10

876 38 4
                                    

x.

Nakabusangot akong naglakad palabas ng campus hanggang sa makarating ako sa school field, maraming mga nag P-P.E ngayon dahil sa nakaunifrom silA. Umupo ako sa isa sa mga bench at tinanaw ang mga naglalaro, ganito ba ang feeling ng lonely?

Gusto kong hanapin si Monica nguni't mukhang hindi ko siya makikita sa dami ng mga estudyanteng nakalabas ngayon, at baka nasa tabi pa siya ni Heeseung.

Speaking of Heeseung, ilang araw na mula nang nagpunta ako sa bahay niya at ang pagkakasuspend ni Daniel nguni't hanggang ngayon ay wala paring kasagutan sa mga tanong ko, ganito naba ako pinaparusahan ng mga ninuno ko sa itaas?

As I'm being pre-occupied and absent-minded, hindi ko na napansin na natamaan na pala ako ng bola sa mukha. Naramdaman ko nalang ang sakit nito at ang pagdurugo ng ilong ko, agad akong nilapitan ni Jake at tinulungang tumayo.

I blushed as I held his hand, napaka soft!

"Are you okay, Yvette?" he asked.

Tumango ako, "I-I'm good." sagot ko, nakita ko siyang umiling.

"No, you're not okay because you supposed to answer I'm fine if you really are." pagtatama niya.

Sinamahan niya akong magpunta sa clinic para gamutin ang dumurugo kong ilong, how many times did we argue about I can manage this bleeding dahil dati akong nursing student? HIndi siya nakikinig sa akin! Bahagya lang akong kinikilig sa tuwing naririnig ko ang sincere niyang tono, worried ba siya sakin? Enebe.

Pagpasok namin sa clinic ay nakita naming naglalandian si Heeseung at si Nurse Nica, Jake cleared his throat kaya napunta samin ang atensyon ng dalawa. Heeseung as usual is topless, flexing his dazzling body. Napapairap nalang ako sa hangin habang pinipigilan ang pagdurugo ng ilong ko.

"Oh Yvett, what happened?" salubong ni Nurse Nica saka inabutan ako ng first aid. Ikinuwento ni Jake ang nangyari bago umalis, leaving the three of us in am awkward moment.

Yumuko ako para lalong lumabas ang iba pang dugo, at ilang sandali ay itinapon kona ang bulak na nasa ilong ko. Umubo ng pakunwari si Heeseung bago humiga sa kama,

"Iglip lang ako, Nurse. Masakit pa ang katawan ko sa sobrang practice, alam mo na sa sobrang effort ko, nasasaktan tuloy ako." aniya.

Nandiri ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon. Binuksan naman ni Nurse Nica ang aircon na tila panauhing pandangal ang matutulog dito.

Tumayo ako't lumabas na, hindi ko kakayanin ang makasama ang isang mayabang na Lee Heeseung sa isang lugar. Panay ang tawag sakin ni Nurse Nica dahil hindi pa naman maayos ang ilong ko, may lumalabas parin na kaunting dugo mula rito kaya mukhang ayaw niya akong paalisin.

Nag tambay nalang ako sa park kung saan ko unang nakausap ang mayabang na iyon, for sure wala siya rito dahil nasa clinic siya.

Nahiga ako sa isang bench saka umiglip ng kaunti habang tinatakpan ang nagdurugo kong ilong, hilong hilo na rin ako kaya kailangan kong magpahinga.

Isinara ko ang mata ko at dama ko parin ang panghihina at ang agos ng dugo mula sa ilong ko.

Ngayong hindi kona malapitan man si Heeseung para makapag tanong sa mga bagay na gusto kong alamin, nawawalan nako ng pag-asa. Kinapa ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo kaya natuluan ng dugo ang uniform ko, hindi ko mahanap ang cellphone ko sa bulsa ko kaya bahagya akong nagpanic. Nadukot naba ang cellphone ko at hindi ko mahanap? Baka nahulog ko lang sa kung saan?

Bumalik ako sa school field kung saan ako natumba kanina nguni't wala ang cellphone ko doon, bumalik din ako ng clinic at baka doon ko nahulog nguni't wala doon sa inupuan ko, wala ding tao na pwede kong pagtanungan.

Napasapo ako sa noo saka pinunasan ang ilong, bahagya nalang nag pagdurugo pero marumi paring tignan. Pabalik na ako sa classroom para kunin ang panyo ko nang bigla akong hilahin ng kung sino kaya napaupo ako, and unfortunately sa lap pa ni Heeseung.

"Sshhh." senyas niya sa akin.

I thought there's no one inside the clinic? Bakit hindi ko siya nakita kaninang hinahanap ko ang phone ko? Did he teleported or what?

He geny wiped the blood on my nose using his own handkerchief, napaka bango nito at kaamoy niya. I stared at his face, hindi inalam kung ano ang reaction ko sa ginawa nito. When he's done wiping blood, he smiled.

"Yvette." tawag niya sa akin, I can't moved. Para akong naestatwa sa ginawa niya sa akin, is that how the main characters in a story book feels like?

Unti-unti niya akong tinayo at hinawakan ang mga kamay ko, napatingin ako doon. At nabalik lamang ako sa sarili nang magsalita ulit ito,

"Pakilabhan nalang ha? Puno ng dugo mo iyan eh." aniya.

Halos ihampas ko sakanya ang panyo niya, katapos niyang gamitin sakin pa niya palalabhan? Ang kapal ng mukha nya!

"H-Hoy! For your information, I didn't borrowed your panyo no! Ikaw nga 'tong manghihila nalang bigla bigla saka gagamit ng panyo sa akin tapos palalabhan mo din? Bakit ko naman lalabhan yan? Ano ka gold?" irap ko sakaniya.

Nanlaki ang mga mata niya sa akin, "Gaya gaya ka ng line ha! Akin yon oy!" sigaw niya sa akin.

Inirapan ko siya at nagmartsa palabas ng clinic, ni hindi ko man makita ang cellphone ko! Saan ko ba naihulog iyon?

Naupo ako at nagpangalumbaba sa tapat ng pintuan ng clinic, halos maiyak na ako sa maraming dahilan at dumagdag pa ang pagkawala ng cellphone ko. Naiinis ako dahil wala ako sa sarili buong araw, ano bang pinang gagawa ko at naging ganito ang buhay ko?

Maraming mga bagay ang bumabagabag sa akin at mga sagot na hindi man makuhanan ng sagot. Pinunasan ko ang mga nagbabadyang tumulong mga luha nang bumukas ng pinto ng clinic at inilabas nito si Heeseung na naka uniporme na.

Narinig ko pa siyang sumipol, "Bakit ka umiiyak?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, nanatili lamang akonh nakayuko sa tuhod ko.

"May nawawala ba sayo?" doon ako nag angat ng tingin sakaniya, our eyes met and my heart started pounding, hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa ano.

Unti-unti akong tumango sakaniya, ngumisi siya sa akin at saka may kinuhang kung ano sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang cellphone kong hawak niya.

"A-Akin na 'yan!" abot ko dito. Nguni't dahil matangkad siya ay hindi ko maabot.

He smiled at me, "Makukuha mo ito sa isang kondisyon," Aniya. "Be my errand girl."

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now