22

5 0 0
                                    


Hinayaan ko nalang na yakapin nya ako. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay noon. Hindi ko alam kung paano makikipagbalikan sa kanya.

Mahal ko pa ba siya? Yan ang palaging iniisip ko simula nang itanong sa'kin niyan ni Vivian noon. Di ko rin alam kung magiging handa ulit ako. Masiyado akong duwag noon at hindi ko rin alam kung duwag pa rin ako ngayon.

"Hindi naman kita iiwan ulit kasi di naman tayo nagkabalikan." Sagot ko at humiwalay sa yakap niya.

"I mean don't leave the country yet." Seryosong sabi niya. Naka sandal sya sa lababo samantalang ako nakatayo lang sa harap niya.

"Hindi yon totoo pinaparinig lang kita non. Nakita ko kasing natigilan ka kanina nung tinanong sa'kin kung mag-iibang bansa ba'ko." Pag-aamin ko at mahinang tumawa.

Di siya makapaniwalang tumingin sa'kin bago mahinang tumawa at umiling.

"So how are you now?" Tanong niya sa'kin habang naka krus ang braso.

"Ok lang naman. Ikaw musta ka na? Matagal na tayong di nagkausap ng ganito ka tagal no?" Tanong ko at mahinang tumawa.

"Yeah, it's been 4 years right? Our break up is not that bad but we don't even have time to talk or have a closure." Sagot niya at tumingin sa taas habang iniisip. Kita ko ang lungkot at pag-sisisi sa mga mata niya. 

"I'm sorry." Humingi ako ng tawad sa kanya. Agad siyang napatingin sa'kin at agad na umiling. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"I understand. Don't put all the blame in you." Sabi niya at agad naman akong tumango. Napaluha ako habang inaalala ang nakaraan namin noon. Napatawa ako bago yumuko at pinunasan ang luha ko. Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago ako niyakap.

"Let's talk tomorrow after your duty ok? Take a rest." Sabi niya at tumango naman ako. Tumingin muna ako sa labas. Gabi na dito nalang kaya sya matulog?

"Uuwi ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, Why?" Sagot niya sa tanong ko at inayos na ang sleeves ng polo niya.


"Dito ka nalang kaya matulog?" Tanong ko sa kanya. Nang lumingon ako sa direksyon nya agad naman syang umiling.

"I have my car with me and i don't have extra clothes. Actually i have but i already use it sa Site kanina since mainit doon." Sagot niya at tumango naman ako. Inayos na niya ang mga gamit niya bago tumungo sa pinto.

Bago sya tuloyang lumabas tumingin muna siya sa'kin.

"Don't forget about the date tomorrow." Sabi niya at ngumiti. Yung ngiti na hindi makikita yung ngipin.

"Date? Diba closure?" Tanong ko at mahina naman siyang napatawa bago tumango. Nang makaalis na siya ay tumungo agad ako sa kwarto.

Agad kong tinawagan si Crystal para maichika ang ganap ngayon araw.

"Oy kailangan mo?" Bungad niya sa'kin dahilang napatawa ako ng mahina.


"Nagkita kami ni Ross." Sabi ko at pinipigilang ngumiti. Maayos kaming nag-usap ngayon ni Ross kaya naman ay masaya ako.


"Oh? Tapos? Anong bago?" Seryosong tanong niya. Ano ba naman yan Crystal parang walang pake sa'kin.

"Closure daw kami bukas. What if Tal makikipag balikan ako sa kanya para makabawi ako noon?" Tanong ko sa kanya. Kinakagat ko lang ang mga daliri ko habang hinihintay ang sagot niya.


The Lover's Campfire (North Series #1)Where stories live. Discover now