16

6 0 0
                                    

Napakurap ako matapos niyang e kwento sa mga estudyante ang meron sa'min noon.




It was a good story but he only share his side. Na guilty ako pero sadyang di ko lang kinaya noon. Marami na akong problema. Natakot ako na baka madagdag sya sa problema ko noon kaya tinapos ko na bago pa magkaroon ng problema.




It's been like 3 or 4 years ago nang maghiwalay kami? Di ko na ata maalala. Ewan ko bahala na siya sa buhay niya.




Pagkatapos ng program ay agad na'kong pumasok sa sasakyan ko at umalis na. May duty pa ako bukas kaya kailangan kong magpahinga ngayon.




"Mars nakita mo ba yung head engineer? Ang gwapo!" Narinig kong chika ng kasamahan ko.




May ginagawa pa kasing extension ang hospital. Lumalaki na ang hospital lumalaki na rin ang sweldo. Napangiti akong iniisip yon.




"Ay true ba?" Sagot rin nang isang kasamahan ko.




Napailing nalang ako at nang may pumindot ng call button sa Room 34 ay agad akong nag tungo ron.




"Ano pong problema?" Tanong ko sa kanila at tiningnan ang patient na natutulog sa kama.




Chineck ko ang dextrose at iba pang machine na naka kabit sa kanya baka may problema o ano.




"Nag s-serve po ba kayo ng pagkain?" Tanong sa'kin ng lalaking bantay ata ng pasyente.




"Sa patients lang po. Yung mga guest o bisita ng pasyente ay pwede naman hong bumili sa canteen." Nakangiting sagot ko sa kanya.




"Ah sige po. Ano nga pong oras ang pag serve ng pagkain ng pasyente mam?" Tanong niya sa'kin.




"Sa breakfast po is usually 7-8 am at sa tanghali po ay 11-12 noon at sa dinner po ay 7-8 pm po." Nakangiting sagot ko.



"Ah sige po salamat." Nakangiting sabi niya at umalis na'ko para bumalik sa station bago mag rounds.




Nag rounds ako yung c-check yung dextrose kung meron pa ba at kamustahin yung lagay ng pasyente etc.




Pagkatapos kong mag rounds ay tumungo na'ko sa canteen at nag order ng pananghalian.




Tahimik akong kumakain nang bigla nalang may sumulpot sa harap ko dala ang tray ng pagkain niya.




"Can i sit here?" Seryosong tanong ni Ross at mahinang sinipa ang upuan. Tumango nalang ako bilang sagot at bumalik sa pagkain.




Tahimik lang kaming dalawa habant kumakain. Ni isa walang nag salita. Ayoko rin siyang pansinin.




Sumulyap ulit ako sa kanya at sakto nag tama ang tingin namin. Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko. Kinakabahan ata ako. Malay ko bang dito ko siyang makikita e di'ko nga alam anong ginagawa nito dito.




Baka bumisita sa shota niyang patiente. Subukan niya lang sabihin ang pangalan baka turukan ko nang pampatulog habang buhay. Chos!




Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at nilapag ang tray sa lalagyanan ng mga hugasin at uminom ng tubig bago bumalik sa station.



Bakit ba yon nandito? Manliligaw ba sya ulit sa'kin? Ha! Asa. Iniwan ko na nga dapat ako ang naghahabol sa kanya pero ayoko. Di ako pinanganak para maghabol pero gusto ko. P-planohan ko nalang.




The Lover's Campfire (North Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat