CHAPTER 13: DAZE AND CONFUSE

Start from the beginning
                                    

"Agent M. The dean have a Butler." kumalma naman si Miss M. Butler?! Taray ah!

"This is the passage, It is connected to the agent house. " Sabi ni Head Coach. Nakaharap siya sa isang halaman. Nagtinginan kami. 'where?' Anong gagawin namin? maglalaho? Ano Yun?! Me ganun?

Mayroon siyang binuhat na isang halaman at nilagay ito kung saan. Lumapit kami sa kanya. Meron siyang hinilang isang bilog na metal, tinignan namin ito, mayroon itong hagdan papunta sa kailaliman. Ganun pala yun! Hehe akala ko kasi may iinumin kami tapos maglalaho. Antanga tanga ko talaga!

"Alam kong mahirap maging Bobo, pero huwag mo naman saktan yang ulo mo. Dina nga gumagana, hinahampas mo pa. HAHAHAHA!" ARGGGHHHHHHH! NYEMAS KA TALAGA AYAAAAAN.

"This is the secret passage, an underwater passage. Hindi dapat malaman ng mga tao ang tungkol sa atin. Kailangang manatili sa isip nila na ang Hnluaz Isle ay isang Cursed Island at walang paaralan ang narito para maiwasan na maibigay ang mga impormasyon sa mga kalaban. Tanging may matataas na ranggo lang sa lipunan ang nakakaalam." Sabi ni Head Coach.

That's explain Zey zey's question. Kung bakit hindi mahanapan sa internet yung school na ito. To protect the school and the people from the enemy. Sino nga bang kalaban? O meron ba talagang kalaban?

Some of Zey Zey's question are already answered. Im proud of you bestfriend! Clap clap clap.

"Head Coach, bakit po pinatayo yung school na ito dito Isla?" Tanong ko. Tumawa naman siya.

"Tanong mo sa unang Dean." Tumatawa siya. Abat patay na yung unang Dean ah paano ko pa matatanong? Bobo lang ba?

"Ibig sabihin niyan manahimik kana." Sabi sakin ni Ayan. Nyeta talaga 'to!

"No one knows." Sabi sakin ni Miss M. Ahhhhh!

Pinalibot ko ang aking tingin habang naglalakad sa secret passage. Sayang kasi hindi salamin ang ginamit sa passage eh kundi metal kaya wala kaming makita na mga lamang dagat. Sa pwesto namin, kami ang pinakahuli sapagkat kami daw ang pinakahuling dumating!

'We are the late comers kunno.' duh!

Mas lalo yang Poisonous Group na yan mainit talaga dugo nila samin eh. Tinawag ba naman kaming Ye Squad the late comers. Duh! Pasalamat sila hindi nila alam meaning nung group name namin eh. Secret lang daw kasi iyon pati nga sila Miss M and Mister R hindi nila alam. Well! Well! Well! Si Yeon ang gumawa.

"Ahm Miss M. Bakit hindi lumalabas ang Dean sa kwarto niya?" napalakas ata ang pagtatanong ni Zey zey kaya naman napahinto ang iba at tumingin sa kanya. Pahamak amp!

"Pagpasensyahan niyo na. Hehehehe." pekeng ngumiti si Miss M. Buti naman hindi na sila nagsalita pa, pinagpatuloy na lang nila ang paglalakad. Medyo malayo na sila samin. Tinignan ni Miss M ng masama si Zey zey.

"Be careful." Pagpapaalala niya.

"Bakit naman po, nagtanong lang naman ako kung bakit hindi lumalabas yung Dean ah." Inosente niyang tanong.

Sa mga galaw niya nitong mga nakaraang araw parang may tinatago siya samin. Lagi siyang lumabas at pumupunta sa library. Nagsimula iyon nung pumunta siya sa Dean's Office.

"Matagal na siyang hindi lumalabas ilang taon na rin tanging ang assistant lang ang nakakakilala sa totoo niyang pagkatao. Wala pang nakakakita sa mukha niya maliban sa assistant. Huwag na madaming tanong." nagsimula na siyang maglakad. That's weird, sino naman ang taong magisstay sa loob ng kwarto ng ilang taon?

Bakit ba ganito na nanaman nasa isip ko?! Nang dahil ito kay Zey zey eh. Kahit ano ano na tuloy nabubuo sa isip ko.

'Ah baka lumalabas siya wala nga lang nakakakita. Diba? Pero ang weird pa din.'

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now