KABANATA 12

783 37 22
                                    

Napatingin ako ngayon sa lalaking natutulog sa bandang gawi ng kama ko aaminin kong nagwagwapuhan ako sa kanya dahil sa posisyon ng mukha nya ngayon na nakaharap sakin.

Di ko alam kung bakit nya to' ginagawa.

Plano nya ba to? na mapalapit ako sa kanya? Pero aaminin ko mabait sya at maalagain.

Napabalikwas ako ng maalala ko ang nangyari kanina...

"Don't worry Ma'am i'm here to take care of you" banggit nya.

Napaiwas ako ng tingin dahil di ko kayang tingnan ang mga mata nya kinakabahan ako ngayon sa di malamang dahilan, Bakit nga ba? Sa tuwing nakikita o nakakausap ko sya kinakabahan ako? Di naman ako ganto dati?

Ano ba nangyayari sakin? Di ko na lang pinansin itong nararamdaman ko baka kasi ma-stress pa ko sa kakaisip.

"Ma'am kumain po muna kayo kakabili ko lang po pala ng pagkain sa labas pero alam mo Ma'am? parang may nakita po akong lalaking naka itim na jacket na lumabas sa kwarto nyo kanina sinundan ko nga po pero bigla ring nawala"

Bigla akong nagtaka, wala naman akong napansin na my pumasok eh.

"What? Wala naman akong napansin na may pumasok dito baka guni-guni mo lang"

"Siguro nga po Ma'am baka guni-guni ko lang po iyon, wait lang po Ma'am ipe-prepared ko lang po pagkain nyo"

Napatango na lamang ako at sinimulang kainin ang mga pagkain na nakalapag sa isang tray.

Bigla akong nakabalik sa realidad ng biglang nagsalita si Kael...

"Kanina pa po kayo tulala Ma'am, may problema po ba?" saad nya ng may pag-aalala sa kanyang boses.

"None of your business" sabat ko.

Napatahimik naman sya bigla at nginitian ako. The hell?

"What?" tanong ko.

"W-wala naman Ma'am, masaya lang po akong nakikitang okay na po kayo, nag-alala po kasi ako ng sobra" sambit nya at ngumiti ng bahagya.

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sakit na naramdaman ko.

Buti pa ibang tao nag-aalala sakin eh pamilya ko? I don't think so.

Napangiti na lamang ako ng mapait.

Nabigla naman kaming dalawa ng may mag-ring sa cellphone ni Kael.

"Excuse me Ma'am, sagutin ko po muna" ngiti nyang saad.

Napatango na lang ako bilang tugon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na sya at bahagyang ngumiti.

"Sorry Ma'am Kiana pero kailangan ko na pong umalis, may kailangan pa po kasi akong gawin kapag may kailangan po kayo tawagan nyo lang po itong landline para may dumating na nurse dito"

"Don't mind me i can take care of myself btw thanks" banggit ko.

"Wala yun Ma'am, sge po mauna na po ako, take care" pagpa-paalam nya.

Ngumiti na lamang ako bilang tugon.

Ngumiti muna sya ng bahagya bago pinihit ang sikundura ng pinto at tuluyan na syang umalis. Haysss napabuntong hininga na lamang ako at nilibot ang tingin sa kabuuang kwarto, what now? Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at di ko namalayang nakatulog na pala ako...

"F*ckk this life!" napapikit ako dahil sa pait ng alak na ininom ko at nakaramdam ako ng mainit na gumuhit sa lalamunan ko.

Ughhh nilapag ko naman ang baso na pinag-inuman ko at bahagya naman itong nilagyan ulit ng bartender.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Where stories live. Discover now