7

7 0 0
                                    

“HAHAHA Baliw!” Tumatawang sabi ko sakanya at hinampas siya sa braso.




Ngumiti siyang umiling at bumalik na sa uupoan niya.




“Landi nyo.” Bulong ni Vivian sa'kin at tumawa naman ako.




“Uhm Cherish can I talk to u after class?” Biglaang tanong niya dahilang napalingon ako sa gawi niya.




“Tungkol saan?” Tanong ko.




“It’s important.” Sabi niya. “About us.” He mouthed.


“Anong meron sa'tin?” Curious na tanong ko sa kanya.




“We’ll talk about that later.” Sabi niya. Taka ko syang tiningnan bago na tinoon ang atensyon sa harap.




Nasa backstage kami ng gym ngayon. Naka upo ako at habang sya naman ay nakatayo sa gilid ko.




“Anong pag-uusapan natin? Tanong ko sa kanya at tumingila sa kanya.




“I’ll court you.” Seryosong sabi niya. Di ko agad na proseso ng utak ko ang sinabi niya at nanatili parin akong nakatingin sa kanya.




Kaya ko ba? Marami akong obligasyon sa paaralan May camp na naman next week tapos this Saturday may seminar kami. Journalist ako e kailangan ko rin yung puntahan. Tapos vice president rin ako sa Student Supreme Court.



Stem pa naman ang kinuha kong strand. Tapos dadagdag pa siya?



“A-ano di mo kakayanin e.” Nahihiyang sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.




“I can wait.” Seryosong sabi niya.




“Sure ka? Kung ako sayo g-give up na'ko.” Natatawang sabi ko.




“We don’t know what our future holds Cherish.” Sabi niya at sumandal sa pader. “So let me prove to you that I can handle and wait for you.” Seryosong sabi niya.


Tumango nalang ako bilang bigay permiso sa kanya na pinapayagan ko na siyang manligaw. Magsasawa rin to. Kagaya rin to ng mga lalaking nanligaw sa'kin noon kaya di na big deal sa'kin to.




“Una na'ko.” Nakangiting sabi ko at nauna nang lumabas sa backstage.




“Che! San ka galing?” Bungad sa'kin ni Vivian at inakbayan ako.




“May kinausap lang.” Natatawang sabi ko at tinapik ang kamay niya.




“Ross no? Nanligaw na ba?” Natatawang tanong niya. Tumatawa akong tumango at lumakas naman ang tawa niya.




“Putcha Hanep!” Natatawang sabi niya at pabiro akong inalog. “Sabi na nga ba.” Dagdag niya pa.



“Magsasawa rin yon.” Natatawang sabi ko.




“Di parin nagbabago linyahan mo pag may nanliligaw sayo no?” Natatawang tanong niya at umiling nalang ako dahil nahihiya na'ko sa inasal naming dalawa.




“Lahat naman kasi sila nagsawa tapos nakahanap ng bago.” Bulong ko at mahinang tumawa.




“Basher ka!” Pang-aakusa niya sa'kin at tumawa ulit.




Natapos na ang last subject at pauwi na sana ako nang naramdaman kong sumunod sa'kin si Ross. Naamoy ko na ang pabango niya. Di naman matapang di rin pang soft kumbaga tama tama lang.



“Hatid kita.” Seryosong sabi niya. Di ako sumagot at tumango nalang.




Naka upo kami sa waiting shed ngayon. Napag isipan ko kasing umupo muna dahil pagod ako.




“Do you want me to massage you?” Biglaang tanong niya dahilang umayos ako ng upo.




“Chansing ka.” Pang-aakusa ko at tinuro pa siya. Isa pa nasa public kami na lugar nakakahiya. Mahina nalang akong napatawa dahil sa ginagawa niya.




“Hanggang kailan mo'ko kayang hintayin?” Tanong ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.




“Until you’re ready.” Seryosong sabi niya.


“Naks naman hihintayin daw ako o.” Pang-aasar ko at mahinang tumawa. Gusto ko siyang hampasin pero nahihiya ako. Daming tao baka ano isipin huhu.





Hinatid niya nga ako at pagdating ko sa bahay ay nag-aaway na naman sila. Di nako nag abalang maki Sali at tumungo na sa kwarto.




Nag suot ako ng headset at nag aral nalang para ma distract ang sarili.




“Uy kasali ka pala?” Tanong ko kay Crystal. Magkatabi kasi kami sa Jeep. Aalis kami ngayon para sa Journalism.




“Ay hindi anino mo'ko.” Seryosong sabi ni Crystal. Pangit nito mag biro akala mo seryoso e.


