9

10 0 0
                                    

“Di ka ba nagsasawa?” Natatawang tanong ko sa kanya.




Nasa second floor kami ngayon at tinatanaw ang camp fire sa baba. Kami lang ang tao dito dahil nag tipon tipon sila sa baba ngayon.




“Why would i?” Seryosong sabi niya habang naka tingin sa malayo.




“Wala lang. College na tayo next year itutuloy mo pa ba?” Tanong ko sa kanya.




“Yeah, I already told you I can wait.” Sagot niya sa tanong ko. Tumango naman ako bago tumawa at mahinang hinampas sya sa braso.




“Hanggang kailan mo kaya mag hintay?” Tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya bago sumagot.



Until you’re ready.” Sagot niya at tumingin sa'kin.




Kinabahan ako bigla kaya naman ay iniwas ko ang tingin ko pinaglalaruan ang mga daliri ko.





I really hope that he can wait for me.






“Kailan nyo balak mag take ng entrance exam?” Tanong ni Nica.




Nasa mall kami ngayon at hinihintay nalang na e serve ang pagkain namin. Nag-aya kasi si Mia ng gala dahil bored daw siya. Wala naman kaming gagawin lahat kaya gumala kami.


“Next week pa'ko. Bibili rin ako ng reviewer sa National Bookstore ngayon e.” Sagot ni Tori.




“sabay nga tayo.” Sabi ni Nica kay Tori bago siniko.




“Si mama na nag pa enroll sa'kin.” Natatawang sagot ni Mia.




“Ginusto mo naman ang kurso diba?” Tanong ni Crystal sa kanya.




“Oo naman. Gusto nya lang daw mapalapit ako sa kanya.” Sagot ni Mia at hinawakan siya sa kamay bago inalog.




“Ikaw?” Tanong sa'kin ni Crystal.



“Lunes sa'kin. Kinakabahan ako.” Sagot ko at mahinang tumawa bago sya hinampas sa braso. “Ikaw?” Tanong ko sa kanya.




“Martes pa.” Sagot niya. “Ikaw Vivian?” Tanong niya kay Vivian na tahimik na nag c-cellphone sa gilid.



“Next week pa. Nakapag review na'ko kaya oks na.” Sabi niya at binalik ang atensyon sa cellphone.




Sinerve na ang pagkain kaya naman ay kumain na kami. Di parin sila matahimik kaya natatawa rin ako sa kanila.




“Kinakabahan ako.” Sabi ko kay Crystal at pinagdikit ang palad ko at nag dasal.





Lord sana maka pasa ako lord huhu. Pangarap ko talaga mag nurse lord huhu.




“Kaya yan.” Tumatawang sabi ni Crystal.




Tumingin ako sa gawi niya at nagpapaawa. “Sure ka?” Tanong ko at natatawa naman siyang tumango.





“Useless review mo kung di mo to mapapasa at saka may tiwala naman ako sayo.” Seryosong sabi niya at umupo na sa bench.




Nasa University kami ngayon para mag take ng entrance exam sa nursing. Ginusto ko to. Dapat mapasa ko to.



Nag dasal muna ako bago kinapa ang singko pesos na nasa sapatos ko. Pamahiin rin kasi to at nag pula ako ng undies kasi pamihiin rin.




Inuna kong pinasok ang right foot ko sa room kasi pamahiriin rin. Nag focus muna ako sa test.




Pagkatapos kong mag exam ay hinalikan ko ang test paper kasi pamihiin rin. Tapos pag labas ko ay inuna ko ang left foot ko. Binali ko muna ang lapis ko at dire diretso na'kong lumakad papunta kay Crystal.




“Musta?” Tanong ni Crystal habang umiinom ng Juice.





“Kinabahan ako pero ginawa ko naman lahat ng pamahiin diba?” Tanong ko at kinagat kagat ang daliri.



“Kung maka pamahiin ka kala mo naman boards ang entrance exam.” Natatawang sabi ni Crystal bago umirap.




“Pero pwede naman yun diba?” Kinakabahang sabi ko.




“Siguro.” Sagot niya sa'kin.




