CHAPTER 26

2.5K 47 0
                                    

SAMANTHA

Nagising ako mula sa maninipis na halik sa aking labi at sa paraan pa lang ng paghalik nito ay alam kong si Simoun ang gumagawa nito sa akin kahit na hindi ko pa tuluyang naididilat ang aking mga mata.

"Good morning babe..." bulong nito sa aking leeg, kasalukuyan siyang nakasubsob na naman sa aking leeg na parang inuubos nito ang amoy ng aking balat. Napangiti ako.

"Ummmmp," kunwari ay ungot ko sa kanya.

"Gising ka na babe...mag breakfast na tayo." Yaya niya sa akin. Nang sabihin niya ang salitang 'pagkain' ay biglang namulat ang mata ko. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa mga pinaggagawa namin ni Simoun kagabi. Tinamad naman akong magluto kagabi kaya siguro gutom na gutom ang pakiramdam ko.

"Pagkain?" Bigla akong napabangon. Napatawa si Simoun sa reakyon ko.

"Yeah, marami akong pinabili kay Melody na pagkain dahil alam kong gutom ka babe." Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. Parang may laman naman ang gusto nitong sabihin.

Tinulungan niya akong makabangon sa kama pero ng maramdaman kong wala akong suot na undies at tanging malaking tshirt lang ni Simoun ang suot ko ay napahinto ako sa pagbaba sa kama.

"What's wrong babe?"

Napatingin ako sa kanya."Wala akong suot na underwear." Narinig ko ang muling pagtawa ni Simoun na kinainis ko naman.

"Bakit ka tumatawa d'yan?"

Huminto siya sa pagtawa at kinintilan ako ng halik sa labi."Okay lang kahit wala kang suot na undies babe, tayo lang naman na dalawa ang nandito."

"Kahit na." Reklamo ko. Nang makita ni Simoun na wala akong balak na umalis sa kama hanggat wala akong suot na pang ibaba ay tumayo na ito. Dumeretso sa cabinet kung saan nakalagay ang mga damit namin. Pagbalik niya ay may dala itong isang boxer shorts na pagmamay-ari nito.

"Okay, just wear this babe." Dahan-dahan niyang itinaas ang mga binti ko para maisuot sa butas ng boxer shorts ang mga paa ko.

Pagkasuot ko ay inalalayan niya ako muling tumayo, kulang na lang ay buhatin niya ako papunta sa kusina.

Pagkakita ko sa mesa ay may mga pagkain na nakahain doon. May siningag, pritong bangus at sawsawang kamatis. May hotdog at itlog din. Pati ang lalagyan ng mga prutas na isang basket ay puno na rin ang laman. May nakatimpla na ring kape para sa aming dalawa. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang isang bouquet of flowers na nakapatong din mismo sa ibabaw ng mesa.

Pinaghila niya ako ng upuan at pinaglagay ng napkin sa hita ko. Paglagay ni Simoun sa akin ng napkin ay kinuha nito ang mga bulaklak sa mesa at iniabot ang mga iyon sa akin.

"For you babe." Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang kakaibang saya sa mga mata niya. I want to see those eyes everyday, sa tuwing ako ay matutulog sa gabi at gigising sa umaga. I want to see him and kissing him until he wanted.

"Salamat." Kinuha ko ang mga bulaklak at itinapat sa aking ilong. I smelled it and I felt the happiness filled my heart that time. Wala na akong mahihiling pa.

Mahal niya ako, at ganun din ako sa kanya. Wala nang dahilan para itago pa namin ang aming nararamdaman sa isa't isa. I see myself beside him everyday, taking care of our own children. Aalagaan at mamahalin ko siya habangbuhay, siya at ang magiging anak namin.

"Let's eat?" Untag sa akin ni Simoun. Napangiti ako sa kanya at saglit kong nilapag sa mesa ang mga bulaklak na binigay niya.

Pinaglagay niya ako ng pagkain sa plato, para niya akong baby sa mga kilos niya.

"Ako na Simoun." Awat ko sa kanya.

"Its okay babe." Ito naman ang naglagay ng pagkain sa plato nito.

"Para naman kasi akong baby na hindi makakain na mag-isa nyan sa mga pinaggagawa mo." Reklamo ko.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now