Nangunot ang noo ko at tinulak siya palayo, "A-Ano ba!"

"Yvette! Listen to me!" sigaw niya sa mukha ko.

Nandidilim ang mukha niyang nakatingin sa akin na parang kaya niya akong patayin sa oras na ito. Huminga siyang malalim saka ikinalma ang sarili, habang ako'y nanginginig at napapako ang paa sa harapan niya.

"Look, I'm sorry about what I did last time..." panimula niya. "...at mas lalong sorry sa nagawa ko dati-"

"Nakita din kita!" napatingin kami kay Heeseung na paika-ikang naglalakad, "Pinagod mo ako kakahanap sayo buti nalang sanay din akong magtago." tawa niya.

Nguni't walang natawa saming dalawa ni Daniel, when he started to feel the aura and realize what's happening, he cleared his throat.

"Are you okay?" he asked me.

I didn't respond to his question, I just frowned. Suddenly, I felt his arms embracing me.

"Hush, bakit ba umiiyak ka? Ako nga itong sinaktan mo tapos ikaw pa iiyak? Weak mo naman." aniya habang hinahawi ang mga tumatakas na buhok ko.

I was about to push him when Daniel pulled his jersey and punch him hard!

"Daniel!" I panicked.

He laughed, "Ito ba yung gusto mo? Mga sweet jejemon type of guys?" pasigaw niyang sabi. "Bakit hindi mo sinabi at nang ma abunjing bunjing kita noon pa?!"

"Shut up, Daniel!" I yelled at him. In an instance, I felt his palm on my face. He slapped me.

"Bro, wala namang sampalan ng babae. Lalaki ka ba talaga o naaapakan lang ang ego mo?" tawa ni Heeseung sakaniya habang pinupunasan ang dumurugong labi.

Humarap sa akin si Daniel, at ngumisi. "Wala ka parin palang pinagbago, Yvette. Malandi ka parin."

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now