2

15 0 0
                                    

"Psst! Sino yun? Ikaw ha nakita ko yun kanina a." Pang-aasar ni Mia at kinurot pa ako sa gilid.

"Gwapo naman yun kaya payts na!" Sabi naman ni Crystal habang tumatango.

"Pasado ba sa standards mo mare?" Pang-aasar rin ni Vivian.

"Ewan ko." Sagot ko sa kanila dahil di naman ako interesado sa lalaking yon.

"Teka asan na ba sina Tori at Nica?" Biglaang tanong ko nang ma realize ko na wala pa sila sa tent nila.

"May binili sa canteen. Alam mo ba sulit ang canteen nila ang mumura ng mga bilihin." Pang chi-chika ni Vivian.

"Oo may mga couple bracelets pa na tag 15 lang!" Sabi ni rin ni Mia at tumatango pa.

"Mas mura ata ngayon kesa dun sa last camp natin." Sabi ni Crystal at kumuha ng damit para mag bihis.

Si Crystal nalang ang di nakabihis kasi may nagpatawag sa kanya. Di ko naman tinanong kasi baka iniisip niya na di ko na sya binibigyan ng privacy.

"Useless naman wala akong jowa." Sabi ko at tumawa.

"E yung lalaki pala kanina. Pa ngiti ngiti pa kayong dalawa a." Pang-aasar ni Mia at tumawa.

"Nako pustahan di rin se-seryosohin ni Cherish yan." Sabi naman ni Vivian at tumayo para kumuha ng pagkain.

"Che kayong anim ang mag f-flag bukas ng maaga ha kaya dapat maaga kayong magising bukas." Sabi ng Teacher namin at sinilip kami.

"Yes mam!" Sabay naming sabi.

Biglang pumasok si Crystal sa tent at nag ayos na ng gamit niya.

"Anong meron?" Tanong niya habang may hinahanap sa bag niya.

"Tayo daw bukas sa flag ceremony. Matik kasali na yon sa law and promise." Sagot ko sa kanya at tumango naman siya.

Mukhang wala sa mood si Crystal para makipag usap at di pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naman ay nag wattpad nalang ako. Gusto kong mag libot kaso gabi na baka hanapin ako at saka tulog na ata ang karamihan.

"Che ang ingay!" Reklamo ni Crystal at hinampas pa ako ng unan. Tumunog na ang alarm ko kaya naman ay bumangon na ako.

Natulog ulit si Crystal kaya naman ay pinuntahan ko si Vivian. Siya ang active pag dating dito kaya naman siya ang una kong naisipan na pumunta.

"Schedule pa natin na magluto ngayon?" Tanong niya habang nag hihilamos.

"Hindi bukas pa tayo kaso tulog pa sila e. Sila nalang kaya bukas?" Suggest ko habang nag hihilamos rin.

"Ang lamig." Reklamo niya at niyakap ang sarili.

Mahina akong tumawa at nauna nang bumalik sa mother tent at kumuha ng mga kahoy para makaluto ng almusal namin.

Si Vivian na ang nag saing at pagkatapos ay tinulungan niya ako sa pag luluto.

Malapit nang mag alas singko nang natapos kami sa pag luluto kaya naman ay naligo na kami.

"Mauna ka o sabay tayo?" Tanong niya dahilang napatitig ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko na halatang nag tataka.

"Bonaks." Sabi niya at napasapo sa noo. "Sige mauna ka nalang bonaks ka." Sabi niya pa at tinulak pa ako papasok.

Nang matapos na kami ay sakto namang gising na sila.

"Good Morning Babe." Bati ni Mia at humalik sa pisngi ko.

"Morning." Sabi ko at niyakap siya at inalog alog pa kaya naman mahina siyang napatawa.

The Lover's Campfire (North Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن