19

11 0 0
                                    

"Hoy ano na mars." Pukaw sa'kin ni Vivian. Di ko siya pinansin dahil pati ako di alam anong isasagot sa kanya.



"Mahal mo pa no?" Tanong niya



"Di ko alam bahala na." Inis na sagot ko at tiningnan ang relo. Malapit na pala ang duty ko kaya kailangan ko nang umuwi.


"Una na'ko salamat pala." Pagpapaalam ko at tumayo na para kunin ang mga gamit ko sa kwarto niya.



"Ingat ka marekiks!" Sigaw niya bago ako lumabas at tumango naman ako.


Nakalimutan ko ang susi ko kaya bumalik ako sa loob para kunin ang susi sa kanya.



"Katangahan mare." Pang-aasar niya at tumawa pa. Napailing nalang ako at hinampas siya sa braso bago na tuluyang umalis.



Nang makarating na'ko sa harap ng bahay na nirerentahan ko ay may napansin akong relo malapit sa paa ko. Buti nalang di ko naapakan. Kinuha ko ang relo at mukhang panglalaki ito. Wala naman akong pinasakay na ibang lalaki kundi si Ross lang.


Maaga akong pumasok sa trabaho dahil kailangan ko pang ihatid ang relo niya.


"Good evening!" Bati ko sa mga construction worker na nag t-trabaho sa Extension ng hospital.


"Good evening Ma'am!" Masiglang bati nila sa'kin dahilang napangiti ako. "Si Engineer Escaño ba Ma'am? Ah di ata papasok ngayon." Nakangiting sabi ng isang construction worker sa'kin.


"Huh? Pa'no nyo nalaman na si Engineer Escaño ang hinahanap ko?" Takhang tanong ko sa kaniya.


"What do you need?" Sabi ng lalaki mula sa likuran dahilang nagulat ako. Inis akong tumingin sa'kanya at nakita ko siyang nagpipigil ng tawa.


Napapikit ako sa inis. Huminga muna ako ng malalim bago ulit tumingin sa'kanya.


"Salamat pala kanina at naiwan mo ang relo mo sa sasakyan ko." Sabi ko at inabot sa kanya ang relo na nasa bulsa ko.


"Welcome." Sagot niya at kinuha ang relo niya mula sa kamay ko. "Take care of yourself." Seryosong sabi niya habang sinusuot ang relo niya.


"Ikaw din engineer." Sabi ko at umalis na. Di pa ako naka dalawang hakbang napatigil agad ako sa gulat nang makita si Charles na naka tingin sa'min.


Nakita ni Ross na napatigil ako at tumingin rin siya sa direksyon ni Charles. Napatingin rin si Charles kay Ross at mukhang nagpapalitan ng di ka aya-ayang tingin.


Tumungo na'ko sa direksyon ni Charles at tinapik siya sa braso.


"Hoy wala kang nakita ha." Bulong ko sakanya. Baka pag chismisan kami e awit na.


Tumingin siya sa'kin at ngumiti bako ako hawakan sa balikat at naglakad palayo sa Extension.


"Una na'ko che." Nakangiting sabi niya pero tipid ang ngiting iyon.


"Sige ingat ka." Nakangiting sagot ko at tumungo na sa station para makapag simula na nang trabaho.


2:57am na nang kumain ako. Aaminin kong hanggang ngayon umaasa parin akong may sasabay sa'kin pero wala. Malamang tulog na yun o ano.


7:30am na nang umalis ako sa trabaho. Palabas pa lang ako sa hospital at nakita ko si Ross na papasok na rin.



Pero di'ko inaasahang tuloy tuloy lang ang paglalakad niya. Ano yun? Bakit di niya ako pinansin? Napatingin nalang ako sa papalayong likod ni Ross bago bumuntong hininga at lalabas na sana ako nang makita ko ulit si Charles na kapapasok lang. Nakatingin sa'kin na para bang may tinatanong o ano.


Ngumiti nalang ako sa kanya ng tipid bago siya nilampasan at pumunta na sa sasakyan ko. Nang makarating na'ko sa sasakyan ko ay pinatong ko muna ang ulo ko sa steering wheel bago bumuntong hininga at sinumulan na ang pag andar ng makina ng sasakyan ko.


Tulala ako habang nag d-drive hindi dahil kay Ross kundi dahil sa pagod sa trabaho. Buti nalang at naka uwi ako ng ligtas.



Nang makarating na'ko sa bahay ay nag half bath muna ako bago matulog. Dapat pala nag almusal muna ako sa hospital. Wala akong gana mag luto kaya naman ay nag order nalang ako ng pagkain sa grab.



Naka idlip ako kaya nainis ako nang may tumawag sa cellphone ko. Grab lang pala.


Di pa ako fully awake pero tumayo ako at kimuha nang pambayad bago kinuha ang order sa labas. Susuklian niya sana ako nang sinabi ko nalang na keep the change para makatulog agad ako pagkatapos.



Kumain ako at uminom ng tubig bago umupo muna sa kama. Di muna ako humiga dahil alam kong bawal yun lalo na't busog ako baka mamatay ako sa tulog jusko di pa ako nag kakaanak ayoko pang ma deads usto ko pang magkapamilya.



Naka upo lang ako at di ko na namalayang naka tulog na pala ako. Nagising ako ng may umingay sa may bandang ulo ko at nang naimulat ko ang tingin ko ay nagulat ako nang makita si Crystal na naka tingin sa'kin habang kumakain ng shanghai.



"Tanga mo." Sabi niya dahilang nagtaka ako.



"Ano?" Sagot ko at tinanggal ang kumot na naka patong sa'kin. Nakahiga na rin ako siguro pinahiga ako ni Crystal.



"Sinong tanga matutulog ng naka upo? Buti di ka nangangalay jan." Sabi niya at kumain ulit ng shanghai.


"Kakain ko lang ng almusal non. Bawal kaya matulog ng bagong kain." Sabi ko mahinang tumawa. Napailing nalang siya at inabutan ako ng shanghai.


Umiling ako at tumayo na para mag mag toothbrush at nag himalos bago kunin yung shanghai na inabot niya sa'kin kanina.



"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko at tumawa ng mahina bago siya hinampas sa braso.


"Mas malapit yung boarding house mo kesa sa bahay ko e." Seryosong sagot niya at tumayo na para mag hugas ng kamay. "May niluto ako jan para di ka na mag luluto mamaya. Dito na muna rin ako matutulog." Dagdag niya pa at tumango naman ako.


"Rise and Shine!" Bati ni Mia dahilang nagulat ako. Sino bang hindi magugulat e bigla nalang bubuksan ang pinto tapos malakas pa ang boses jusko.


"Mia! Nandito ka pala?" Takang tanong ko at napatawa naman siya.


"Mare mukha ka namang nakakita ng multo." Pang-aasar niya dahilang napailing ako. "E kasi yang si Crystal mo ayaw umuwi ng bahay nya. Binisita ka nalang namin. Nag panic pa'ko akala ko na ano ka kasi naka upo kang natulog mygod!" Dagdag niya at napailing nalang si Crystal at tumingin sa'kin.


"Nagkita kayo ni Ross?" Tanong niya sa'kin dahilang nagulat ako. Agad akong umiling at pinaglalaruan ang mga daliri ko.


"Nag-usap kami." Seryosong sabi niya dahilang napatingin ako sa kanya.


"Tungkol sayo." Seryosong dagdag niya.



:>

The Lover's Campfire (North Series #1)Where stories live. Discover now