5

14 0 0
                                    

‘Welcome home.’ Bulong ko sa sarili at binaba ang mga gamit ko mula sa tricycle na sinakyan ko mula skwelahan papunta dito sa bahay.




“Salamat kuya.” Pagsasalamat ko at inabot kay kuya ang bayad.




Papasok pa lang ako sa gate nang marinig ko na ang sigawan nina mama at papa. Hayss nag a-away na naman sila. Palagi nalang.





Dinala ko na ang gamit ko sa loob. Kahit mabigat kinaya ko papuntang taas. Di nga nila napansing nandito ako.




Nang maka pasok na ako sa kwarto ay agad tumulo ang mga luha ko. Dinidinig ang nasa labas.




“Ano dalhin mo dito ang babae e mo at mag papatayan kami!” sigaw ni mama habang umiiyak.



Gusto kong sumali sa kanila kaso natatakot ako. Wala akong ibang ginawa kundi umupo sa likod ng pinto at umiyak. Yakap ang mga tuhod at naghihintay na may dadating.




Nag vibrate ang cellphone ko. Ayokong kunin kaso kailangan ko rin nang kasama ngayon.




From: Crystal
‘Naka uwi ka na?’



Ngumiti ako habang nag t-type. Tumutulo na sa screen ko ang luha ko pero hinayaan ko nalang yon. Ayaw tumigil e.




To: Crystal
‘Oo bago lang. Ikaw?’




From: Crystal
‘Mabuti, kararating ko lang rin.’




Ngumiti ako at binaba ang cellphone. Umiyak pa rin ako hanggang sa matapos silang mag-away sa labas.




Alas siete na kaya napag pasyahan kong kumain. Nagugutom na rin ako.




“Kailan ka lang nakarating anak?” Tanong ni mama at ngumiti. Halata pa rin sa mga mata niya na umiyak siya kanina.




“Bago lang po.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Di ko gustong mag sinungaling pero ayoko ring isipin nya narinig ko sila kanina na nag a-away.



“Kumain ka muna jan anak ha. Bibisitahin ko muna ang kapatid mo sa taas.” Nakangiting sabi ni mama at hinaplos ang buhok ko bago umakyat para puntahan si Cherry.




Pagkatapos kong kumain ay sumunod ako kay mama papunta sa kwarto ni Cherry.




Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.




“Che?” Tanong ko at sinilip ang ulo ko sa kwarto niya. Nakahiga siya ngayon at naka headphones pa kaya alam ko nang di nya ako narinig.




Pumasok na ako sa kwarto niya at sinara ang pinto. Tumabi ako sa kanya.



Sinilip ko sya at tulog na siya. Napabuntong hininga nalang ako at hinalikan siya sa ulo.




“Cherry mahal na mahal ka ni Ate ha.” Sabi ko at hinaplos ang buhok niya.




Tumitig muna ako sa kanya bago umalis sa kwarto niya. Sayang di ko man lang siya naka usap.





“Wow Mia 2021 na late ka parin!” Pang-aasar ni Tori kay Mia. Isang linggo pa lang pagkatapos ng bakasyon ay naging busy agad kami sa project sa CGSMS.




“Ngayon nga lang ako na late e.” Sagot niya at uminom ng softdrinks.




Nasa area na kami kung saan namin gagawin ang project para sa chief.




Tree planting kay Mia, Community Garden naman kay Vivian, Feeding kay Nica, Tapos si Tori ay Cultural Heritage. Yung nag tuturo sa mga bata tungkol sa Kultura ng pilipinas, Si Crystal naman ay sa street signs at ako naman ay water source installation.




Patapos na si Mia at Crystal sa mga projects nila and under observation pa yun. Di kami basta basta na mag declara na ok na yung ganito ganyan dahil pupuntahan to ng mga judges kung ok ba o hindi.





