"Good morning, Miles!" Bumaba ako ng konti para magkalevel kaming dalawa at nginitian siya. Hindi pa rin siya nagsasalita at diretso lang talaga ang tingin niya sa akin na animo pinag-aaralan ang mukha ko. Tahimik din siya sa room kaya sanay naman na ako na hindi siya gaanong nagsasalita every time na ina-approach ko siya plus, ayaw ko rin naman kasi na pilitin siya. Matalino din siya and active kaya nagsasalita naman siya kung may reci--.

"H-hello po Ma-Ma'am Shaze! G-good morning po!" Halos matumba na ako sa posisyon ko ng bigla niya akong yakapin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil walang mapaglagyan yung saya na nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, after all days na palagi ko siya na ginigreet, ngayon lang niya ako binati pabalik. OA man kung titignan pero feeling ko maiiyak ako sa lagay namin eh! I do not know the reason behind that hug but, I pray that Miles trust her teachers again and overcome her trauma and fear. Let's win this battle, Miles!

Kakalas na sana ako sa pagkayakap namin na dalawa at itatanong sa kaniya kung nasaan ang bag niya. Nilingon ko naman sa magkabilang gilid ko baka binaba muna niya pero wala din. Humarap na ako sa kaniya pero biglang lumingon naman siya sa boses na tumawag sa pangalan niya kaya yumuko naman ako habang papatayo. Si Miles naman ay sinundan kung nasaan ang boses na iyon.

"MILES!" It is a voice of a man. Medyo may pagkamatinis na konti pero lamang pa rin ang pagkalalim. Thus, ang lambing din ng boses niya which makes me think of someone who also has the same kind of voice.

Nang makatayo na ako mula sa posisyon kanina ay dahan-dahan naman ako na nag-angat ng tingin hanggang sa masaksihan ko ang napakatamis na pangyayari sa harapan ko. Hindi ko pa rin nakikita ang mukha ng lalaki dahil nakayuko siya at nilalagay ang bag ni Miles sa likod niya pagkatapos ay binigyan ng lalaki ng halik sa noo ang bata. The man bent down on his knees para magkalevel sila ni Miles and say something to her which probably not in a way of whispering dahil naririnig ko kasi eh.

"My princess, susunduin ka ni Daddy mamaya so no need to worry na po neh? Daddy always love you so so much!" Pamilyar talaga yung boses niya pero hindi ko pa din malaman kung sino ito dahil nga medyo malayo ng konti sila sa akin. Nasa harap kasi niya si Miles kaya hindi ko rin makita ang mukha pero ang mahalaga ngayon ay mukha nakikita ko na ang konting improvement ni Miles. Malaking tulong talaga siguro si Mr. Villamor sa pagheal ni Miles.

Hindi ko na rin napakinggan pa ang buong pag-uusap ng mag-ama at hindi ko na rin pa kinilala siya dahil sa sunod-sunod na nagsidatingan ang mga bata at pati si Cher na ngayon ay nakikipag-usap na sa mga friends niya habang papasok sa loob ng classroom. Hindi siya sumabay sa akin kanina kasi inaayusan pa siya ng Mommy niya at sanay na din siya na mag-isa na pumasok sa room dahil nga sa sobrang lapit lang nito sa faculty.

Ako naman ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit sobrang kinakabahan ako ngayon eh araw-araw naman na ganito ang ginagawa ko. Paano ba naman kasi ang usual ko na ginagawa everyday ay kapag may bata na pumapasok, I always greet them with a sincere smile, even with the person they are with like, their guardian or parent. But now, hindi ko makuha na ngumiti na abot sa tenga, tipid na tipid ang ngiti ko at buti na lang hindi rin nila napansin yun at ngumiti na lang din sila sa akin. Ano na ba ang nangyayari sa akin?! Shaze your job! Job before lovelife, okay?! 'Susunduin' daw Shaze hindi 'ihahatid' kaya kalma, okay?!

Isasara ko na sana yung pinto pero nakita ko na papasok pa lang pala si Miles, naglambing pa siguro siya sa Daddy niya. Noong nasa pintuan na siya, I am shocked dahil nag smile siya sa akin. Hindi ko na lang pinahalata ang gulat ko at nginitian ko din siya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad habang isasara ko na sana ang pintuan at tumalikod na papunta sa table nang may narinig ako na tumawag sa pangalan ko.

"Ma'am Shaze!" This time, I know who is the owner of that cheerful and innocent voice. That is Gavin! The nephew of someone who owns my heart but, I never have his heart for our lives is actually a thousand miles apart. 

After Five YearsWhere stories live. Discover now