Chapter 20: Paulina Diana's Past

Start from the beginning
                                    

Nagpumiglas na ako. “EVONGOLOID NAMAN! MASAKIT NA E!” His grip loose its tightness. “ I’m sorry, Amazona Girl.”

“What eatin’ up on you? Bakit bigla kang nanghihila?”

“E kasi naman, kanina pa kita hinahanap kasama mo lang pala ‘yung pikit na ‘yun.”

“At bakit?” Parang nahihiya pa siya kaya umiwas siya ng tingin. “ So. . .?”

“ah. . maghanap na tayo ng anak natin.”

“HAHAHA! Yun lang pala sasabihin mo, bakit hindi ka makatingin?”

“Ang pangit mo kasi. Ang sakit sa mata.”

“Okay, balik na ‘ko kay AL- - -.”

“SINABI NG MAGHAHANAP NA TAYO NG ANAK NATIN E!”

Omegelly. Nagtinginan ‘yung ibang students sa amin.

“BUNGANGA MO NAMAN! TARA NA NGA!”

***

“Sigurado na kayong dalawa na siya yung ia-adopt niyo?” Tanong sa amin nung adviser nung pilyong bata.

Sabay kaming tumango ni Evo. “Huwag kayong mag-alala ma’am. Kaya namin ni Evo yan.”

“Sige, ipapaalam ko na lang sa parents niya na kayo ang tatayong mommy and daddy niya dito sa school. Pwede niyo na siyang lapitan.”

“Yow dude!” Sabay bro fist ni Evo kay Ashton. Ang kulit nila. Haha!

“Bakit niyo ba ‘ko aalagaan? Malaki na kaya ako! Grade 2 na nga ako e.”

“Oo, pero wala ka pang abs. Tignan mo ‘yang Evo na ‘yan, hindi ‘yan inalagaan noon kaya wala siyang abs ngayon. Aw, sad story.”

“Anong wala? Baka gusto mong makakita ng hunk? Hawakan mo pa e.”

“ KAPAL NG TINGA MO! HUNK YOUR FACE! Tara Ashton, gawin na natin ‘yang homework mo habang wala pa yung tunay na mommy and daddy mo.”

“Talaga, tutulungan mo ako? Yes!”

“Laro na lang tayo ng basketball, Ashton. Boring naman yang assignments na ‘yan e.” BI talaga ‘tong Evo na’to.

“Oo nga, ayoko nga rin ng assignments. Ikaw na lang gumawa niyan Mommy Al.”

“Kadiri! Huwag mo nga akong tawaging ‘Mommy’. DADDY NA LANG!”

“Meron po bang babae na ‘Daddy’?”

“ Meron! Ako! Kaya huwag mo kong tatawaging ‘Mommy’ ah. Yan! Siya ang mommy mo.” Sabay turo ko kay Evongoloid.

“Paano ako naging mommy? O_________O Hoy, Amazona Girl, ikaw ang babae dito!”

“Ah, basta. I’m the boss. Ako ang daddy, ikaw ang mommy.”

***

PAULINA’S POV

Ako si Paulina Diana Salazar. .

At 3 years ago, nasira ang pamilya ko.

Summer before I went to high school, my dad bought us a house. He enrolled me to Maxreal Academy.

We were a perfect family.

Hindi ko akalain na suhol niya lang pala ang lahat ‘yun sa amin ni Mommy.

Parang sinabi na rin niya na. .

“I bought a house for you, I paid for all your expenses, I’m done with my responsibility. Now, bye.”

I never thought that we will end up like this.

***

School days started.

Ilang araw yung sunod-sunod na pagtatalo nila ni Mommy hanggang dumating yung pinaka malungkot na araw ng buhay ko.

Dala na ni daddy yung mga gamit niya palabas ng bahay. Umiiyak lang ako at ganoon din si Mommy habang pinipigilan niya si Daddy umalis.

Hindi pinapakinggan ni daddy si mommy at patuloy pa rin siya sa paglalakad palabas ng gate. Nakabig niya si Mommy kaya napaupo ito.

“I’m sorry, Abbey.”

Pagkatapos ay iniwan na niya ang mommy ko na umiiyak.

Tumakbo ako palabas ng bahay para pigilan si daddy.

Magmamakaawa ako sa kanya na huwag na siyang umalis.

“Please, Dad. For me, please. Don’t go, Daddy.”

You can still pay me a visit, my princess.”

And with that, he left us. He left me.

***

I found out that he left us for his first love.

At pupunta kami ni Mommy sa bahay niya ngayon.

Sa bahay nila. .

Doon ko na lang ulit naramdaman maging masaya.

Maramdaman na buo yung pamilya ‘ko.

Nakaramdam ulit ako ng pag-asa.

Sabi ni daddy yung first love daw niya yung nagluto para sa amin.

The food was delicious.

Hindi nagpapakita yung first love ni daddy sa amin, gusto ko pa man din sana mag-thank you para sa food.

Hanggang sa paalis na kami ni Mommy, hindi ko pa rin nakikita ‘yung babae.

Bago kami lumabas ng gate,  may babaeng nagsalita. . .

“Ayaw na nga sa kanya, sinisiksik pa ‘yung sarili.”

Nag-away si mommy at iyong babae. Tatawagin ko sana si daddy para awatin sila, pero parating na rin pala siya.

Nilapitan niya yung babae, niyakap at tinanong kung ayos lang ba ito.

They left the house without leaving a word.

Habang nakikita ko si dad na palayo sa amin, unti-unting nawawala ‘yung pag-asa na naramdaman ko kanina.

Hanggang sa sinabi ‘ko sa sarili ko na, “Last na’to.”

At niyakap ko na lang si mommy.

Ako na lang ang meron siya at siya na lang ang meron ako.

From now on, kaming dalawa na lang.

***

Wala akong sineryosong relasyon. Tuwing may nanliligaw sa akin, It’s either I turn them down or I’ll accept him not because of love but because he’s too nice.

Parati ko kasi naaalala yung panahon na nagpaka-Marilyn Monroe si mommy:

“A wise girl kisses but doesn’t love, listens but doesn’t believe, and leaves before she is left.”

Parati niyang inuulit sa akin, yan.

“Paulina Diana, pipili ka lang sa buhay kung ikaw ‘yung mang-iiwan o ikaw yung maiiwanan.”

Itinatak niya ‘yan sa utak ko.

 I’d rather be the dumper than the dumpee.

Yun din ang dahilan kung bakit ako nakipag hiwalay kay Greg.

Kasi. . . napapamahal na ako sa kanya.

And I have to protect myself from pain.

------------

[A/N: One secret revealed. Sorry kung super short ng chapter na ito. Bigla akong inatake ng head ache, I’ll just continue writing this update tom. Hope you enjoyed this one. PAULINA DIANA ON THE SIDE.]

~MillihelenReis

Love at Square OneWhere stories live. Discover now