10

7 0 0
                                    

“Baby.” Nakangiting salubong ko kay Ross.




“How’s school?” Tanong niya sa'kin at niyakap ako bago dalhin sa kotse niya.




“Ok lang naman. Kaya pa naman.” Nakangiting sagot ko. “Ikaw musta ka?” Tanong ko pabalik sa kanya.




“Everything’s fine babe.” Sabi niya at hinalikan ang kamay ko.




“Sige ka galing pa naman akong lab.” Natatawang sabi ko. Mas lalo pa akong natawa nang makita ang reaction niya. Kumuha siya ng alcohol sa bag niya at spinray sa kamay ko bago ako hawakan sa magkabilang pisngi at halikan sa noo.




“I miss you already.” Nakangusong sabi niya at niyakap ako.


“Sinundo mo naman ako kanina e. Miss agad?” Natatawang asar ko sa kanya.





“Dinner tayo.” Nakangusong sabi niya at pinagdigkit pa ang dalawang palad. Natawa ako sa kanya kaya naman ay pinisil ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo bago bitawan.




“Friday night. Pwede?” Suggest ko sa kanya. Agad namang lumiwanag ang mukha niya at agad namang tumango bago simulan ang pag ma-maneho.




“See you tomorrow babe.” Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko sa passenger seat ng sasakyan niya.




“Take care babe.” Nakangiting sabi niya at tumango naman ako. “Ikaw din, Drive Safely.” Sagot ko sa kanya.




Kumatok ako sa bintana niya at kinaway ang mga kamay ko habang nakatitig sa papalayong sasakyan ni Ross.




Tahimik akong pumasok sa bahay at nagtungo na sa kwarto bago magluto.




Pagkatapos kong magluto ko ay pinuntahan ko na si Cherry sa kwarto niya. Naka upo siya sa study table niya. Nakita kong nag d-drawing siya at napangiti ko nang makita kong ako ang naisipan niyang e drawing.



“Hala ang galing! Thank you.” Nakangiti kong sabi at hinawakan ang dibdib ko gamit ang kaliwang kamay ko.




Naka suot ako ng scrub at may nakasabit na stethoscope. Ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ng scrub ko at nakangiti ako ron.




Hinalikan ko siya sa noo at narinig ko pa ang mahina niyang tawa. “Welcome.” Tipid niyang sagot at ngumiti.




“May kailangan ka no?” Natatawang tanong ko. “Ikaw ha.” Dagdag ko para maasar siya.




Nakangiti siyang umiling at tumitig sa repleksyon ko sa salamin niya. “Ganda mo.” She mouthed.




Napatawa ako at mahina siyang hinampas sa braso. “Basta kung kailangan mo lang ako tawagan mo lang ako ha.” Pag papaalala ko sakanya.




Nakangiti siyang tumango at nang palabas na'ko ay mahina niya akong tinulak palabas bago sinara ang pinto. Napangiti akong hinaplos ang pinto niya bago nag tungo sa kwarto ko.




“Baby.” Nakangiting bati ko kay Ross. Nasa harap siya ng bahay namin ngayon dahil inaya niya akong mag dinner.




Nag suot lang ako ng denim skirt at peach t-shirt. Suot ko rin ang relo na regalo niya sa'kin nung monthsarry namin. Naka sneakers lang ako na white para di ako mapagod mag lakad samantalang si Ross ay naka denim jacket at peach t-shirt. Naka maong rin siya at naka white sneakers. Suot niya rin yung relo na regalo ko sakanya.





Niyakap niya ako at yumakap rin ako pabalik. Sumakay na ako sa shotgun seat ng sasakyan niya. Habang papunta kami ay nagpa music muna kami at sumabay kami sa pag kanta ng mga music niya.





“Sabado bukas anong plano mo?” Tanong ko sa kanya.




“I have plates to do but if you want to hang out at my house then I’ll pick you up. Just call me.” Sabi niya habang naka tingin sa menu.


“Two months nalang one year na tayo. Anong plano mo?” Tanong ko sakanya. Excited ako dahil first time mag celebrate ng anniversary. Gusto ko yang special at exciting.




“Any suggestions?” Tanong niya sa'kin.




“Wala akong maisip e.” Sabi ki at namili na rin ng order ko.





Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na ang waitress para kunin ang mga order namin.




Habang hinihintay naming ma serve ang pagkain namin ay hinawakan ni Ross ang kamay ko at hinaplos ang ring finger ko.




“Na excite ka atang ikasal ako.” Natatawang asar ko sakanya at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa daliri ko.





Ngumiti siya at hinalikan yon. “I’m already saving for us so we can build a good house to live in.” Seryosong sabi niya habang nakatingin parin sa daliri ko.




“I can’t wait to call you wife, babe.” He whispered and kiss it. Agad kong tinampal ulit ang kamay niya dahil sa hiya at kilig na namumuo sa'kin.




“Matagal pa, Antay ka muna.” Natatawang sabi ko. Naputol na ang pag uusapan namin nang dumating na ang order namin.




“Musta buhay.” Bungad sa'kin ni Vivian at inakbayan ako.




“Ok parin. Happy ako sa life ko sana ikaw din.” Natatawang sabi ko at tipid na ngiti ang gnti niya sa'kin. “May problema ba?” Tanong ko sa kanya at agad naman siyang umiling.




“Good for you.” Sagot niya at tumawa naman. Pakiramdam ko di siya ok pero kung ayaw niya naman e kwento ok lang basta ang alam niya nandito lang kami pag kailangan niya kami.




“Sure ka bang ok lang?” Tanong ko ulit at tumawa ulit siya.




“Oo nga kulit.” Tumatawang sagot niya.




“Basta kung kailangan mo kami andito lang kami ha.” Paalala ko sakanya at tumango naman siya.




“Masaya ka ba sa'kin?” Tanong ko kay Ross.




Sinundo niya na'ko sa klase at nasa sasakyan niya kami ngayon. Sobrang tahimik niya at alam kong di siya ok dahil nararamdaman ko.




“Of course I’m happy. It’s just misunderstanding in our house okay?” He assured me. Tipid akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya para ipaalala sa kanyang nandito lang ako para sa kanya.




“Baka nagtampo ka sa'kin dahil di ako pumunta sainyo nung sabado.” Tanong ko sakanya. Agad naman siyang umiling at tipid na ngumiti.




“Told you we don’t have a problem. It’s just family problem ok? Stop thinking about it.” He assured me again. Ngumiti ako sa kanya bago tinoon sa kalsada ang atensyon.



It’s been a week since Ross lost his smile. Kinakabahan na'ko pero nanatili akong naghintay sa kanya. Baka kailangan niya lang talaga mag isip kaya tuwung hinahatid o sundo niya ay tahimik lang ako at inabala ang sarili sa pag r-recall ng mga lectures sa klase.





“Miss ko na kayo.” Sabi ko kay Crystal sa kabilang linya. Friday ngayon at naisipan kong magyaya sa kanila bukas kaso mukhang busy silang lahat e.




“Miss na rin kita kaso may lakad ako bukas, project e.” Sagot niya sa'kin.




“Ah ganon ba? Sige next time nalang.” Sabi ko at nagpaalam na bago ibaba ang tawag.




Busy silang lahat e kaya napag isipan ko nalang bisitahin si Cherry at ayain siyang lumabas.




Pagpasok ko ay tulog na si Cherry kaya ay tumabi nalang ako sa kanya at di namalayang makatulog.



:>

The Lover's Campfire (North Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon