CHAPTER 3

3K 55 0
                                    

Samantha

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko buhat sa two leg flight namin ng bigla kong maisip ang taong nakita ko kahapon na si Simoun Montalvo, ang may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan ko. Hindi ko ugali ang tandaan ang mga lalakeng nakikita oh nakikipagkilala sa akin. I just simply nodded when they ask me, and that's it. Pero ang amo namin, bakit parang isang magandang panaginip ito na hindi ko makalimutan...ang itsura nito at kung paano ito kumilos ay talagang tumatak sa isip ko. He has a broad shoulder, masculine muscles that can break a thousand enemies, including his huge body added in his handsome image. Bigla akong napahinto ng maisip ko ang mga bagay na'yun...did I feel attracted to him? Napailing ako ng mabilis at hindi ko matanggap na nangyayari sa akin ang mga ganong bagay. It's not me! Nagpatuloy na rumihistro ang itsura niya sa isip ko at muli kong naisip ang itsura nya. His aura is perfectly suited in his work as the CEO of his own company. He has a face which is full of braveness that anyone can be afraid of. Serious, untouchable and very strict, those are the characteristics that I have noticed while I simply made a glimpse on his face. Medyo singkit ang mga mata nito, maliit ang labi at maputi ang balat nito na halatang mayaman ang kinagisnang pamilya. Hindi man lang ito nangiti kahit isang beses simula ng dumating ito sa inspection na ginawa nito kahapon. Surprisinly, hindi ko alam kung bakit hindi siya mawala sa isip ko.

Napabuntong hininga ako ng malakas, wala naman akong kasama sa loob ng cr kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Idinikit ko pa ang isang palad ko patalikod sa noo ko to check if there's anything wrong in my body why would I feel this way. Pero wala, maayos naman ang pakiramdam ko, I'm perfectly fine except sa palagi talagang tumatakbo sa isipan ko ang imahe ni Simoun Montalvo na kung tutuusin ay kakakilala ko lang kahapon.

"Sam..." Napatingin ako sa boses na tumawag sa akin. Si Jenny.

"Oh Jenny, bakit?" Agad kong tanong habang patuloy kong inaayos ang laman ng trolly bag ko.

"May gagawin ka ba ngayon ? Mag bar hopping naman tayo." Nagulat ako sa sinabi nito, alam ko naman na party girl si Jenny pero first time niya akong yayain na mag bar.

"Ha? Bakit bigla ka namang nagyaya na mag bar?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Wala lang, masama bang yayain ka na mag bar? Minsan-minsan naman ay itreat mo ang sarili mo Sam, h'wag puro work." Pangaral nito sa akin, nangiti na lang ako bilang sagot dito. Ngayon lang naman niya ako niyaya kaya pinagbigyan ko na siya at baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin.

"By the way Sam, kasama pala natin si Sir Edward na mag bar hopping ah..." Pasakay na kami sa isang taxi ng sabihin niya iyon sa akin, napailing na lang ako. Kaya pala bigla-bigla ay naisipan nitong magyaya na mag bar, siguro ay kakuntsaba si Edward sa mga plano nito.

Wala naman masama sa pakikipag kaibigan sa akin ni Edward, is just that...hindi ako nagkaroon ng time to entertain men from the very start. Ayokong gumulo ang buhay ko kaya mas pinipili ko na lang na mabuhay, peacefully na malayo sa mga anino na mga lalakeng hindi ko kayang pagkatiwalaan when it comes to love. Mabait si Edward, responsible rin ito sa maraming bagay lalo na sa trabaho. Hindi rin naman nahuhuli ang itsura nito sa mga modelong nakikita ko minsan sa isang magazine, matangkad at fit din ang katawan nito na isa sa mga requirements bilang isang piloto. Madalas itong magbiro kapag kami lang dalawa ng magkasama, and he never failed to say that he really interested with me...pero sa huli I will just say NO to him at alam niya ang dahilan ko. Minsan ko na rin kasing naikuwento sa kanya ang dahilan kung bakit wala akong naging boyfriend since college na nakilala niya ako. Nintindihan naman niya ang mga dahilan ko at handa raw itong maghintay hanggat kaya ko nang magtiwala sa ibang tao lalo na sa mga lalake at magmahal.

Sakto naman ng dumating kami sa bar kung saan kami magkikita-kita kasama ang boyfriend ni Jenny na si Patrick ay nandoon na rin sa labas si Edward. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito habang gumagamit ng cellphone. Hindi nito agad nakita ang pagdating namin, sabi ni Jenny ay susunduin dapat kami nito sa airport para sabay-sabay na kaming pumunta sa bar pero hindi pumayag si Jenny at nakakahiya naman daw at malayo masyado ang bahay nito sa airport para sunduin pa kami kaya nag taxi na lang kami papunta sa bar. Hindi kasi ito ang piloto na nakasama namin sa flight kahapon at may kapalitan ito. Agad na nag-angat ng tingin si Edward sa amin ng malapit na kami sa kinaroroonan nito.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon