CHAPTER 13

2.4K 53 0
                                    

SIMOUN
Damn that scene! Gusto kong makita si Samantha kaya pinuntahan ko siya sya sa condo unit nito pero hindi pa man ako nakakaakyat sa unit nito ay nakita ko na siya na nakababa sa libi ng building at mukhang may pupuntahan.

Nang makasakay siya ng taxi ay sinundan ko siya, wala akong idea kung saan siya pupunta at gusto ko na sana siyang tawagan pero lang nagpigil ako.

Nagtaka ako ng sa isang bar sa Makati siya nagpahatid. Nang bumaba siya ay agad kong pinarada ang sinasakyan kong kotse sa parking lot at sinundan ko siya sa mismong loob ng bar.

Hindi ko siya agad nakita ng pumasok ako sa loob at ng lingunin ko ang gawing counter ng bar ay doon ko nakitang nakaupo si Samantha at katabi si Edward na halatang lasing base sa itsura nito.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at sinikap kong hindi makagawa ng gulo para hindi nila ako mapansin. Buhat sa likuran ng mga ito ay narinig ko ang mga pinag-usapan nila ni Edward.

Naikuyom ko ang dalawa kong kamao ng marinig ko ang sinabi ni Edward kay Samantha. Nakiusap ito kay Samantha na tulungan ito sa problema nito kay Patty at sa ama nitong si Mr. Nuevo.

Alam kong mahirap na makalaban ang mag-amang Nuevo kaya nag-alala agad ako para kay Samantha. Kaya bago pa magdalawang isip si Samantha na tulungan si Edward ay agad kong kinuha ang kamay nito upang mailayo sa kay Luciano.

Galit na galit ako ng sabihin ko sa kanya na kailangan naming mag-usap bukas ng umaga para linawin ko sa kanya ang lahat.

Sa akin lang si Samantha, at wala itong karapatan na agawin ito sa akin. Buo na ang loob ko na panindigan ang nararamdaman ko sa kanya at napatunayan ko ang lahat ng iyon ng makausap ko si Bea.

Wala akong naramdaman na kahit ano ng magkita kami kung hindi galit. Pero ng ipagtapat niya sa akin ang katotohanan na kaya nito kinailangan na gawin ang pagsama kay Clark Sanchez ay dahil sa pakiusap ng ama nito. Ito na mas piniling lapitan ng pamilya nito kaysa sa akin, at hindi ko matanggap ang bagay na'yun.

Kung hindi sana nangyari ang bagay na'yun sa relasyon namin ay baka may sarili na kaming pamilya ngayon. Pero imbis na manghinayang ay naging maluwag sa puso ko ang katotohanang kaya kami nagkahiwalay ay dahil may ibang tao ang nakalaan sa amin. At si Samantha ang babaeng nararapat para sa akin.

Mahal ko siya at iyon ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. It just that it's hard for me to accept the truth that once, I'm being crazy about love. And now, I'll make sure that Samantha will be mine no matter what. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin. Even seeing him talking with other man, I feel pissed uncontrollably.

Nang makarating kami groundfloor ng building kung saan nandoon ang condo ni Samantha ay hindi ko hinayaan na makawala ang kamay niya sa akin.

"Sir Simoun..." tinangka niyang hilahin ang kamay niyang hawak ko pero hindi ako pumayag. Mas lalo ko itong hinawakan ng mahigpit, at wala akong balak na bitawan ang kamay niya.

Hindi ako kumibo ng magsalita siya, imbis ay niyaya ko siyang umakyat sa loob ng condo unti nito.

Hindi pa niya napapalitan ang pincode ng condo unit ko kaya ako na ang nagtype nito habang hawak ko pa rin ang isa niyang kamay. Nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay saka kami pumasok sa loob at noon ko lang binitawan ang isa niyang kamay.

"Sir Simoun, ano ba ang nangyayari? Bakit mo ako inuwi dito samantalang nag-uusap pa kami ni Sir Edward sa bar?" Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. I hate what she just said. Parang mas gusto pa nitong makausap ni Edward kaysa sa akin sa tono ng boses nito. Hinagis ko ang susi ng kotse na hawak ko sa side table at saka nagsalubong ang mga kilay ko ng harapin ko siya.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now