*thud* *thud* *thud*

Iniisip ko tuloy na baka may nangyari na masama sa mga bata kaya ganito na lang ang kaba ko. Kapag daw kasi kinakabahan ka ng sobra, ibig sabihin daw parang may mangyayari na hindi maganda. Binalewala ko na lang ang ideya na iyon kahit na dumating na din ako sa punto na napaparanoid na ako na may nakatingin sa akin siguro dahil lamang iyon sa pago-overthink o kaya assuming lang ulit ako! Kasama rin diyan na hindi pa ako naglulunch kaya siguro ganito na lang ang mga ideya na pumapasok sa isip ko. Ngunit, sa kabila pa rin ng kaba na nadarama ko ay laking pasasalamat ko na kumonti na ang mga estudyanteng nagdadaan kaya mabilis na akong nakapunta sa pintuan ko.

*thud* *thud* *thud*

Humigpit ang hawak ko sa plastic na nasa left hand ko kahit na hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon. Habang ang right hand ko naman ay nakahawak na sa lever ng pintuan. Hindi ko magawa ang simpleng pagbaba sa door lever sa kaba. Nagsimula na rin na maglawa ang mga kamay ko. Inipon ko na lahat ng lakas ko para lang buksan ang door lever kahit na hindi naman kailangan ng lakas sa pagbukas nito.

Nanginginig man ang kanang kamay ko sa pagbukas ay ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko dahil sa mga bata na baka wala na dito sa loob at kinuha na ng mga nangingidnap ng bata. Dahil sa naiisip ko ay dali-dali kong binuksan ang pintuan pagkatapos ko na maibaba ang door level. Pero hindi pa man ako nakakapasok kahit na nabuksan ko na ng kaunti ang pintuan ay may kung sino ang humawak sa kamay ko na nakahawak sa door lever. Hindi pa ito nakuntento at sinara ulit ang pintuan habang hindi pa rin nilalayo ang kamay niya sa kamay ko.

*thud* *thud* *thud* *thud* *thud* *thud*

Hindi na humupa ang kaba na nasa dibdib ko dahil sa ginawa ng kung sino man ito. Hindi ko pa rin tinitignan kung sino siya pero feeling ko lalaki ito dahil sa napako ang tingin ko sa malambot at higante na kamay niya na nakapatong sa kamay ko. Tila ba parang naging pang-kindergarten ang size ng kamay ko kung ikukumpara sa kamay niya. Mainit ang mga palad niya kumpara sa malamig at namamawis na kamay ko. Mahihiya na ba ako sa kung sino man ito? Eh bakit ako mahihiya, siya kaya ang humawak sa kamay ko! Tsaka hindi ba namamawis ang kamay niya kapag kinakabahan siya? Eh bakit ba inaaway ko siya? Aish.

Sinubukan ko naman na bawiin ang kamay ko dahil masyado siya na feeling close. Sure naman ako na hindi ko siya kilala at ganoon din naman siguro siya. Hindi naman ako nagtagumpay nang bigla nito ako na iniharap sa kaniya gamit ang kaliwa na kamay na nakahawak sa pintuan at pati ang kamay ko din ay nasama. Hindi masakit at malakas ang ginawa niya pero ano ang karapatan niya na gawin iyon?!

*thud* *thud* *thud*

Habang nakayuko ay napapikit naman ako ng mariin sa konting inis na bumalot sa katawan ko dahil sa ginawa ng tao na nasa aking harapan pero nananatili pa rin ang kaba na mayroon ako. At lalo na nararamdaman ko pa rin na hindi niya binitawan ang kamay ko at mas lalo na hinigpitan ang pagkakawak dito. Binuksan ko ng dahan-dahan ang mga mata ko ngunit, nakayuko pa rin ako.

Unang bumungad sa mga mata ko ang suot niya na kilalang brand ng Pericle Horsebit Leather Slippers na halos himatayin ako sa katotohanan na pinangaaraw-araw niya lang iyon. Black Khaki shorts. Ang kaliwang kamay din ay may gold na bracelet. Plain white T-shirt na medyo maluwag. Hindi pa rin nagsasalita yung tao na nasa harapan ko at wala rin yata siya na balak na bitawan ang kamay ko kaya nag-angat na ako ng tingin upang komprontahin siya.

"Sino k--." Malumanay na pagkakasabi ko habang inaangat ang ulo ko. Ang desisyon na mag-angat ng tingin ay isa sa pinakapinagsisihan ko na ginawa sa lahat ng desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Hindi dahil sa makakaramdam ako ng ngawit sa batok mamaya kasi hindi lang estado ng buhay kami magkaiba, maging pati na rin sa height. Hanggang malapit na sa balikat niya lang kasi ako. At kaya naman pala humaling na humaling ang mga estudyanteng babae sa lalaki na ito na nakuha pa nila na bagalan ang paglakad kanina. Hindi lang kasi porma ang kahanga-kahanga sa kaniya dahil mas mahuhulog ka sa patibong niya kung sisilayan mo nang mas malapitan ang hindi na normal na pantao niyang mukha. Hindi normal dahil parang hindi sapat ang salitang 'perpekto' ng mga tao para ilarawan ang kagwapuhan niya.

After Five YearsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora