KABANATA 3

1.5K 60 7
                                    

Napasimsim ako ng mainit na kape na pinabili ko kay Liel.

Si Liel ay isa sa mga pinagkakatiwalaan kong trabahante sa kompanya ko.

She's my highschool bestfriend back then.

Sya din ang inatasan kong mag-hanap ng sekretarya ko, ung tatagal sana ng isang buwan, ung tatagal sana sa ugali ko.

Napangiwi na lamang ako.

Abala ako sa mga papeles na hawak ko nang tumunog ang cellphone ko, nakita kong lumitaw ang pangalan ng kakambal ko doon.

Speaking of the devil, Ano na naman kaya gusto nito?

Pinatayan ko lang sya ng tawag dahil alam kong wala na namang magandang lalabas sa bibig nya kundi mga pambubwesit lang.

She's getting into my nerves!

Trinay ko ulit mag-focus sa ginagawa ko nang tumunog muli ang cellphone ko at nakita kong may text ang babaitang iyon ngunit inignore ko lamang ito at nag patuloy dahil alam kong wala na namang magandang sasabihin yon.

Mahigit tatlong oras na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin maalis ang curiosidad ko sa text nyang iyon.

Walang sabi-sabing kinuha ko ang cellphone at binasa ang mensaheng pinadala nya sa akin. Napanganga na lang ako sa nabasa kong maghihintay sya sa coffee shop malapit rito dahil may mahalaga syang sasabihin. Alam kong seryoso ito dahil ni hindi man lang ito nangulit after nya mag-text at alam na alam ko rin na andodoon pa sya hanggang ngayon. Walang sabi-sabing tumayo ako at tumakbo palabas ng pintuan bago ako makalabas ng parking lot sa hindi inaasahang pangyayari, saktong-sakto sa suot ko ang natapon na kape.

Badtrip! Naka-office attire pa naman ako! Just nice as fuck, nanggagalaiti akong napatingin sa suot ko.

"Ugh it's hot! Bat kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo?" pagkadismaya kong sigaw habang pinupunasan ang uniporme kong natapunan.

"Miss? Ikaw kaya hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" sambat naman nito.

"At ako pa talaga may kasalanan ha? Wow! Thankyou sa pagbuhos ng kape sakin!" sarkastikong tugon ko habang pinupunasan naman ang skirt ko.

Di ako nagpatinag eh sino ba naman kasing gustong matapunan ng napakainit na kape at sa favorite uniform ko pa diba?

Nanlilisik kong tinignan ang isang taong may kagagawan nito, nagmamadali pa naman ako!

Pataas kong tinignan ang bulto ng lalaking nasa harapan ko. Yuck that cheap shoes, kupas na maong na pants, puting plain na white shirt na hapit na hapit sa malapad nyang dibdib. Hmm...nag-gygym ba ito? Pero teka who cares wala akong pake takte yari sakin to'

Handa na akong sermonan ang isang to' ng mapatulala ako sa mukha nya.

Holy shit! Is he a part of gods in myth? Marami na akong nakitang models, artist sa iba't ibang bansa ngunit iba ang isang to!

That messy hair, thick eyebrows, long eyelashes, that puffy eyes, sharp nose, red lips ng titigan ko ito ay bigla akong nauhaw. Ang maninipis ngunit mapupulang labi nito ay parang nang-aakit na hagkan ko ito.

"Miss sorry, okay? Nagmamadali rin kasi ako kaya di ko nakita ung dinadaanan ko. Pasensya na talaga. Hindi ko intensyon na buhusan ka ng kape walang may gusto ng nangyari. It's just parehas lang tayo na di tumitingin, wala akong oras na makipag-away. Ito suotin mo muna to malinis yan sige na miss nagmamadali na kasi ako sige una na ako" Balisa pa din ako ngunit nagawa kong tumango na parang tanga. Tekaaa! Bat asan na yun? Hindi ko namamalayan wala na pala sya sa harap ko, Arghh!

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakangiti habang nakatitig sa white shirt na binigay nya sa akin, Teka bat ako nakangiti? Shit!

Napalitan ng pag-busangot ang panandaliang ngiti, takte dapat pinagalitan ko yun ih nagmukha pa akong tanga na nakanganga sa harap nya! Shit! Nakakahiya!

Nagising ako sa pag-iisip ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa text ni Kiera. Wala na daw sya sa cafe may meeting daw syang kailangan attenand.

Napabuntong hininga na lang ako tyaka na ako makikipag-usap pag pinuntahan nya na ako dito sa office.

Hindi ako makapag-focus sa papeles na binabasa ko. Napatingin ako sa white shirt na nasa aking lamesa.

Napangiti ako. Sino kaya iyon? Sana makita ko sya ulit. I was rude even it's my fault makapag-sorry man lang, wait no! Ano tong nararamdaman ko? Damn kiana! Kakakita mo pa lang sa kanya tyaka remember niloko kana dati diba? Di kapa madala, But looking at his face he look so innocent yet so handsome.

Tinigilan ko na ang pag-iisip sa kanya dahil patagal ng patagal ay parang mababaliw na ako. F*ck!

Bat mo ba ginugulo itong isip ko? Matino ako kanina ih tumayo na lang ako at naglakad-lakad sa loob ng opisina ko. Bat di sya maalis sa isipan ko? It feels like i need to see him, wala ako sa tamang sistema pag hindi ko sya nakita.

Dinampot ko ang bag ko upang lumabas ng opisina. Pagkapasok ko ng elevator upang mag-punta sa cctv room ay napasinghap ako ng makita ko kung sino ang papalabas sa kakabukas lang na katapat kong elevator. F*ck! It's him!

Wait nooo!

Pasara na ang elevator ng mag tagpo ang mga mata naming dalawa.

Natulala na lamang ako.

F*ck It's him! I miss it! Damn it!

Frustrated akong napasandal sa elevator na ito. Anong ginagawa nya sa floor na iyon? Kung gayong office ko lang ang nasa floor na iyon.

Wait!

D-did he...

No way!

Did he come to...

See me?

A/N:
Hello mga kapwa walang jowa, sana nagustuhan nyo tong chapter na ito, inuunahan ko nang magsorry kung may mga typographical errors kayong makikita.

So yun sana support nyo ko dahil marami pang mangyayari if nagutuhan nyo tong chapter na ito pls.vote and do comment. Mwuah!

-Kiko🚬

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Where stories live. Discover now