1 Week palang ay dumating na ang results ng exam.




Yakap ako ng Mia ngayon dahil kailangan ko ng emotional support kung baka sakaling di ako nakapasa.




“Putcha.” Rinig kong sabi ni Vivian kaya napalingon ako sa gawi niya.



“Bakit?” Tanong ni Nica sa kanya.



“Wala lang pinapakaba ko lang kayo.” Natatawang sabi ni Vivian. Tumawa si Tori at napailing nalang si Nica.



Di ko siya pinansin at kinagat ko nalang ang mga daliri ko dahil sa kaba.



17. Mendez, Cherish Naih L.



“Wahhh naka pasa ako!” Sigaw ko at yumakap pabalik kay Mia.



“Bitch Congrats!” Sigaw ni Nica at nag bukas ng beer.




“Congratulations Babae!” Sabi ni Crystal at tinapik ako sa balikat.



“Congratulations Che deserve mo yan!” Masayang sabi ni Mia at inalog alog ako.



Nag bukas sila ng beer at uminom. Di kami nagpasobra dahil bukas ang result ng exam nina Crystal,Nica at Tori.





“Congratulations.” Nakangiting sabi ni Ross sa'kin.




Nasa beach kami ngayon dahil inaya ako ni Ross na mag swimming.




“Nurse na'ko!” Sigaw ko at niyakap siya.




Tumatawa siyang sinalo ako. “Still, You need to study to become a nurse.” Tumatawang sabi niya.




He look so unreal in my eyes. The color of the sky hit his face which makes him more unreal. God is so artistic and kind that he let me touch and see one of his masterpiece.




“Ikaw nakapasa ka sa entrance exam mo?” Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang buhangin gamit ang stick.




“Yeah. It’s not that hard since most of the items in exam is in textbook and they took the reference from last year’s lecture.” Sagot niya at hinawakan ang kamay ko.




“Congrats Engineer!” Nakangiting sabi ko at pumalakpak pa. Ngumiti siya bago pisilin ang pisngi ko.




Sinamaan ko siya ng tingin pero agad yung nawala nang halikan niya ako sa noo.




“Available ka ngayong byernes?” Tanong ko sa kanya.




“Yeah, Why?” Tanong niya sa'kin pabalik.




“Camp tayo. Sa North kung saan ka una nag papansin.” Natatawang sabi ko at Nakangiti naman siyang tumango.




“I already stalked you before. I didn’t mean to chase or court you but my dumb heart says so.” Natatawang sabi niya. Napansing kong namula ang pisngi niya kaya naman ay inasar ko siya.



Nasa North kami ngayon di nga lang sa skwelahan. Sa unahan lang kung saan kami lang dalawa. Naka suot ako ng leggings at tshirt. Nag jacket na rin ako at nag cap kasi malamig doon. Sneakers rin ang sinuot kong sapatos dahil medyo malayo ang lalakarin.




Nagtayo na kami ng tent at pagkatapos ay nag saing muna kami bago tumingin sa papalubog na araw.




Nag ihaw lang kami ng isda ay kumain bago lumapit sa campfire na ginawa namin para mag pa init.





“What’s your plan after we graduate?” Tanong niya sa'kin habang kumakain.




“Mag t-take ng boards tas mag t-trabaho. Ikaw?” Tanong ko pabalik.



“Same, I have to work for us of course.” Sagot niya. Napatingin ako sa kanya. Di'ko ma gets bakit kasali ako?




“I’m not dating for fun Cherish.” Sagot niya sa'kin at tumango naman ako.




“Sabagay. Ako kasi akala ko dati mag j-jowa ka lang para may ipa flex.” Natatawang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.




“That’s not love.” Maikling sabi niya at kumain.




“I know.” Natatawang sagot ko sa kanya. “Wala akong idea kung ano bang pagmamahal ang tinutukoy nyo.” Pag-aamin ko sa kanya.




“It’s deeper than what you think and let me teach you what love is.” Seryosong sabi niya.




“You always say the same sentence for years, Di ka ba nagsasawa?” Tanong ko sakanya.




“Why would I.” Sagot niya.




“Ok then Let’s date.” Nakangiting sabi ko at tumayo na para pumasok sa tent.


:>

The Lover's Campfire (North Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt