EPILOGUE

5.1K 95 12
                                    

Nang sumunod na taon ay nagpakasal na nga si Simoun at Samantha sa simbahan. Sa pagkakataong iyon ay nabuo muli ang pamilya ni Samantha sa pagpunta ng ama nito sa kasal. Lubos ang kaligayahan ng dalawa ng sa wakas ay nakasal na rin ang mga ito at naging mag-asawa sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao.

Magarbo, elegante at puno ng mga importanteng mga tao ang naging kasal ng dalawa. Tinutulan sana iyon ni Samantha dahil hindi ito sa sanay sa ganoong klaseng buhay pero mas naintindihan nito na sa pagpapakasal nito kay Simoun at pagpasok nito sa mundo nito ay kailangan na rin nitong sanayin ang sarili sa ganoong klaseng buhay. Mararangyang bagay, kapangyarihan at katangyagan...iyon ang mga kakambal ng pagkatao ng isang Montalvo na hinahangad ng marami at ngayon ay nararanasan ni Samantha.

"Babe...what's wrong?" tanong ni Simoun kay Samantha, kasalukuyan ang mga ito na nakasakay sa private plane ni Simoun papuntang Japan para sa isang lingong honeymoon ng dalawa.

"Wala naman babe, may naisip lang ako bigla."

"What's that, babe? Hmmmmp?" Hinalikan ni Simoun ang isang kamay ni Samantha na hawak nito habang mariin itong nakatitig sa magandang asawa nito.

"Naisip ko lang kung paano kaya kung hindi ako sa airline mo nag-apply bilang FA? Magkakakilala kaya tayo?" Walang ano-ano ay tanong nito kay Simoun. Mangha namang napangiti si Simoun sa tanong ng asawa nito.

"Ofcourse babe, kung hindi man tayo nagkita sa inspection dati sa airline company natin ay magkikita pa rin naman tayo sa bar hindi ba?"

Si Samantha naman ang napatawa sa sagot ni Simoun. 'Oo' nga naman, kung hindi man nito naging boss si Simoun ay tiyak na magkikita pa rin ang landas nila dahil kay Edward. Si Edward na isa sa mga pinakamagaling na piloto ng Montalvo Airlines. Saglit na natahimik si Samantha pagkaisip kay Edward. Hanggang ngayon kasi ay nalulungkot pa rin ito sa tuwing maiisip ang nangyari sa dating kaibigan at kasama sa trabaho.

Ganoon yata talaga ang buhay kapag umibig. Lahat ay kaya mong gawin para sa taong minamahal mo, maging ito man ay makakabuti o makakasama sa iyo.

Naramdaman ni Samantha ang pag-akbay ni Simoun sa balikat nito ay sinadya nitong ilagay ang ulo ni Samantha sa tapat ng dibdib nito.

"I love you babe, masaya akong ikaw ang naging asawa ko. At soon...maging ina ng mga anak natin." Masaya nitong lambing kay Samantha . Tinitigan naman ng mariin ni Samantha si Simoun at unti-unti nitong hinaplos ang magaspang ngunit guwapong mukha ng asawa nito.

"Mas mahal kita Simoun...ikaw lang ang nag-iisang lalakeng pinag-alayan ko ng lahat-lahat sa akin. At handa akong manatili sa tabi mo at sa magiging mga anak habangbuhay." Awtomatikong inabot ni Simoun ang labi ni Samantha pagkatapos nitong magsalita.

They kissed and almost having make love on that airplane kung hindi lang inawat ni Samantha ang asawa nito na may iba pang tao maliban sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon. They chuckled and still kissing each other lips until they gapsed for an air.

After 6 months

Hawak ni Samantha ang isang pregnancy kit na may dalawang guhit. Ilang beses niya itong pinakatitigan pero hindi nagbago ang hitsura nito. May dalawang mapula-pula pa ring linya ang nakalagay doon. Ang lakas ng kaba ng dibdib niya, parang may tambol na nasa loob nito. Ito ba ang sinasabi ng maraming babae na excitement kapag sa wakas ay nalaman mo nang mabibigyan mo na ng anak ang asawa mong lalake? Walang kasing saya ang nararamdaman ni Samantha ng mga oras na iyon, para siyang nalulunod sa saya na hindi niya maipaliwanag.

Para makasiguro ay maka tatlong beses pang inulit ni Samantha ang pag gamit ng pregnancy kit at lahat ng iyon ay positive ang result!

Gustong sorpresahin ni Samantha si Simoun pagkauwi nito galing ng trabaho. Gusto niyang matuwa ito sa ibabalita niya kaya bumili siya ng isang paris ng sapatos na puti na pang baby. Inilagay niya ito sa mismong ibabaw ng kama nila katabi ang isang pregnancy kit na ginamit niya kanina.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now