06

1K 51 29
                                    

vi.

In the middle of the night, I still wanna cry about the violence I experience, all the trauma's that I hide, can someone save me from the anxieties and fear that I have?

"Huy! Gising na, Yvette. Mag aalmusal na tayo." gising sa akin ni Monica.

Bihis na bihis ito at nakaligo na rin, naalala ko nga palang may balak sila g umalis upang kitain ang mga barkada ni Heeseung.

Dumapa ako saka natulog na muli, ilang minuto ay walang gumigising sa akin kung kaya't napaupo ako sa kama at nanlaki ang mga mata nang makita kong hinahalungkat na ni Monica ang closet ko!

"Hoy!" sigaw ko at dagli-dagling sinara ito.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, "What? I already prepared something that you can wear!" aniya saka ako tinulak ng mahina.

Inilabas niya ang isang white tshirt na may print ng kung ano saka isang brown pants na may belt. This is not my cup of coffee, but I guess I have no choice. Knowing Monica, she always gets what she wants.

Pagbaba ay nakahanda na ang dalawa, pawang ako na lamang ang hinihintay. Nakasara narin ang mga dapat isara sa bahay, tanging ang main door nalang ang nakabukas kung saan kami lalabas at nasa akin ang susi nito.

"Tara na." maligayang sambit ni Monica bago naunang lumabas.

Nakatingin pa rin sa akin si Heeseung, "Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango ako saka dumireto sa pintuan, sumunod siya sa aking lumbas. Akmang isususi kona ito para i-lock ay hinawakan niya ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sakaniya.

"Ako na." presinta niya.

I was about to protest when he grabbed the keys from my hand at mabilisang inilock ang pintuan, sakay ng kaniyang limousine ay bumyahe kami ng hindi kahabaan, may isang park kung saan napag usapan daw nilang magbabarkada na magkita.

Buong byahe lang akong nakatingin sa bintana ng kotse, habang ang dalawa ay masayang nagkukwentuhan sa harapan. Nakaupo si Monica sa tabi ng driver's seat, habang ako ay nasa passenger seat. Hindi naman ako nagreklamo dahil una ay ayaw ko talagang sumama, napilitan lang ako dahil sa best friend ko.

Mga magagarang kotse ang naabutan naming nakaparada sa parking area ng park, mga iba't ibang uri ng branded na kotse ang naroon kaya tuwang tuwa ang kaibigan ko.

"Wow! Mayayaman ba ang mga kaibigan mo? Well it seems like yes no! Look at their cars, omg!"

Heeseung laughed, "Actually, they are all students from Enhyfun Academy."

Nagulat kami pareho ni Monica, may mga kaibigan siyang mayayaman sa school? Well, obviously hindi na nakakapagtakha iyon dahil isa sa pinaka sikat na estudyante sa Enhyfun ay si Heeseung.

"Bro!" bati sakaniya ng mga familiar na mukha.

Nag man hug sila at nagtawanan pa bago nila mapansin ang presensya naming dalawa ni Monica.

"May kasama ka pala." sambit sakaniya ng lalakeng naka orange na polo, at black na pants. His eyes were kinda round and small, and he's cute tho.

"Two timer ba yan, pare?" tawa sakaniya ng isang lalaking may katangkaran din, nguni't mas matangkad lang si Heeseung ng bahagya sakaniya. Malaki ang pangangatawan din nito, isa ring gwapo.

Umiling si Heeseung sakaniya, "They are my friends. This is Monica, and this is Yvette." pakilala niya sa amin.

Ngumiti ako sakanila habang ang kaibigan ko ay wagas kung makangiti at maka kaway sa mga ito.

Dating My Hater (Enhypen Series #1)Where stories live. Discover now