OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #4:

Start from the beginning
                                    

Sinundan ko na naman siya. Dahil sa pagmamadali ko sa pagsunod sa kanya ay hindi ko napansin na nakatigil pala siya sa labasan kaya naman bumangga na ako mismo sa kanya.

"Hi! Xaviel." Tumayo ako ng tuwid. Ngumiti ako sa kanya pero tanging kasertusuhan lang ang nakita ko aa mga tingin niya sa akin.

"Why are you here?" Mababang tinig na tanong niya. Kunot ang nuo na iginala pa ang paligid.

"Just hanging out. How about you?" Sagot ko sa kanya.

"Hanging out?" Pang uulit niya? "Hanging out alone?"

"Yeah! Pero kung gusto mo akong samahan hindi na ako mag iisa." Nakangiti ko pang sagot.

Hindi siya sumagot. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang paghihinala sa akin. Kung tatanungin naman niya kung sinusundan ko siya ay sasabihin ko ang totoo pero sa ngayon.. hindi na muna dahil iba naman ang tinanong niya.

"Wanna hangout with me?" Tanong ko pa na nagpakurap sa kanya pero hindi na nga siya nagsalita bagkus tinalikuran na ako na parang hindi ako nakita. "Hey!." Hinuli ko ang kamay niya kaya muli siyang napatingin sa akin o mas tamang sabihin ko na sa kamay ko siya napatingin.

Hindi din nagsalita, iwinaksi ang kamay kong humawak sa kanya at muling ipinagpatuloy ang paglayo sa akin.

"Nakita ko na hindi mo ginalaw kanina ang kinakain mo. Gusto mo bang sabay na tayong kumain ng lunch. Sagot ko. Ilelebre kita." Sabi ko ng sumunod ako sa kanya.

"Kaya kong bumili ng pagkain ko." Balewalang sagot niya.

"Pero maganda din ang minsan nalelebre diba." Pangungulit ko.

"Hindi ako nagpapalebre sa taong alam kong walang ibang alam na trabaho maliban sa pagsunod sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya. Kung ganun hindi ako nagkamali. Napapansin na niya ako sa pagsunod sunod ko sa kanya.

"Di magtratrabaho ako." Sagot ko naman sa kanya kahit hindi ko naman kailangan ng trabaho kung kaya ko namang bilihin ang lahat ng mga nais ko. Kahit na bahay at lupa ay kaya kong ibigay sa kanya kung iyon ang gusto niya. Ipagawa siya ng palasyo kung iyon ang makakapagbigay ng puwang ko sa buhay niya.

"Kung gusto mong magtrabahi dapat noon pa. Saka wala ka bang ibang alam gawin maliban sa pagsunod sa akin? Sino ka ba talaga?" Taning niya na tumigil sa paglalakad at humarap sa akin kaya naman napatigil din ako sa pagsunod sa kanya.

"I'm Mandy. Mandy Selvester. Nagpakilala na ako sayo noong una tayong magkita sa parking lot ng gusali mo diba?" Sagot ko sa kanya.

"Alam ko. Pero hindi iyan ang gusto kong ipahiwatig. Sino ka at bakit mo ako laging sinusundan? Huwag kang magsinungaling dahil matagal ko ng napatunayan iyan." Seryusong tanong niya na para bang malaking kasalanan ang pagsunod ko sa kanya.

Sino nga ba ako? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang buo kong pagkatao?

No! Not now. Kailangan ko munang mapalapit sa kanya. Makuha ang loob niya.

"Huh! Never mind. And from now on. I don't want to see you again where ever I go. At tigilan mo ang pagsunod sunod sa akin."

"Why? Gusto ko lang naman maging malapit sayo." Pinigilan ko siya sa kamay ng tatalikuran na naman niya ako.

"For what? Wala kang mahihita sa akin. If you need money. Here." Sabi niya sabay kuha ng libo-libong pera sa wallet niya at ibinigay iyon sa akin. "Just leave me alone." At walang lingong likod na niya akong iniwan.

Napatingin na lang ako sa perang ibinigay niya sa akin. Pangalawang beses na niya akong binigyan. Una ay sa bar noong nalasing siya at hindi na niya iyon naalala pa dahil sa kalasingan niya.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now