CHAPTER 16

3K 49 0
                                    

SIMOUN

Ang plano ko ay kausapin si Samantha, kung ano ang naging problema nito at bigla ay nag-iba ang pakikitungo nito sa akin. May nangyari na sa amin, so we should be happy by now. Pero hindi iyon ang nangyari kanina ng magising ito ng umaga.

Mag-isa akong pumunta sa condo ni Samantha so I can spend time with her until she realized that we both loved what just happened last night, there's no need for her to feel uncomfortable in the first place.

I knock three times before she opened the door. Halatang bagong paligo pa lang ito dahil basa pa ang buhok nito sa ulo na kasalukuyang nakabilot ng towel. Nagulat na naman ito sa pagdating ko, hindi na ito nasanay kahit na madalas naman akong nagpupunta sa condo nito.

"Can I come in?" Paalam ko sa kanya. Hindi siya sumagot, imbis ay nilakihan na lang nito ng bukas ang pinto, signal iyon na pinapayagan niya akong pumasok sa loob.

Hindi niya ako nilingon ng pumasok ako sa loob ng condo unit nito. Nagtungo ito saglit sa kusina para tingnan ang niluluto, at saka ito pumasok sa loob ng kuwarto. Paglabas ay wala na itong towel sa ulo at muli nitong tiningnan ang pagkaing niluluto. Mukhang wala itong balak na kausapin ako. So, I came close to her. Pinatay na nito ang stove at saka ako nilingon.

"Luto na ang ulam, kung gusto mong kumain...magsandok ka na lang." Nagtangka itong lagpasan na naman ako kaya mula sa pagkakapamulsa ng isa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko ay mabilis ko itong inilabas at hinawakan si Samantha sa braso.

"Samantha, let's talk." Nakipaglaban ito ng titigan sa akin, ni hindi ito natinag o natakot man lang.

"Para saan?" Walang buhay na tanong nito sa akin.

"About us, especially about what was happened last night."

Binawi nito ang braso nitong hawak ko at saka ito naglakad papunta ng sala.

"Wala naman tayong dapat na pag-usapan, Sir Simoun. Kasalanan ko rin naman." Pag-amin nito sa akin. Hindi ko pa rin mahuli ang gusto nitong mangyari dahil mukhang hindi ito handang pag-usapan ang lahat ng tungkol sa amin.

"Look Samantha, hindi ko alam kung ano ang problema...or bakit nagagalit ka sa akin. But as I remember last night, you were so sweet and tempting." Sinadya kong hapitin ang baywang niya upang mapalapit sa akin at hindi na siya makatakas pa."Kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip mo at bigla kang nagbago." tanong ko sa kanya.

"Bitiwan mo ako Sir Simoun!"

"Sir Simoun?" Nangunot ang noo ko sa ginawa niyang pagtawag muli sa akin."How many times do I have to tell you that you should not call me by that way, 'babe'." Sinadya ko pang lambingan ang pagtawag ko sa kanya, pero mukhang walang epekto at nagpumiglas pa rin ito sa akin kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. No way, I would let her go. Not now.

"G-usto ko ng tahimik na buhay Simoun. So please...layuan muna ako. Kalimutan na lang natin ang lahat ng mga nangyari kagabi." Bigla ang pag-iba ng boses ni Samantha na parang nagsisisi ito sa mga nangyari sa amin, na kinainis ko. I need to know kung bakit ganito ang mga sinasabi niya sa akin.

"No! Hindi natin kakalimutan ang lahat, in fact...papakasalan pa kita one of these days." Pag-amin ko sa kanya. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya pagkakataong ito.

"Ano?"

"Yes, I'am planning to marry you. Ako ang unang lalake sa buhay mo, so I better marry you and be my wife."

Inirapan niya ako at kita ko ang pagkadi-gusto nito sa sinabi ko.

"Talaga? Ano un, magpapanggap din tayo na totoong mag-asawa?" Saka ito ngumiti ng mapait. "At ang lakas ng loob mo na sabihin sa akin ang tungkol sa kasal, samantalang..." sinadya nitong bitinin ang huli nitong sasabihin kaya hindi ako kumurap hanggat malaman ko ang pinanggagalingan ng inis at galit nito sa akin.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now