CHAPTER 6

2.9K 55 1
                                    

SAMANTHA

Hindi ako makatingin sa mga kasamahan kong cabin crew sa flight namin going back to Manila. Nalaman kasi ng mga ito na kaya hindi ako nakapag trabaho kanina habang papunta kami ng Japan ay dahil katabi ko sa passenger's seat ang mismong may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan namin.

Ang buong akala ko ay hindi na magkrukrus ang mga landas namin pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa noong nakaraang gabi ng ihatid niya ako sa apartment. Pero heto at ilang araw pa lang ang lumilipas at gumugulo naman ang buhay ko dahil sa panganay na anak ni Mr. Lorenzo Montalvo.

"Uy, magkuwento ka naman Samantha. Bakit katabi at kausap mo si Sir Simoun kanina?Ikaw ha, may lihim ka pa lang hindi mo sinasabi sa amin." Tudyo ng isa sa mga kasamahan ko, ramdam ko ang pagtuyo ng aking lalamunan dahil sa tensyo na nararamdaman ko ng mga oras na iyon pero hindi ako nagpahalata sa kanila.

Paano ko ba lulusutan ang mga tanong na ipinupukol nila? Wala naman talaga akong kaalam-alam na gagawin ni Sir Simoun ang mga bagay na iyon kanina. At bigla kong naalala ang bastos na lalakeng nagtakang humawak sa mga kamay ko habang nasa duty ako sa trabaho.

"Ah...eh, may sinabi lang siya tungkol sa trabaho natin." Sana maniwala sila sa sinabi ko.

"Okay, tungkol saan naman ang sinabi nya sa iyo?" Nagpatuloy pa rin sa pagtatanong si Shiela. May kadaldalan pala ang isa na'to.

"Wala, sinabi lang niya na huwag tayong papayag na may mambabastos sa atin lalo kapag nasa trabaho tayo, report daw natin agad." Nginitian ko sila ng manipis. Ang iba ay tahimik lang na hindi ko maramdaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nila, pero ng tumango naman si Shiela sa sinabi ko ay medyo naluwagan ako ng panghinga.

Nang pabalik na kami sa Manila ay hindi ko inaasahan na kasama pa rin namin sa flight si Sir Simoun. At saka ko naalala ang sinabi niya kanina.

"See you later."

Doon pa rin ito naupo sa puwesto kung saan kami nakaupo kanina. Naconcious naman ako dahil manaka-naka ay nakikita kong nakatitig siya sa akin o sinusulyapan ako. Hindi ako dapat magpaapekto dahil nasa trabaho ako, I should perform my job with the sense of professionalism. Hindi iyon ganito, halos tumalon ang puso ko sa kaba kapag nagtatama ang aming mga mata sa tuwing madaraanan ko ang upuan o puwesto nya kahit na wala naman itong ibang ginagawa sa akin. He's just keep stairing at me, un bang titig na nakakalusaw at nakakapagpalambot ng mga binti!

Naka bound naman ng maayos ang eroplanong sinasakyan namin sa airport matapos ang halos apat na orasna biyahe. Inassist namin ang mga pasahero para makababa ng maayos at napansin kong nagpatihuli na si Sir Simoun sa pagbaba.

Hindi ko na siya tinangka pang tingnin o titigan at agad akong dumerestso sa lugar kung saan kami nagpapahinga na mga cabin crew. Nandoon ang mga gamit ko kaya kailangan kong balikan bago ako bumaba ng eroplano.

Magkakasabay kaming naglalakad palabas ng airport ng mga kasamahan kong FA habang hila namin ang mga sari-sarili naming trolly bag. Gabi na rin, at bukas ng hapon ay may biyahe naman kami kaya kailangan kong mag recharge ng mabuti.

Namissed ko bigla si Jenny, dati-rati kasi ay kapag nakababa na kami ng eroplano kung saan-saan muna siya nito yayaing mag miryenda bago umuwe. Unlike ngayon, diretso uwe na ako sa apartment. Doon na lang siguro ako magluluto ng pagkain pagdating.

"Oh, paano Samantha see you tomorrow. Nandito na ang sundo ko." Sabi ni Sheila. Tumango lang ako at saka kumaway sa kanya.

"Okay, ingat." Ngayon lang ata nawalan ng taxi na mga nag-aabang sa pasareho? Nagtaka ako bigla dahil dati ay may makikita ako agad na taxi paglabas pa lang ng entrance ng airport. Ngayon wala, naisip kong baka marami ang mga naging pasahero kanina na walang sumundo kaya napilitang mag commute, katulad ko.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now