CHAPTER 28

2.4K 44 0
                                    

PATTY

"Dad..."

"Hayaan mo siyang gawin ang bagay na gusto niya Patty."

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng balak ni Edward kay Samantha pero ayaw nitong pakielam ang mga masasamang balak ng asawa ko.

"Daddy, natatakot na ako kanya. Hindi na siya ang Edward na minahal ko. Mamamatay tao na siya, at baka nga hindi lang iyon ang kaya niyang gawin."

"Ano ang gusto mong gawin ngayon?"

"Gusto kong pigilan ang mga plano niya para hindi siya tuluyang mapasama."

"Tapos ano? Ikaw naman ang mapahamak?"

"Hindi Dad, kakausapin ko lang si Simoun at sasabihin ko sa kanya ang mga plano ni Edward kay Samantha."

"Huwag ka nang makielam sa gulo nila, anak."

"Dad...asawa ko si Edward at kailangan ko siyang protektahan pero hindi ang pagtatago ng mga kasamaan niya!"

"Paano kung sa pagsusumbong mo kay Simoun ay mapahamak ang asawa mo?"

Hindi ako nakasagot sa kanya, handa ba akong tanggapin kung ano man ang mangyari kay Edward dahil sa mga ginawa nito?

"Kahit na hindi ko sabihin Dad, alam kong malalaman ni Simoun ang ginawa ni Edward kay Samantha. At alam kong pag nakita nito si Edward ay baka mapatay niya rin ito sa huli, mahal na mahal ni Simoun si Samantha."

"Kaya hayaan mong lusutan ng asawa mong tarantado ang problemang sinuot niya. Mahirap kalaban ang mga Montalvo kaya hindi ko gustong isugal ang sarili ko lalo na ikaw para lang tulungan ang inutil mong asawa!"

Napahagulgol ako, ito ba ang naging kapalit ng sobra-sobra kong pagmamahal kay Edward? Nakalimutan na nitong maging tao dahil sa paggawa nito ng masama kay Samantha.

"Dad..."

"Kaya huwag ka nang makielam sa problema ng asawa mo, naiintindihan mo ba Patty?" Paalala ni Daddy sa akin. Tumango ako sa kanya at nabuo na ang isang plano sa isip ko na dapat kong gawin.

SIMOUN

I still have no idea kung paano ko mahahanap si Samantha. Walang clue, kahit na marami akong inutusan para mahanap siya. Pati ang mga magulang ko ay tumutulong na rin sa paghahanap pero wala pa rin lead kung nasaan si Samantha. Ilang oras na ang lumipas.

I want to hit someone's face just to lessen the anger I felt right now. Lalo na ang taong may kagagawan ng pagkawala ni Samantha. Hindi ako lulubay hangga't hindi ko naigaganti si Samantha sa taong nanakit dito. He or she will definitely face hell, malaman ko lang kung sino siya.

May biglang tumawag na cellphone ko kaya napalingon ako doon. Si Edward. I accepted his call.

"Hello..."

"Sir Simoun, makikibalita lang po sana ako tungkol kay Samantha? Ilang araw na po kasi siyang nawawala, hindi po ba?"

"Yeah, wala pa kaming lead sa ngayon kung saan siya dinala ng hayop na dumukot sa kanya." Hindi agad sumagot si Edward which bothered me for a moment. "May problema ba Edward?"

"A-hh, wala po sir...sige po tumutulong din po akong mahanap siya."

"Salamat." At pinindot ko na ang end button.

I was so tired and my body wanted to really sleep but I can, hindi ko kayang matulog na alam kong nasa panganib si Samantha.

Tatlong sunod na katok ang narinig ko mula sa pinto kaya saglit kong nakalimutan ang pag-aalala ko kay Samantha.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now