21

733 36 4
                                    

xxi.

"Yvette, laro tayo!" aya sakin ni Monica.

Pinapanood ko lang siyang naglalaro ng alikabok habang nasa duyan ako, umiling ako sakaniya.

"Marumi iyan, Monica." sabi ko sakaniya.

Pinagpagan niya ang dalawang kamay saka tumabi sa akin, salubong ang dalawa niyang kilay na nakatingin sa akin. Sa totoo lang, Monica have great features. Ang kilay niyang makakapal, ang labi niyang mapula kahit walang koloreteng nilagagay ay napaka ganda. Mukha siyang artista!

"Si Yness iyon oh? Yung nakaka-yness!"

Sabay kaming napatingin ni Monica sa mga bata sa kabilang duyan, nagtatawanan sila at pinagtatawanan nila ako. Hindi ko alam kung bakit pero palagi nila akong binu-bully kahit wala naman akong ginagawa sakanila.

"Napaka ganda naman ng pangalan, nakakainis na Yness pa pangalan niya. Ano siya pinaglihi sa sama ng loob?" tawa ulit nila.

Napayuko ako at nagpipigil ng pag-iyak, hinaplos ni Monica ang likod ko at pinipilit na patahanin.

"Hayaan mo sila, Yvette. Papangit lang kasi nila kaya ka nila binubully." bulong sa akin ni Monica. "Hoy kayo jan! Inggit ba kayo dahil maganda ang kaibigan ko? Binubully niyo siya porket papangit niyo! Magsilayas nga kayo dito!" sigaw niya sa mga batang nambubully sa akin.

"Bakit sino ka ba ha? Pangit pangit mo din!" rinig kong sabi ng isang batang babae din.

Napaangat ang ulo ko nang maramdamang inalis ni Monica ang kamay niya sa likuran ko, naglalakad siya papalapit sa mga bata sa kabila.

"Monica!" awat ko dito.

"Alam niyo pinadidilim niyo ang paningin ko eh, sa sobrang pangit niyo na amoy araw pa kayong mga hampaslupa!" palaban niyang sabi.

Nakikita ko na ang galit ng isang babae, "Akala mo sinong mabango! Hoy hindi ka batas dito ha!"

"Really? Atleast ako nuknukan ng ganda, bakit nga ba ako nagsasayang ng oras sa mga pangit na tulad niyo? Hmp! Halika na nga, Yvette. Masyadong pangit ang hangin dito."

Hinila ako ni Monica paalis sa playground dahil sa mga batang babaeng nambubully sa akin. Natahan na din ako sa kakaiyak kaya naupo kami sa may bench ng park.

"Tama na iyak mo, Yvette. Papangit ka niyan."

Ngumiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako, nagpasalamat ako sakaniya sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin laban sa mga bully.

Dumaan bigla si Ethan, isa sa mga best basketball player sa grade namin. Magkakasing edad lang kami nina Monica, at sa edad namin sa elementary ay crush na crush siya ng kaibigan ko. Lagi niyang dinadalhan ng pagkain si Ethan, at lagi na rin siyang tinutulungan nito nguni't dahil magaling sa lahat ng bagay si Ethan ay minsan napapahiya nalang si Monica.

"Ang pogi naman ni Ethan!" kinikilig na sabi niya.

"Hindi kaba napapaisip, Monica? Bata pa tayo, marami pang iba jan. Saka mayabang iyan." sabi ko.

Ngumuso siya sa akin saka sinabing, "Paglaki ko gusto ko ako ang asawa ni Ethan, magiging Monica Laurien de Dios na ang pangalan ko!" pumalakpak sya saka tumingin sa akin. "Ang sinomang magka gusto kay Ethan, sasabunutan ko ng malakas! Papahirapan ko siya." aniya.

Ilang beses nang pinahiya ni Ethan si Monica sa harap ng maraming tao, he even had a girl friend in high school pero hindi ko ito kilala.

"May girl friend na si Ethan." Monica clenched her fist, "Kilala mo ba, Yvette?!" sigaw niya.

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now