OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #5:

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko lang mapalapit sayo. C'mon. Saka ka na lang magtanong. I'm also hungry." Sabi niya. Sinabayan ng mahinang pagtulak sa likod ko kaya wala akong nagawa kung ang yumuko ng hindi ako mauntog sabay sakay. "You will like there." Sabi pa niya ng mabilis na umikot at agad na nakasakay.

Namalayan ko na lang na sakay na nga ako ng kotse niyang hindi ko alam kung saan ako dadalhin?

Naipilig ko ang ulo ko na hindi na lang ako umimik. Almost two months na ng malaman ko na sinusundan niya ako na hanggang ngayon hindi parin malinaw kung ano ang pakay niya sa akin at palagi siyang sumusunod sa akin.

He always message me in snapchat. Sending me a vedio. Kahit na ilang ulit ko naman itong i blocked doon ay balewala parin dahil nagkakaroon siya ng panibagong account. Kaya hinayaan ko na lang dahil nakakasawa na ang mag blocked sa kanya. Even in facebook, messenger sinundan niya ako at palagi akong minimessage.

"We're here." Nilinga ko ang paligid. Isa iyong maliit na fastfood chain. Na nasa gilid lamang ng kalsada. Maraming customer ang maliit na kainan.

"Why here?" Kunot ang nuo kong tanong ko pero bumaba na rin ako ng pagbuksan na naman ako ng pinto.

"Halika." Aya niya kaysa sagutin ang tanong ko. Muli niya akong hinawakan sa kamay na may bahagyang paghila. Nakangiti parin siya na para bang aliw na aliw sa ginagawa.

"Ang daming tao."

"That's why I recommended this place. C'mon." Nagpatangay lang ako hanggang sa salubungin kami ng may katandahang babae.

"Mandy, anak. Nandito ka na pala. Halikayo."

"My mother." Mahinang usal niya ng tignan ko siya. "Sige mama. Halikana." Hinila niya ako pero hindi para umupo sa isang lamesa doon kundi hinila niya ako mismo sa may kusina ng kainan. "Dito na lang tayo para makakain ka ng maayos. Magaling magluto si mama kaya siguradong magugustuhan mo ang mga ulam dito." Madaldal na saad niya. Maliksing kumilos na naghanda ng pagkakainan ng mapaupo niya ako.

Parang wala akong karapatang tumanggi sa bilis ng pangyayari. Ni hindi ko nga siya nasita sa paghila sa akin sa lugar na ito.

"Ayan. Anong gusto mo? Masarap ang luto ni mama na pakbet. Or gusto mo ng sisig? Tinolang native na manok?"

Kunot ang nuo ko dahil hindi pa ako nakakasagot ay lahat naman ng sinabi niyang ulam ay inihanda ng mama niya kaya hindi na ako nakatanggi pa. Palangiti ang mama niya kaya nakakahiya namang tanggihan ito.

Ipinagpaloob ko na lang sa mama niya kaya hindi na ako nagreklamo pa.

"Kumain ka hijo. Pagpasensyahan mo na. Medyo masikip ang kakainan niyo."

"A-ayos lang po." Mahinang sagot ko.

"Kain na." Nakangiti naman niyang nilagyan ng kanin ang pinggan ko. Nilagyan na din ng pakbet na ulam.

"Tama na. Kaya ko." Seryusong pagpigil ko sa kamay niya. Nawala man ang ngiti sa labi niya pero hindi naman tumigil sa paglalagay ng ulam sa pinggan ko.

Hindi na tuloy ako nakatanggi kaya sinimulan ko na lang kainin ang mga iyon.

Habang kumakain ako ay naisip ko ang kalagayan ng kinakainan namin kumpara sa pagtira niya sa condong pinapaupa ko.

Hindi yata't kumakayod ang kanyang ina ng mabuti para mapagbigyan ang luho niya. At nitong mga nakaraang mga araw ay lagi siyang nakasunod sa akin. Walang trabaho.

"Anong trabaho mo?" Hindi ko mapigilang tanungin iyon sa pagitan ng pagnguya ko ng pagkain.

Hindi agad siya nakasagot at kapansin-pansin ang pagtingin niya sa kanyang ina na naging abala na sa pag aasikaso sa mga kakain sa labas.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now