KABANATA 30

319 23 7
                                    

"K-kuya?"

Nangingiyak kong saad.

Akala ko patay na sya, akala ko kasama sya sa natupok na sunog.

Nag-aalangan pa ako pero mabilis akong tumakbo sa kanyang gawi at binigyan sya ng mahigpit na yakap.

"Tol akala ko patay ka na, bat ngayon ka lang nagpakita?" napatawa na lamang ako dahil para akong bata ngayon na nahanap na ang nawawala nyang ina.

"Wag ka ngang umiyak! Baka pagkamalan ako na nawawala mong nanay" napatawa na lamang kami.

Ilang segundo rin bago namin pakawalan ang isa't-isa. Nauna akong magsalita.

"Kuya, si Kiana. Diba sabi mo alam mo kung nasasaan sya?"

"Oo Kael alam ko" mapakla nyang ngiti.

"Nasasaan sya? Please kuya! Sabihin mo na sakin" desperado kong usal.

"Sa tingin mo sasabihin ko sayo?"

Nanlaki ang mata ko.

"Joke lang tol! Para kang nakakita ng multo. Kailangan malaman rin to ni Tito Fabio kaya pumunta na tayo sa Mansion nya nang masabi ko na kung nasasaan si Kiana" ngumiti na lamang ako at sabay kaming nag-tungo sa aking kotse.

Habang binabaybay ang daan ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa pakulo nya kanina.

"Tol" napatingin sya.

"Hmm?"

"Anong pakulo yung ginawa mo kanina?"

Napatawa sya. "Syempre tol para may thrill. Kakabagot kaya kapag nag-pakita agad ako ng mangiyak-ngiyak, ano yun drama sa TV?"

"Tsk, baliw" napailing na lamang ako sa tinuran nya. Kahit kailan talaga si Kuya.

Nang matapos na namin tahakin ang daan ay nag-tungo na agad kami papasok sa Mansion.

Bago bumaba ay napatingin ako kay Kuya. Napabuntong hininga muna sya at napatingin sa aking gawi, ngumiti sya at tinap ang balikat ko.

Pumasok na kami sa Mansion at napatingin sa mga nagtutumpukang grupo ng mga pulis at personal body guard na kasama rin ni Tito Fabio.

Napatingin samin ang lahat at halos manlaki na ang mata ni Tito Fabio, marahil ay gulat rin katulad ko. Hanggang ngayon pa rin naman hindi pa rin ako makapaniwala na buhay si Kuya.

Matapos ang sandaling katahimikan ay nagsalita na si Kuya.

"I know all of you are in the state of shock right now but let's aside that first. Nanganganib si Kiana kailangan na natin syang puntahan-"

Sasagot pa sana ang Pulis nang magsalita uli' si Kuya.

"2 hours before the explosion" napantig ang tenga naming lahat.

Bomba? Dalawang oras? S-sasabog si Kiana kapag di namin sya naabutan!

Di nako mapakali sa kinakatayuan ko ngayon, nagpa-plano pa kami bago sumugod sa sinabi ni kuyang lokasyon.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora