CHAPTER 7

3.5K 68 1
                                    

Simoun

I've planned everything. Everything about Samantha. Kailangan ko siya to be my companion in the party. Ang una kong binalak ay ang patirahin ito sa sarili kong condo malapit sa apartment nito. Pinaasikaso ko kay Winny ang lahat. Ang papel ng condo, at palabasin na si Samantha ang magiging bagong may-ari ng condo na binili ko.

Sa ganoon ay hindi ito makatanggi sa mga pabor na hihingin ko sa kanya. I need her service, at pilit kong isinasantabi ang mga gumugulo sa isipan ko kapag kasama ko siya. I don't want to ruin my life just because I fall in love again. I hate women, but I need Samantha, I needed her. I don't know how long...but I want to be closer with her.

I feel so damned betrayed kapag naiisip ko ang ginawa ni Bea sa akin dati, but Samantha is giving me so much questions in my mind. Makakaya ko kayang magtiwala muli sa ibang babae sa pagkakataong ito na hindi ko iisipin na katulad ni Bea, she will bored with our relationship and afterwards we will separate also just like the old times?

Gusto kong isipin na iba si Samantha sa mga babaeng nakilala ko. Those women I met feel like they were all queens that needed affections all the time. Na hindi kayang tumayo sa sariling mga paa? Na hindi kayang manindigan sa buhay at mabuhay na mag-isa? But those qualities I have mentioned are all Samantha's characteristics.

Nabuhay pala itong mag-isa simula ng maghiwalay ang mga magulang nito. Mag-isa nitong tinataguyod ang buhay mula sa pagtratrabaho nito bilang flight attendant. Wala siyang inaasahan sa buhay kung hindi ang sarili lang niya. That makes her stronger in my eyes as a woman.

Nabululabog lang ang malalim kong pag-iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.

"Come in."

Ilang saglit pa ay pumasok si Melody kasama ang isang private investigator na kinuha ko para alamin ang tungkol kay Samantha at Edward, kung talagang may relasyon silang dalawa.

"Sir,nandito na po si Carlson."

"Good morning sir."

"Good morning, take your seat." Utos ko sa kanya na mabilis namang kumilos. Si Melody naman ay nagpaalam na lalabas para ayusin ang iba pang bagay.

"So, what did you discover?" bungad kong tanong sa kanya.

"Nagsimula po akong mag imbistiga sa dating kolehiyo kung saan nag-aral si Ms. Samantha at natuklasan ko na pareho pala silang dalawa ni Edward na sa University na iyon nagtapos. Magkakilala na rin sila simula first year college sir." Matagal na rin palang magkakilala ang dalawa. Naghintay pa ako ng sasabihin ni Carlson bago ko siya tanungin muli.

"Nagtanong-tanong ako sa mga dati nilang naging professors at mga nakakikilala sa kanila sa University, at isa lang ang sinabi nila sir." Na curcious ako bigla sa huling sinabi nito.

"What?"

"Wala daw pong naging relasyon sila Ms.Samantha at Edward, sa katunayan ay wala ring naging boyfriend si Ms.Samantha sa mga taon na nag-aral siya sa kolehiyo." Nagulat ako sa nalaman ko na wala pa lang naging boyfriend si Samantha habang nag-aaral ito sa kolehiyo. Ang ganda at karisma nito ay hindi kataka-takang maraming mabibighani ditong lalake. Pero may isang panig ng puso ko ang naligayahan ng malaman ang tungkol sa bagay na iyon at parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Carlson. Pero bigla kong naisip, paano kung sa pagkakataong ito ay may relasyon na talaga sila Edward at Samantha?

"Posible kayang may relasyon na silang dalawa ngayon?" sunod kong tanong.

"Nag-imbestiga po ako sa sarili nyong airline kung saan nagtratrabaho ang dalawa, at wala rin po akong ibang nakalap na mga impormasyon na magsasabi na may relasyon sila maliban sa lumalabas sila paminsan-minsan para gumala." At naalala ko bigla ang itsura ni Edward na lango sa alak sa bar. Maging ang sinabi nito kay Samantha tungkol sa nararamdaman nito, malamang ay umamin na ito sa tunay na nararamdaman nito sa dalaga.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now