17

3 0 0
                                    

"Kain muna ako." Pagpaalam ko sa kasamahan ko at niligpit ang mga papel na nasa harap ko.



"Sige Che, Balik ka agad." Sagot ni Charles at kumindat pa sa'kin. Nakangiti akong umiling at lumabas na sa Station para tumungo sa Canteen.



Tahimik akong kumakain nang umupo naman si Ross sa harap ko. Kahit di'ko tingnan alam kong sya yon dahil sa pabango niya. Nilibot ko ang tingin ko at di makapaniwalang umiling sa kanya.



"What?" He asked in defensive tone.




"Maraming bakanteng upuan. Bakit dito ka umupo at kumain sa harap ko?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.




"Crystal taught you well." Napailing na sabi niya at nag patuloy na kumain.



Di nalang ako nagsalita at patuloy sa pagkain. Masyado pang maaga para mainis at maubos ang enerhiya ko sa kanya.




Nauna akong natapos kumain sa kanya kaya naman ay agad na'kong tumayo at niligpit ang kinainan ko at nilagay na sa lalagyan ng mga hugasin.




Di'ko siya pinansin at dire-diretso na'kong lumakad pabalik sa station.




6:30 pm na. Malapit na matapos ang duty ko at malapit na rin ang pay day. Mag-iiba na naman ang schedule ko. Hula ko night shift na naman ako.



Kumain muna ako bago umuwi para less hassle. Tinatamad na'ko magluto. Dapat nga mas ganado ako kasi malapit na ang sweldo ko pero parang nang-hihina nga ako sa schedule ko huhu. Pinasok ko to kaya paninindigan ko.



Tahimik akong kumain nang sumulpot na naman si Ross sa harap ko. Ano tuwing kakain ako dito palagi bang sasabay to sa'kin?



"Ba't ka na naman ba nandito?" Tanong ko sa kanya.



"Am i not allowed here?" Inosenteng tanong niya.



"Oo, dun ka umupo." Turo ko sa isang upuan at sinipa siya sa paa. Tumatawa siyang umilag dahilang mas lalo akong nainis sa kanya.



"Oh i didn't know you're the owner of this hospital now?" Tumatawang pang-aasar niya.




"Hindi, Asawa ko oo." Pang-aasar na sagot ko sa kanya at nakita kong natigilan siya. Di ako nagsisi sa sinabi ko. Bakit ako magsisisi e siya yung nauna.



"I thought the head of the hospital is a Woman?" Seryosong tanong niya at pinag krus ang mga braso na akala mo batang inasar ng mga magulang o kapatid



Di ako sumagot at nagpatuloy nalang kumain. Bahala siyang mag-isip diyan.



"Cherish Naih Mendez." Tawag niya at napatingin ako sa'kanya. Ang weird ngayon ko lang narinig ang buong pangalan ko. Di'ko alam pero parang naririndi ako.



Tumingin ako sa kanya habang kumakain. Walang balak sagutin kung ano man ang itatanong niya sa'kin. Bahala siya.




"Liar. Cherish Naih Escaño. You're a liar."  Seryosong sabi niya at umiling pa. Aaminin ko bagay pero ayoko.


Di'ko na siya pinansin at kumain nalang. Kung ako papipiliin di'ko siya pipiliin. Gusto ko siyang di pansinin kaso naiinis ako dahil sumasabay siya sa'kin tuwing kumakain ako. Ayoko rin namang kumain na may sama ng loob.



Nauna akong natapos kumain kaya nanam ay nauna rin akong tumayo at iniwan siya doon. Bumalik muna ako sa station para mag log out at kunin ang mga gamit ko bago umuwi.



The Lover's Campfire (North Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora