KABANATA 2

1.7K 70 9
                                    

"I-im s-sorry Kiana"

Sambit nya bago tumakbo palabas ng simbahan kasabay ng pagtalikod nya'y sya ding tuluyang kinawasak ng puso ko napaluhod ako sa sobrang panlulumo. Tulala pa rin at pilit pinoproseso ang nangyari di ko namamalayan ang mga nangyayari sa loob ng simbahan.

Nagkakagulo na ang mga tao hindi alintana ang mga flash ng camera na nakikita ko.

Pinipilit kong tumayo at may nararamdaman akong mga kamay na sumusuporta sa akin, may sinasabi sila pero hindi ko na marinig. Wala na ako sa sarili ng mga oras na iyon tanging tumatakbo lang sa isip ko ay kailangan kong habulin sya...

I need him, I love him. Hindi kami pwedeng matapos ng ganto.

Binitbit ko ang saloy ng gown ko at nagsimula nang tumakbo palabas ng simbahan na syang lalong kinagulo ng mga tao.

Binuksan ko ang limo na nasa harap ng simbahan at nagsimula nang paandarin ito.

Nasa tapat ako ngayon ng condo ni Ryle alam kong maraming taong nakatingin sakin dahil naka-gown pa rin ako ngunit wala na akong pakialam.

"R-ryle pls. Mag-usap tayo buksan mo tong pinto!"

Bumukas ang pinto't napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Ang lalaking bumuo ng puso ko at nagwasak din nito akmang magsasalita na ako ng may makita akong lalaking sumilip mula sa likuran nito.

He's Zack, Zack Monteverde. Bestfriend ni Ryle. Teka anong ginagawa nya dito? Kaya pala hindi ko sya nakita sa kasal kanina. Bumalik ang diwa ko ng hinawakan ni Ryle ang kamay ni Zack.

What's the meaning of this?

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Sorry kiana. I told you that I was a gay before bago ang kasal natin pero pinilit mo pa din na magpakasal tayo. Nag sinungaling ka pa sa kanilang lahat na nag-proposed ako sayo, bakit Kiana? Bakit hindi mo na lang ako hayaan kong san ako masaya!? Bakit sobrang selfish-"

Hindi nako nakapagpigil at sinampal ko sya. Hindi nya alam kung gano nya ako nasasaktan ng mga oras na yun nanlilisik akong napatingin sa kanila.

"SELFISH?! Ako pa ang selfish ngayon Ryle?! Hindi mo alam kong anong nararamdaman ko sa mga panahon na tayo pa pero nakikita kitang sumasaya sa iba!"

Napaluhod ako, walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi maraming tanong, maraming bakit.

"It's been 6 years pero di ka pa rin nakakamove on"

Nagising na lang ako sa malalim na imahinasyon ng marinig ko ang boses ng kakambal ko.

Tsk, what she's doing here?

Ngumiwi na lamang ako at mabilis pa sa alaskwarto't tinago ko ang isang imahe na nagbibigay sakin ng milyong-milyon na emosyon, isang imahe na paulit-ulit na bumibiyak sa puso ko! Isang pesteng imahe...

F*ck its been 6 years nang mangyari yun pero di pa rin ako nakakabangon sa pagkalugmok kong iyon.

"What the hell are you doing here Kiera?"

Maawtoridad na sambit ko. Nakita ko namang napahalakhak sya at nagtaas ng kamay animo'y sumusuko na sa kung anong laban na lalong kinainis ko, umagang-umaga pinepeste ako ng babaeng to.

"Chill my dear twin sister bat ba umagang umaga init agad ng ulo mo? Tapos nakakunot pa yang noo mo, yan tuloy lalo kang pumapangit wala naman akong nakita na tinitignan mo ung litrato nyo ni Ry-"

I cut here off lalong tumatagal itong usapan lalong pumapangit ang lumalabas sa bunganga nya so I need to cut here off baka san pa mapunta itong usapan na ito.

"Don't you dare to mention that dirty name of that devil or I cut that little tongue of yours"

"Relax kiana, I just want to check you if your okay masama ba maging concern?"

She pouted tyaka kunwaring naiiyak-iyak, Bored na bored ko lang syang tinignan. She's not even cute when she's pouting, she looks like an ugly duckling ng matamaan nyang wala ako sa mood para makipag-asaran sa kanya. Tumuwid na sya ng tayo bago huminga ng malalim.

"Dad asking kailan mo daw sya dadalawin. Miss ka na daw nya halos wala kang tigil sa pagtatrabaho nag-aalala din kami sa health mo. Nabanggit ng sekretarya mo bago mo sya masisante na halos di ka na nakakakain sa tamang oras sa sobrang workaholic mo. Di mo kailangang pahirapan ang sarili mo ng ganito Kiana. I'm here, we're here-"

Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng magsalita ako, I hate drama!

"Get out!"

Mariing sambit ko ng aangal pa sana sya ng tinignan ko sya ng matalim sa mata. She knows me kaya ko syang ipakaladkad sa kompanya nang wala sa oras even she's my twin.

Ngumiti lang sya sakin at bagsak ang balikat na lumabas ng pinto mula sa kinauupuan ko nilabas ko uli' ang litrato at walang sabi-sabing pinunit ko ito.

Tumayo ako at lumapit sa pinakamalapit saking trashcan at tinapon ang litrato. I promised to myself that this is the last time na magpapakatanga ako sa isang...

BAKLA

A/N:
Heyooww ebriwaannn sana magustuhan nyo tong chapter na ito and sorry kung may typographical errors kayong makikita hope you support me guys hanggang sa dulo.

Kita kita tayo ulit sa next chaptyy if nagustuhan nyo pls vote this chapter, labyuuuu guyss!

-Kiko🚬

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Where stories live. Discover now