KABANATA 29

291 21 5
                                    

Alas-onse na rin nang gabi pero patuloy pa rin naming hinahanap si Kiana.

Naiinis na talaga ako sa matandang yon!

Nag-imbestiga kanina ang mga Pulis at isa lang ang motibo namin, yun ay si Tito Rufo.

Kaya pumunta sila sa bahay ni Tito Rufo kanina pero sabi ni Tito Rufo wala daw don' si Kiana at nasa bahay lang daw sya buong magdamag.

Hinalughog nila ang buong Mansion ni Tito pero walang bakas ni Kiana ang nakita.

Di ako naniniwala na wala syang kinalaman sa pag-kawala ni Kiana. Sya lang ang may tanging motibo para gawin yun sa girlfriend ko.

Kasalukuyan naming palihim sinusundan ang Van kung saan naroroon si Tito Rufo.

Di namin batid kung saan ito papa-tungo pero nakakasigurado ako na sa pinag-dalahan kay Kiana sya pupunta.

Habang sinusundan ang Van na iyon ay nakarinig ako ng putok ng baril.

Dire-diretso itong tumatama sa sasakyan namin kaya napayuko kami ni Tito Fabio.

"Ikaw mag-drive Kael bilis!" sigaw ni Tito.

Natataranta kong hinawakan ang manibela ng kotse at pilit iniiwas ang aming sasakyan sa mga bala na pinapaulan samin ng kalaban.

Nakarinig naman ako ng putok sa banda namin at nakita si Tito Fabio na nasa bintana ng kotse. Pinapa-ulanan ang mga kalaban ng bala.

Nang mawala na ang mga putok ng baril ay nakita ko ang sasakyan ng kalaban na huminto dahil sa mga tama ng bala na nasa gulong, galing kay Tito Fabio.

Inihinto ko ang aming sasakyan malapit roon pero sinisigurado naming ligtas ang aming pinag-hintuan. Tamang-tama kapag sumabog ang kotse ng kalaban.

Kinuha ko ang baril na nasa aking bulsa at maingat na bumaba, ganon din ang ginawa ni Tito.

Tinahak namin ang sasakyang yun pero nanlaki ang mga mata namin nang makitang wala si Tito Rufo doon.

Tatlong walang-buhay na lalaki at ang nag-ddrive na sugatan.

Binuksan ko ang sasakyang iyon at hinila ang natitirang buhay na lalaki.

"Saan nyo dinala si Kiana?!" nangagalaiti kong sigaw.

Halos kumurba na ang aking mga kilay at halos umusok na ang aking tenga sa galit.

"D-di ko sasabihin sayo! Magaling si Boss kaya di nyo na sya makikita" nanghihinang saad ng lalaking ito.

Di ko napigilan ang aking kamao at sinuntok ko ang lalaking nasa harapan ko ng pagkalakas-lakas.

"Mamamatay na sya bukas!" tawa ng lalaki.

Wala sa sarili kong hinugot ang baril na nasa aking bulsa at pinaulanan itong lalaki ng bala sa kanyang katawan.

Napapasigaw ako sa galit habang binababaril ang lalaki.

Napa-upo ako sa panlulumo.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz