14

821 49 13
                                    

xiv.

"Mahiwaga..."

Umiwas ako ng tingin saka napalunok na minsan, hindi ko inaakalang ma tinatago pa pala siyang talento! Edi siya na ang All rounder Ace, sakaniya na talaga ang trono. Pero hindi ko maipagkakailang bagay na bagay sakaniya 'yon.

He's been a varsity player, top student kahit may pagka ugali siyang di ko gusto, and a dean lister. Lahat nalang ng gawin niya ay wala siyang talo, at iyon ang kinaiinisan ko sakaniya.

Sa sobrang galing niya ay nakukuha na niyang magmalaki o magmayabang, or likas lang talaga sakaniya ang bagay na yon? Who knows.

Napaiglip ako sa byahe kaya nai-angat ko ang ulo ko mula sa pagkakahiga nito, and I realized I was sleeping on Heeseung's shoulders!

He's still on his headphones and his eyes are closed tipong natutulog na talaga siya. Nag ayos ako ng sarili saka ko napansin na malapit lapit na pala kami sa bundok.

Kinuha ko ang cellphone ko saka nagselfie sandali bago bumagsak ang ulo ni Heeseung sa ulo ko.

"Aw." napadaing tuloy ako sa sakit. "Ano kaba naman! Be aware of yourself when you're sleeping!" sigaw ko. Even tho I'm not aware on my own.

"Sakit ah, sa liit mo kase imbes na sa balikat ako bumagsak sa ulo mo tuloy." aniya pa!

Kung insulto iyon ay nagtagumpay siya sa pang iinsulto sa akin, at kung joke man iyon ay naiinsulto parin ako!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa umakyat na kami ng bundok, I almost got tripped in some rocks while climbing the mountain, ito na nga ba ang fieldtrip na sinasabi nilang enjoyable? Hingal na hingal na akong naglalakad sa matirik na daanan papunta sa camp site daw namin. Paubos na ang tubig kong dala at ang ilang mga jag pa ng tubig na meron kami ay nasa site na.

May naghaharutan pa nga sa mga kasama namin sa harapan ko kaya mas lalo akong nainis, kung hindi lang by pair ang pag akyat ay inunahan kona sila.

Tinignan ko ang kasama kong pawis na pawis narin at umiinom ng tubig, napairap nalang ako sa hangin habang naiisip kung bakit ba kami naging partner na dalawa.

"Hoy ikaw, aminin mo nga sakin...may kinalaman kaba sa pagpa-partner natin?" tanong ko.

Agad itong umiling, "Hindi no! Edi kung may kinalaman lang sana ako di ikaw nilagay ko, hays. Gusto kong makasama sa fieldtrip na ganito tulad nung kaibigan mo! Yun sexy, maganda, saka masaya pang kasama.", ngisi niya.

Umirap ako, "Edi magsama kayong dalawa, bwiset!"

Iniwan ko siya saka nagmadali sa pag akyat ng bundok, "Hoy Yvette, teka lang!" habol niya sa akin. "Joke lang naman kasi yung sinabi ko, wala naman akong problema sa pagiging partner ka." bawi niya.

"So may kinalaman ka nga?" tanong ko ulit.

Ngumuso ito, "Bakit ba inaakusahan moko sa bagay na di ko naman ginawa?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nagmamadali na akong maka akyat para makapag pahinga, gusto ko naring uminom ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako.

Sa kasamaang palad ay hindi kona kinaya, pagod at uhaw na ang nararamdaman ko. Mabilis pa naman akong ma dehydrate kaya naubos kona ang ilang bote ng tubig na dala ko.

"Here." abot sakin ni Heeseung. "Inumin mo na habang malamig pa yan. Saka muna tayo magpahinga dito."

Inilibot ko ang paningin ko at halos mga estudyanteng nagpapahinga na rin ang nakikita ko. Kinuha ko na ang tubig na inalok niya at tinira iyon sa isang inuman lang.

I was about to open my bag para ilagay doon ang boteng ininuman ko nang maitulak ako ng kung sinong nasa likuran ko. Nanlalaking mga mata akong napatingin kay Heeseung na siyang babagsakan ko saka napatingin sa matarik na pababang daanan likuran nito. But then, he held onto a branch of tree and hugs my waist, nanginginig ako sa pag aakalang sa field trip na ito ako mamamatay.

"Hala sorry, Yvette!" tinulungan kami ng mga iilan para hindi mahulog, bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Heeseung at napaupo sa may batuhan.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango ako at naiiyak na, pinaalis niya ang iilang mga naka kumpol sa akin saka inalis ang jacket nito.

Nilagay niya sa likuran ko ang jacket niya saka ako pinatahan, my cry baby moment showed once again.

Sa camp site ay nag aapoy na sila para paglutuan ng maraming mga pagkain, BSED and BSCE are doing very well. Agad akong yinakap ni Monica nang malaman ang nangyari, nakaupo lang ako sa tent habang pinapanood ang pag apoy ng kahoy sa may harapan ko.

"Want some snacks?" alok sakin ni Heeseung. Umiling ako, "I'm fine."

Tumango ito at pinagpagan ang tabi ko't naupo roon. Tahimik lang kaming dalawa habang pinapanood ang apoy na tinutupok ang kahoy.

I heard him sighed, and looked at me. Napatingin din ako sakaniya. He smiled and sighed again bago yinakap ang kaniyang mga binti.

"You know, noong natulog ka sa bahay..." panimula niya, "I saw you smiled, also noong tumawa ka nagustuhan kona lagi ang pagtawa mo because it's the thing that makes you up. And seeing you afraid kanina, makes me afraid too that maybe that gorgeous woman who uses my things in my bathroom disappear." aniya.

"I wanna see you smile again, Yvette. Hindi dahil sa nagpapatawa ako, kundi dahil sa gusto mong ngumiti. Is that how much you hate me huh? Na sa tuwing nakikita mo ba ako kumukulo sa inis ang dugo mo?"

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot, ano ang pinupunto niya? Ano ang gusto niyang mangyari?

"Kilala mo ba si Paraluman?" tanong niya.

Nakuha niya ang atensyon ko doon, "Kanta yon di ba?" tanong ko.

Umiling siya, "Hindi. So kilala mo nga ba si Paraluman?" tanong niya ulit.

"Hindi." sagot ko.

Bumusangot siya sa akin, "Tanong mo sino!" nguso niya.

Natawa ako dahil mukha siyang batang nagtatampo, umayos ako ng upo. "Sino?" natatawa kong tanong.

He looked straight unto my eyes, "Ikaw." aniya.

Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko sa sinagot niya, nguni't hindi niya doon tinuldukan dahil may sunod pa siyang sinabi,

"Ikaw ang paraluman ko, Yvette."

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now