CHAPTER 5

2.9K 61 1
                                    

Simoun

Kasalukuyan akong nagpupunas ng buhok sa ulo pagkatapos kong maligo pagdating sa bahay. Pagkahatid ko kay Samantha sa apartment nito ay dito na ako dumeretso sa condo unit ko malapit sa apartment niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko ang mga bagay na iyon kanina para lang maipamukha kay Bea na wala na siyang natitirang ala-ala sa buhay ko. Pati ang pag gamit ko kay Samantha bilang girlfriend ko kunwari ay hindi ko rin akalain na magagawa ko, buti na lang at hindi ito ngreklamo sa ginawa ko sa kanya kanina.

Malamang na inisip nito ang katayuan naming dalawa, empleyado ko siya..ako naman ang boss niya. Siguro nag dalawang isip siya at hindi na nag reklamo dahil baka tanggalin ko siya sa trabaho, na hindi ko naman gagawin kahit na hindi siya pumayag sa ginawa naming pagpapanggap kanina.

Kung ibang babae siguro ang kasama ko kanina sa harap ng mga kaibigan ko at ni Bea, baka hindi ko naisipang gawin ang mga bagay na iyon. There is something in her na hindi ko maipaliwanag, with her smile, angelic face...seductive body, hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kanya. At dahil sa ginawa niya kanina na pagtulong sa akin, naisip ko bigla that she also has a behavior that not all women posses.

Napatingin ako sa sariling repleksyon ko sa salamin. Parang hindi ako ang taong nagsasabi ng mga bagay na iyon tungkol kay Samantha. I usually not thinking of women I used to bang in my bed. After one night, they will not remain in my mind anymore, even their body. Nagugulat na nga lang ako at minsan ay may lalapit sa akin na isang babae at sasabihin na nagkakilala na raw kami sa ibang function at nagkasama, only then I knew na may nangyari sa amin. Fuck!

But Samantha is different from them. Simula ng makita ko siya sa inspection, ay natandaan ko na ang maganda niyang mukha. Her scent, and goddess beauty hunt me from that time we met.

At naisip ko si Edward, he was waisted at the bar. Kung ako ang boyfriend ni Samantha, hindi ko gagawin ang ginawa nito sa bar kanina. I will protect her, baka nga hindi ko na papuntahin pa si Samantha sa kahit saang bar.

Inihigis ko sa basket ng marumihan ang ginamit kong towel at saka muling timingin sa salamin. I will investigate kung talagang may relasyon si Edward at Samantha. Bigla kong naalala si Mr. Nuevo. Gustong-gusto nito si Edward para sa nag-iisang anak nito na sa Patty. Ganun din naman si Patty, she likes him to the point na nanghingi na ito ng tulong sa ama para mapalapit kay Edward.

Kung sakaling totoong may relasyon si Edward at Samantha, masasaktan lamang si Samantha sa huli, knowing Mr. Nuevo...hindi ito papayag na hindi nito makuha ang gusto lalo na para sa nag-iisa nitong anak.

"Sir, are you sure your not using your private plain going to Japan?" Hindi makapaniwala si Melody ng sabihin kong hindi ako sasakay sa ginamit kong private plain sa pagpunta namin mamaya sa Japan, instead ay sasakay ako sa isa sa mga international airplane na pagmamay- ari ko at isa sa eroplano ng Montalvo Airlines.

"Yeah? Bakit may masama ba kung sasakay ako sa isa sa mga eroplano ng Montalvo Airlines?" Balik kong tanong kay Melody, hindi ito agad nakasagot sa halip ay umiling lang ito bilang sagot.

Inilipat ko si Samantha sa international flights para kapag bumibiyahe ako papuntang ibang bansa ay makikita ko siya. Sinabi ko sa head na sabihin kay Samantha na ang paglipat nito from local to international flights ay bahagi ng promotion nito. Ayokong mag-isip ito ng kung ano tungkol sa aming dalawa, baka hindi pa ito pumayag sa gusto ko. Isa pa, gusto kong mailayo si Samantha kay Edward hanggang sa mapatunayan kong walang relasyon ang dalawa, in some point I don't want her to feel hurt.

"I will just inform the cabin crew and the pilots that you will be..."

"No. No need to tell them." Putol ko sa sasabihin ni Melody.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Where stories live. Discover now