“Buti nalang kaibigan kita at nakakaya ko ang mga corny mong jokes.” Pang-aasar ko at mahinang tumawa.




Umirap nalang siya at sumandal sa'kin.




First place si Crystal at second naman ako.




Di naman masiyadong boring dahil more on competition to kesa seminar na inaasahan ko. Syempre humss student si Crystal kaya di na'ko mag tataka kung palagi siyang first sa ganitong klaseng competition.




“Gala muna tayo.” Pang-aya ko sa kanya.


“Wala akong energy e.” Sagot niya at bumuntong hininga.




“Sige sainyo nalang?” Aya ko at tumango naman siya.




Masiyado pang maaga at ayoko pang umuwi.




Nasa kwarto niya kami ngayon at naka higa ako sa kama niya at siya naman at naka upo sa sahig.





Umiinom siya ngayon ng kape habang naka tingin lang sa sahig. Alam kong may problema siya o may gustong sabihin kaya nanatili nalang akong tahimik at hinihintay na mag salita siya.




“May balak ka ba sainyo ni Ross?” Biglaang tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya. Di ko inaasahan na yun ang itatanong niya.



“Hindi ko alam. Wala akong plano.”  Sagot ko at iniwas ang tingin. Kinagat ko ang mga kuko ko dahil sa kaba.




“Naka usap ko siya. Ang sabi niya sa'kin seryoso siya sayo. Kaibigan ko si Ross noon dahil magkaklase kami noon. Marami siyang napaiyak kaya duda ako pero nung kinausap nya'ko nilinaw niya sa'kin kung ano ang intensyon niya sayo.” Seryosong sabi niya.





Di parin na p-proseso ng utak ko ang sinabi niya. Anong meron sa kanilang dalawa noon?




“Masiyadong mabigat si Ross. Kakayanin mo ba?” Seryosong tanong niya at tumingin sa'kin.




“Kakayanin ko.” Sagot ko at tumango. Ngumiti siya sa'kin pabalik at tumabi sa'kin.



“Akala ko ba sa fictional ka lang naiinlove.” Natatawang sabi niya at pumikit na parang matutulog.




“Gagawin ko ngang rebound su Ross.” Natatawang sagot ko at yumuko. “Dito nalang ako matutulog.” Dagdag ko at pumikit na rin.




Tumango siya at maayos na humiga samantalang ako ay tumayo na para kumuha ng pantulog sa bag ko.




Plano ko talagang matulog kela Nica kaso nandito na'ko kela Crystal e. Pagkatapos kong magbihis ay nag text na'ko kay mama na dito na'ko matutulog. Pumayag naman si mama. Nag text narin ako kay Nica na di matutuloy at pumayag rin naman siya.





Tumungo na'ko sa kusina at nag sepilyo bago humiga.

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko  may nag text na naman.




From: Unknown Number

“Window.”




Window? Anong meron sa bintana. Curious ako kaya sumilip ako sa bintana.




Malapit akong mahulog nang makita ko si Ross na naka sandal sa motor niya. Naka Jacket na kulay itim at naka maong na itim may putting sando nga lang kaya di'ko matawag na men in black.




Pinalaglalaruan niya ang susi niya habang ang isa namang kamay ay naka hawak sa cellphone niya.



Agad kong inayos ang buhok ko bago bumaba.




“Nandito ka ba para sa'kin?” Kinakabahang tanong ko at pinaglalaruan ang daliri.




“Nah I’m here because Crystal informe-“




“Sige tawagin ko muna.” Putol ko sa sinabi niya at tumalikod na.




Papasok na sana ako sa bahay ni Crystal nang bigla niya nalang akong hinila at kinabig s mga braso niya.




Lord ano to huhu. Sign na ba to? Lord masiyado pang maaga.




“She informed me that you’re here.” Sabi niya habang naka yakap sa'kin.




Kinakabahan ako. Bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nagsisimula nang nanginginig ang mga kamay ko. Teka lord sobra naman ata to huhu.





“I miss you.” Bulong niya dahilang nagsitayo ang mga balahibo ko.




“A-ako rin.” Nakangiting sagot ko at niyakap siya pabalik.





“Sige na alis na.” Sabi ko tinapik ang likod niya. Tumawa naman siya at humiwalay na sa'kin.




“Goodnight babe.” He mouthed tas hinalikan ako sa noo.




Wait lang! Kinikilig ako teka!




“Goodnight rin.” Nakangiting sabi ko at tumalikod na.




Paano ba kumalma! Huhuz nyeta hulog na ata ako.


:>

The Lover's Campfire (North Series #1)Where stories live. Discover now