Kailangan rin naman gumawa ng forms and documentaries para dito. Hassle pero ang alam ko ay worth it to.




“A lot of other projects out there but why did you choose water installations?” Tanong ni Nica sa'kin habang nag v-video.


“I choose this project not for me but for the people who can’t access a safe and clean water. Since our district is far from their area I choose them so they don’t have to haul water from water district to their houses.” Sagot ko at ngumiti sa Camera.





Napahiya ako. Di ko alam kung tama ba yung sagot ko.




“Ok na!” Sabi ni Nica at ngumiti sa'kin bago pinatay ang Camera niya.




“Salamat.” Sabi ko at ngumit sa kanya. “Hoy Mia tama ba yon?” Tanong ko kay Mia habang kinakagat ang kuko.




“Oo tama na yon! Ang ikportante naiintindihan!” Sabi niya at tumawa. Pero di ako natawa kundi mas lalo akong kinabahan.


Matapos ang dalawang buwan ay natapos na rin namin yung project namin. Pero syempre di muna kami pa kampante dahil under observation pa ata yun. Mag s-send nalang daw sila ng email sa'min. Di namin alam basta mag s-send daw sila.




“Welcome Class I’m Ms. Clarissa Josel. Your class adviser for this School Year and I hope na ma enjoy niyo ang year na to and welcome to Senior High!” Masiglang bati niya at pumalakpak naman kami.




“Kinabahan ako.” Bulong ni Vivian. Kami lang nag stem dahil sina Mia at Crystal nag Humss si Tori naman ay Abm samantalang si Nica ay nasa Gas.




Undecided pa daw si Nica. Hinikayat siya nina Crystal na mag humss nalang daw kaso umayaw. Baka ayaw nya talaga.




“Ok Class Let’s do the Introduce Yourself thing para makapag simula na tayo sa'ting klase.” Sabi ni Mam Josel at ngumiti sa'min. Mukhang di naman sya terror kaya kampante ako sa kanya. “Ok let’s start with Miss Alvarez.” Sabi ni Mam ngumiti ulit samin.

“Putcha.” Bulong ni Vivian at tumayo na para magpakilala. Mahina nalang akong tumawa at umiling.




“Good Morning everyone I’m Vivian Celestine Alvarez. My motto in life is life is good but not all the time. Amen!” Sabi niya at agad na umupo dahil sa hiya.




Tumawa naman ang mga ka klase namin sa kanya at isa na'ko ron. Naka upo lang ako at inantay ang turn ko.




Nang ako na ay tumayo na ako at nag pakilala at tumayo na ako at ngumiti sa kanilang lahat.




“Good morning Mam, Classmates. Ako nga pala si Cherish Naih Mendez and ang aking motto in life ay The more the merrier.” Sabi ko at umupo na rin.


Siniko ako ni Vivian at tumawa pa siya. “Seryoso mare? The more the merrier luma na yon.” Sabi niya at tumawa ng mahina. Umiling nalang ako at hinintay ang susunod sa'kin.




“I’m sorry Ma'am I’m late.”




Napatingin agad ako nang marinig ang pamilyar na boses at agad nanlaki ang mata ko sa gulat.



“Mare.” Pukaw ni Vivian pero nakay Ross parin ang tingin ko.




“Good Morning Everyone I’m Aiden Ross Escaño. Can I come in mam?” Seryosong tanong niya kay Mam Josel at ngumiti naman itong tumango.




Tipid na ngumiti pabalik si Ross kay Mam at nagsimula na siyang maglakad papalapit sa'kin!

Habang palapit siya ng palit sa'kin at bumibilis rin ang tibok ng puso ko.




Nang tuluyan na siyang naka upo sa likod ko ay di parin ako maka hinga sa kaba.




Mas lalo akong kinabahan ng may binulong siya sa'kin.




“Nice to meet you again miss zodiac.”


:>

The Lover's Campfire (North Series #1)Where stories live. Discover now