KABANATA 23

374 24 8
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Kael ni hindi ko nga alam kung saan nya ako ipupunta. May surpresa daw sya sa akin at nilagyan nya pa ako ng blindfold sa mata, tsk.

Nang mapahinto na kami ay tinanggal nya na ang blindfold ko sa mata.

Namangha ako sa ganda ng lugar kung nasasaan kami ngayon, nasa itaas na bahagi kami ng parke kaya nakikita namin ang mga buildings sa parteng ibaba.

Napangiti ako.

A beautiful scenery yet calm and cool.

Napatingin ako ngayon kay Kael na sa kasalukuyan ay tumitingin sa kanyang orasan.

Humuhugot sya ng malalim na hininga at pabalik-balik na naglalakad.

Hindi ko mawari ang ikinikilos nya kaya't ako'y nag-salita.

"Kael, ano sasabihin mo sakin?" ngiti ko.

matapos non' ay tinignan nya ako ng punong-puno ng sensiridad bago sya mag-salita.

"Kiana, hindi ko alam kung paano ko to' sasabihin sa iyo pero..."

Kumakalabog ang puso ko sa kaba.

"gusto kong malaman mo na gusto kita, hindi lang pala gusto, mahal na kita"

Napintig ang tenga ko sa narinig.

Na-blangko ako.

Walang salitang mailabas sapagkat gulat na gulat ako.

"Noong unang beses tayong nagkita, nabighani ako sa ganda mo. Napatulala pa ako non' pero mas pinili kong iwasan ka baka kapag di pa ako umalis sa harap mo ay buong magdamag akong mapa-tulala sayo"

Nangingilid na ang mga luha sa mata ko ng marinig ang mga salitang iyon na nanggagaling sakanya.

"At ng i-fired mo ako sa kompanya ng dahil lang sa apelyido ko, ng dahil lang sa kuya ko ay nainis ako, hindi sayo kundi sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit di ko kayang magalit sayo kahit utusan mo pa ako ng buong magdamag, kahit sungitan mo ako, kahit pahirapan mo ko never akong nagalit sayo at alam ko na ang dahilan kung bakit, kasi M-mahal kita K-kiana"

"At gusto kong sabihin itong nararamdaman ko habang maaga pa sapagkat ayokong may umangkin sayong iba"

"Kiana, w-will you be my g-girlfriend?"

Parang sasabog na ang puso ko sa saya.

Ngunit napalitan ang panandaliang ngiti ng sakit.

Hindi pa ako handa, di ko pa lubusang kilala ang sarili ko, di pa malinaw ang lahat, at ayaw kong madamay si Kael sa akin. Dahil sigurado akong gagamitin sya ng kaaway upang pabagsakin ako at higit sa lahat ayaw kong may masamang mangyari sakanya.

Gustong-gusto kong sabihin na...

Mahal ko rin sya

pero hindi pwede, hindi maaari.

Nang tumingin ako sa mga mata nya ay punong-puno ito ng pag-asa.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Where stories live. Discover now