CHAPTER 20

3.1K 59 0
                                    

SAMANTHA

Nasa hospital pa lang kami ay wala nang ginawa ni Simoun kung hindi ang bantayan ako. Ayaw na nga nito halos na umuwi para lang masamahan ako sa pgbabantay kay Mama. Pero kahit ganoon ang gawin nito ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang selos na naramdaman ko ng makita ko si Bea na nasa loob mismo ng opisina nito. Wala akong karaparan na makielam sa kanila, oo...pero iba pala talaga ang sakit kapag harapan mo nang makita ang taong mahal mo na may kasamang iba.

Pilit kong itinatago kung ano ang sakit na dinudulot ng pagmamahal ko kay Simoun pero sa huli, kusa pa rin nakakaramdam ng sakit ang puso ko na parang pinapatay ako sa bawat pag-iisip ko kung paano ako magiging matatag na hindi niya makikita ang pighati na dulot niya sa buhay ko.

Pakiramdam ko, kahit saan ako pumunta ay hindi ko siya matatakasan. Ang bills sa hospital ay siya ang nag-ayos at nagbayad, ang condo unit na ito rin ang nagbayad ay siya rin ang nagsabi na doon patuluyin si Mama at Tracy habang nagpapagaling ito ng sugat.

At kapalit ng lahat ng ginagawa nito sa pamilya ko ay ang pagpayag ko na sumama na sa kanya sa bahay ng mga magulang nito. Hindi raw ito mapapanatag kung wala ako sa tabi niya at baka biglang bumalik ang taong nagtangka sa buhay ni Mama lalo na at hindi pa nakikita kung sino ang taong nagbalak ng masama sa kanya.

Wala na akong nagawa ng sabihin ni Simoun kay Mama na magpapakasal na raw kami kuno kaya pinayagan na rin ako ni Mama na sumama sa kanya. Masakit at mahirap sa pakiramdam na sa huli, siya pa rin ang dapat kong sundin at kung ano ang mga balak niya ay dapat kong sang-ayunan.

Pagdating namin sa bahay nila Simoun ay nalula agad ako sa laki ng mansyon ng mga magulang nito. Nakakita naman ako ng mga malalaking bahay kahit papaano pero hindi ako personal na nakakapasok sa loob, at ngayon nga ay nasa loob ako mismo ng mansyon ng mga Montalvo.

Pinaghalong wood at rock ang mismong bahay. May malaki rin itong lanai at open area na balcony na kita ang view sa taas. Tatlong palapag ang mansyon ng mga Montalvo at hindi ko maisip kung ilang kuwarto ang mayroon sa bahay na iyon.

Pagpasok pa lang namin sa loob nito ay kita na agad ang maganda at eleganteng interior design ng mansyon. Ang mga gamit ay halatang mamahalin at mukhang galing pa sa ibang bansa.

Naagaw ang atensyon ko ng isang malaking portrayed ng pamilya Montalvo. Sa portait ay may kasama pang dalawang matanda na lalake at babae sila Simoun bukod sa mga magulang nito at halatang matagal na ang portrait na ito dahi mga binatilyo pa ang tatlong anak nila Tito Lorenzo at Tita Agnes na sila Simoun. Nakatitig ako sa larawan iyon ng bigla kong maramdaman ang paghawak ng kamay ni Simoun sa baywang ko.

"That's our grandparents in my father side. Namatay sila pareho sa ten years ago."

"Pareho silang namatay?" takang tanong ko.

"Yeah, my grandfather passed away because of heart attack. And few months later, my grandmother was also died. Sabi nila sobrang mahal nila ang isa't isa, that's why they can't live without each other's presence." Nagulat ako sa sinabi ni Simoun. Mayroon pa lang ganoon na pagkakataon na sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao ay mas nanaisin mo pang mawala na lang din sa mundo kung hindi mo siya makakasama na sa araw-araw? Darating din kaya sa buhay ko ang pagkakataong iyon na handa kong lisanin ang mundong ito para lang makasama ang taong minamahal ko kahit sa kabilang buhay?

"Hey babe, did I tell something wrong? Bakit bigla kang natahimik?" Untag sa akin ni Simoun. Napatitig ako sa mga mata niya na mariin din nakatitig sa akin.

"W-wala, may naalala lang ako bigla." Pagkasabi ko sa ng bagay na iyon sa kanya ay sakto namang dumating ang mga magulang nito na nagmula sa taas ng hagdan.

"Simoun, Samantha." bati ni Tita Agnes sa amin. Katulad dati ay niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi pagkalapit niya sa amin ni Simoun.

"I'm glad na sumama ka na kay Simoun dito sa bahay. Mayroon na akong magkakasama at hindi lang puro maids lalo na kapag umaalis ang mga lalakeng ito sa bahay." Nakangiting sabi nito sa akin.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora