CHAPTER 29

3.6K 44 0
                                    

SIMOUN

I covered my face using my own hands. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa waiting area ng hospital. Kasalukuyang inooperahan ang binti ni Samantha dahil sa bala ng baril na natamo nito mula sa baril ni Edward. Tila may isang tali ang aking kamay na hindi nakikita kanina ng wala akong magawa ng saktan ni Edward si Samantha.

Nangako ako sa mga pulis na wala akong ibang gagawin habang inililigtas nila si Samantha, at kahit na gustong-gusto kong sugurin si Edward at ako mismo ang pumatay sa kanya ay hindi ko nagawa.

Hindi ko alam kung ano pangpaghihirap ang dinanas ni Samantha sa mga kamay nito bukod sa pagkakabaril nito sa binti. Pero lahat ng galit ko para kay Edward ay biglang naglaho ng mabaril ito ng isa sa mga police sniper at tinamaan ito.

Agad humandusay si Edward sa sahig ng tamaan ito ng baril at pareho kaming napasugod ni Patty sa mismong lugar na kinabagsakan ni Samantha at Edward.

Tumawag ako ng ambulansya at mabilis kong isinugod si Samantha sa hospital. I totally felt tha pain she was experiencing that time.

I was holding her hands all through out the time that we were in the ambulance. Ayokong bitawan ang mga kamay niya, natatakot akong hindi niya makayanan ang lahat. She's my life, my everything...at hindi ko alam kung paano magsisimula kapag nawala siya sa akin.

Napukaw ang atensyon ko ng lumabas ang mismong dontor na nag opera kay Samantha.

"Mr. Montalvo, okay na po ang misis nyo..." Napangiti ako sa sinabi ng doctor at nagpasalamat ako sa kanya."Puwede na siyang ilipat sa private room at mabuti walang ibang naging damages sa buto ang balang tumama sa kanya. Medyo... nagkapeklat lang ang binti niya pero kaya namang matanggal un ng cream or treament after na gumaling ang sugat niya."

"There's no problem with that Doc, ang mahalaga ay ligtas siya."

"You're right. Okay iwan na kita, ia-assisst na lang kayo ng mga nurse once na malipat na siya ng ibang room." Parang nabunutan ako ng tinik ng sa wakas ay alam kong nasa mabuting lakagayan na si Samantha. Inasikaso ko ang lahat ng bagay at saka ko tinawagan sila Mama para makabisita kay Samantha. Tinawagan ko na rin ang Mama niya at pinasundo sa Bulacan para makita nito si Samantha. Gusto ko ring  malaman nito kung sino ang totoong bumaril dito ng lumuwas ito sa Manila.

"Hijo..."

"Ma..."

"Kamusta si Samantha?" Inayos ko ang kumot na nakabalot kay Samantha habang mahimbing itong natutulog.

"She's fine Mom, salamat sa Diyos at maayos na ang kalagayan niya."

"Nabalitaan namin ang nangyari kay Edward." Si Papa ang nagsalita.

"Yeah Dad, ginawa niyang hostage si Samantha kaya siya binaril ng mga pulis." Katwiran ko sa kanya, tumayo ako para tingnan ang nagtext sa cellphone ko."Pero kahit na hindi siya nabaril kanina, I will make sure na mabubulok siya sa kulungan."

"Tama na anak, wala na ang tao. At hindi naman natin siya masisisi dahil tao lang din naman siya na nagmahal."

Saglit kaming natahimik dahil sa sinabi ni Mama. I know that my parent's relationship is not perfect as what other people see but I admire their love for each other...kahit na may kanya-kanya silang pagkakamali sa buhay ay hindi nila hinayaan ng mga ito na tuluyang masira ang aming pamilya.

Isang katok mula sa pinto ang nagpabalik sa kasalukuyan naming sitwasyon. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Tita Blessy at Tracy na mangiyak ngiyak ang mga mata.

"Mama...pasok po kayo." Iniluwang ko ang bukas ng pinto at hinayaan kong dumertso sila sa mismong kama ni Samantha.

Nakita kong hinaplos ni Tita Blessy ang mukha ni Samantha."Anak ko..."

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now