23

3 0 0
                                    

I really want to ask about his connections with Charles but I don’t want him to force to. Nasa sasakyan niya parin kami ngayon. Di pa nya pinapaandar ang sasakyan nya hindi ko alam bakit at sino ang hinihintay niya.

“May hinihintay ba tayo?” Tanong ko sa kanya.

“Nothing I just can’t get him off out of my mind.” Seryosong sagot niya at pinaandar na ang makina ng sasakyan niya. Tumango nalang ako at tinuon ang atensyon sa daan.

“Salamat.” Sabi ko sa kanya nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Nasa sisigan lang kami dahil bigla akong nag crave ng sisig. Di pa ako nakatikim pero mukhang masarap kaya balak kong e try ngayon.

Magkaharap kami ngayon habang nag hihintay ng pagkain. Palagi naman kaming magkasama kumakain pero naiilang parin ako.

“Ok ka lang?” Biglaang tanong niya dahilang napatingin ako sa kanya.

“Ah oo ok lang. Ikaw ba ok ka lang?” tanong ko sa kanya pabalik.

“Yeah medyo nag-alala lang ako sayo.” Sagot niya dahilang napatawa ako ng mahina. Kumunot ang noo nya na para bang nag tatanong kung anong nakakatawa.

"Nabigla lang ata yon." Sabi ko sa kanya. Sinusubukan kong e light up ang atmosphere sa'min. Nabibigatan ako e pakiramdam ko nandito parin si Charles sa paligid namin. "Hindi naman siya ganun noon." Dagdag ko pa at tiningnan ang siko ko. Di naman gaano ito namumula.

"How are you sure?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya na para bang binabalik ang tanong niya sa kanya.

"Matagal na kaming magkatrabaho. Hindi ko alam bakit bigla nalang siya naging bayolente." Sagot ko. Tumango naman siya. Naputol lang ang pag-uusap namin nang dumating na ang sisig. Bigla akong nagutom kaya naman kumain na kami agad.

Tahimik lang kaming dalawa. Habang kumakain kami di'ko maiwasang tumingin sa direksyon niya. Maraming nagbago. Mas bumagay sa kanya ang salamin nya ngayon kesa noon.

Napangiti ako nang maalala ko ang unang pagkikita namin. Nakatingin siya sa'kin noon habang ako nakikinig lang sa harap kasi baka itanong sa'min kung ano ang activities noon.

"Are you happy?" Biglaang tanong niya sa'kin. Nakatitig kami sa isa't isa ngayon. Parang inalog ang buong systema ko at nahihiyang umiwas ng tingin.

"Naalala ko lang yung sa camp noon." Nakangiting sabi ko at tumingin ulit sa kanya.

"Camp? We join a lot of camps before." Sagot niya at napailing nalang ako nang ibang klaseng camp ang naalala niya.

"Naalala mo pa nung unang pagkikita natin noon? Yung sa North atsaka sa camp fire?" Tanong ko at tumingin siya sa'kin habang ngumunguya.

"Ah!" Sabi niya na para bang may naalala at tumingin sa'kin. "Right! We're still in 9th grade that time." Sabi niya at inayos ang salamin.

"Oo!" Sagot ko at ngumiti ng maalala niya pa noon. Nag kwentuhan lang kami tungkol doon at kung paano naging kami at kung paano rin kami natapos.

"Masyadong mababaw noon." Nahihiyang sabi ko at umiwas ng tingin.

"I already told you. I understand." Sagot niya at kinuha ang kamay na nakapatong sa lamesa. "I already forgive you. At least you learned your lesson right?" Tanong niya at agad naman akong tumango.

"When the right time comes. When everything's settled I'm courting you again if it's ok with you." Sabi niya dahilang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Di'ko ma explain ang nararamdaman ko na para bang may explosion na nangyayari sa loob ng katawan ko.

"O-okay." Sagot ko at umiwas ng tingin. Hinalikan nya ang likod ng bahagi ng kamay ko dahilang nag init ang ilalim ng bahagi ng mata ko. Parang kami parin. I don't know but when his lips touched my hand i just know that I'm safe and loved.

The Lover's Campfire (North Series #1)Where stories live. Discover now