13

5 0 0
                                    

Tw: Abuse.


"Scalpel." Narinig kong sabi ng doctor. Agad kong kinuha ang scalpel at inabot yon sa kanya.





Sabi ng mga kaklase ko noon karamihan sa mga doctor ay masungit pero malapit na matapos ang duty ko at di pa ako nakakasulubong na masungit na doctor. Karamihan sa kanila chill lang kahit stress na sila pinipili parin nila maging kalmado lalo na't buhay ng tao ang hawak namin.




Nang matapos na ang duty ko ay nakita ko agad si Ross. Tumakbo ako sa kanya at yumakap. Kita ko rin ang pagod sa mga mata niya. Pareho na naming last year sa college kaya stress na kami pareho.





Habang nag mamaneho siya papunta sa'min ay sinandal ko ang ulo ko sa bintana. Di ko namalayang naka tulog na pala ako.





"Baby." Rinig kong sabi ni Ross habang tinatapik ang balikat ko. "We're here babe." Sabi niya dahilang nagising ako.





Nilibot ko ang paningin ko at nasa bahay na pala ako.





"Thank you babe." Bulong ko at inabot siya para mahalikan ko siya sa pisngi.





"Anything for you babe." Sagot niya at tipid na ngumiti. "Rest agad ha." Paalala niya at tumango naman ako at kinuha na ang mga gamit ko bago bumaba.





Ngumiti muna ako sa kanya at ngumiti rin siya pabalik bago umalis. Tumitig muna ako sa papalayong sasakyan niya bago na pumasok sa loob.






Pagkapasok ko palangsa bahay ay agad nanlaki ang mga mata ko nang makita si Cherry. Nakahiga sa sahig at may dugo na tumulo mura sa ilong niya.






Agad nag init ang ulo ko at lahat ng pagod ay napalitan ng galit at frustration.






Tumingin ako sa tatay ko at sinugod at agad na sinuntok sa mukha. Naiyak ako nang sumakit ang kamao ko at hinawakan ko yon. Nang pag angat ko sakanya ay susuntukin niya na sana ako. Pumikit ako at hinintay ang suntok niya nang may narinig akong may tumumba.






Nagulat ako nang makita ko si Ross at hawak sa kwelyo ang tatay ko.






Kinuha ko ang lumang relo ko at malakas na tinapon yon sa mukha niya dahilang dumugo ang ilong niya.
Sinipa ko rin ang mukha niya. Wala na akong pake kung ano ang iisipin ni Ross. Ilang taon niya na kami inaabuso at kinikimkim ko ang lahat.






Umiiyak ako habang tinatadyakan siya. Pinipigilan ako ni Cherry pero di ko sya pinansin at mas nilakasan pa ang tadyak ko sa kanya.






Tumigil lang ako nang maubos na ang lakas ko. Napaluhod ako sa sahig at umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa frustration. Gusto kong pumatay kaso ayokong makulong.






Sa ilang taon ko tong kinimkim. Tumingin ako kay Cherry na nakayakap sa'kin. May mansa pa nang dugo ang scrub ko dahil sa ilong ni Cherry.






Mas lalong uminit ang ulo ko pero pinigilan ko lang yon. Ayokong pansinin dahil baka kung ano pa ang magawa ko.






Nang naramdaman kong bumukas ang pinto ay mas lalong bumigat ang pakiramdam ko nang mapagtantong si mama yon.






"Renaldo." Sigaw ni mama at agad na pinuntahan si Papa. Tinulak niya si Ross dahilang sumama ang tingin ko kay mama. "Anong ginawa nyo sa asawa ko." Naiiyak na sabi ni Mama.






Tahimik lang si Ross at umupo sa couch. Umiiyak na si Mama ngayon at hinawakan sa pisngi ang papa namin. Tinitingnan kung buhay pa ba o ano.






"Che ano to." Naiiyak na tanong ni mama habang hawak si papa.





"Hayop." Sagot ko at tumayo na at inalalayan si Cherry papasok sa kwarto ko. Sinenyasan ko rin si Ross na sumunod.






"I can't let you stay here." Seryosong sabi ni Ross habang naka kuyom ang kamao.






Umiiyak lang si Cherry habang ginagamot ko ang mga sugat niya. Nilagyan ko rin ng tampon ang ilong niya.






Umiiyak ako pero pinupunasan ko yon. I hate being like this. Marunong akong magmahal kaya mahal ko ang sarili ko di ako katulad ni mama na masiyado nang nabulag sa pagmamahal niya kay papa.






"Ate sumama ka na sa kanya." Naiiyak na sabi ni Cherry. Pinunasan ko ang luha niya at umiling.






"Kaunting buwang nalang makakapagtapos na'ko. Makaka alis na tayo dito." Sabi ko sa kanya. "Ako ang bubuhay sa'tin. Unting tiis nalang." Naiiyak na sabi ko at nilagyan ng bandage ang mga sugat niya.






"Can i sleep here?" Tanong ni Ross sa'min at tumingin ako kay Cherry. Tumango naman siya kaya tumango na rin ako.






Bumili ng pagkain si Ross at ako naman naglapag ng higaan niya.





Habang kumukuha ako ng unan bigla nalang bumukas ang pinto. Akala ko si Ross pero nang mapagtanto kong si Mama yun ay nag iwas ako ng tingin.





"Anak." Tawag niya sa'kin. Di ko siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko. "Pag pasensyahan nyo na si Mama." Umiiyak na sabi niya.






Narinig ko ang hikbi ni Cherry sa gilid kaya naman ay humingi rin siya ng tawad kay Cherry. Agad yong tinanggap ni Cherry pero ako? Wag ngayon. Kung sana pinili niya kami kanina mapapatawad ko pa siya.






"Mahal mo nga si tatay pero paano kami." Naiiyak na sabi ko sa kanya. "Anak nyo kami e." Dagdag ko at pinunasan ang luha ko.






"Anak sorry pero di ko kaya bitawan ang tatay mo." Umiiyak na sabi ni mama.






"Mamili ka ma. Kami o yung hayop na yun?" Tanong ko sa kanya. Umiiyak lang siya at di na makapag salita dahil sa pag iyak niya.






Umiling nalang ako. Ano pa bang aasahan ko sa kanya.






Nang lumabas na siya ay sakto namang dumating si Ross dala ang pagkain na binili niya.






"Nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.






Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.





"Don't give up ok?" Sabi niya habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. "You too." Sabi niya rin kay Cherry. Di ko makita ang sagot ni Cherry dahil hawak niya ang pisngi ko.






Humiga na ako sa tabi ni Cherrybat sa baba naman si Ross.






"Malapit na makakapagtapos si Ate ha." Pag a-assure ko kay Cherry at tumango naman siya. "Makaka alis rin tayo." Dagdag ko at pumikit na rin siya.






'Lord ikaw na bahala. Sana makaraos rin kami.'






:|

The Lover's Campfire (North Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora