"Dressing up is part of our job. To look presentable! Pero I also wear tatttered jeans din naman." he saw her pout. Nagulat pa siya ng bigla nitong inihilig ang ulo sa kanyang balikat. He was caugh off-guard. Gusto niya sanang itulak ito palayo, pero pakiramdam niya ay naparalyze ang kanyang katawan. Just the smell of her hair is so enchanting, parang isang gayuma na mahirap tanggihan. Damn! Nagkakaroon na ba siya ng hair fetish? Hindi rin niya maintindihan, pero he really likes the smell of this woman's hair. 

"Alam mo, iba ka naman! You can wear a tattered jeans, even just a sack pero wala kang maririnig sa mga tao kasi you are D' Harland Forto. And besides, kahit ano naman yata isuot mo, bagay sa'yo eh! Baka nga pag nagsuot ka ng sako, maging new trend pa yan dito." she giggles. Hindi na rin tuloy napigilan ng lalaki na mapangiti din. 

"Are you flattering me?"

"Hindi naman uy! Nagsasabi lang ako ng totoo. You are hansome, rich, powerful and very strong-- kaya naman kahit na anong gawin mo sa sarili mo, no one would dare to laugh at you." 

Natigilan si Harland. No one would dare to laugh at you! A muscle on his jaw flexes. Alam niyang hindi totoo yun. Dahil minsan sa buhay niya, he became a laughing stock, and humiliated and left behind. Napapikit siya ng mariin, ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Balikan? Kelan ba siya nakaalis? bulong ng kanyang isip. Hindi ba't ang puso niya ay puno pa rin ng galit ng nakaraan? 

"Umalis ka nga diyan, retard!" inis niya tinabig ang ulo nito na nakasandal sa kanyang balikat. Ayaw niyang alalahanin ang nakaraan. No, he won't allow to be drag there! Gusto na niyang kalimutan yun. Inubos niya ang beer at tumayo na. Si Czarina naman ay takang-taka sa biglang pagbabago ng mood ng lalaki. Kanina lang ay okay naman ito, approachable naman. Bakit biglang-bigla ay masungit na naman? 

"Huy, san ka pupunta?" tawag niya dito.  Tuloy tuloy lamang itong naglakad, hindi man lang siya nilingon. "Tsss! Ang moody talaga. Sala sa init, sala sa lamig." bulong ni Czarina sa sarili. 

"Matutulog na ako, retard! Bibiyahe pa tayo sa Batangas bukas, remember? Matulog ka na. At saka please lang, umayos ka bukas sa harap ng mama at lola ko ha! Wag mong ilabas pagiging retarted mo dun." matabang na sagot ni Harland. Mabilis na tumayo si Czarina at hinabol ang lalaki. Umangkla siya muli sa bisig nito. Hindi pa niya kasi natatanong ang ikinagalit nito kanina sa kanya. 

"Sandali lang naman! May itatanong pa ako sa'yo eh." pinaliit niya ang kanyang tinig na parang sa isang bata. Ganun talaga siya pag gustong maglambing, maging sa kanyang itay at kay Enzo. 

"Ano na naman? Hindi ka lang retarted, usisera ka pa." piksi nito na pilit inaalis ang kanyang pagkakahawak sa braso nito, pero lalong hinigpitan ng babae ang kapit dito. 

"Huuy, wag ka naman masunget! Itatanong ko lang naman kung bakit ka ba nagalit kanina nung nandon tayo sa bahay namin? Kasi bigla mo na lang akong hindi pinansin." 

Natigilan si Harland. Sasabihin ba niya dito ang naramdamang inis ng makita ang kamay nito na hawak nung lalaki na yun? Wala talaga siyang balak pumunta sa Sampaloc, ngunit ng tawagan niya ang isa sa mga bodyguards nito, at sinabi sa kanya na may kasama pang isang lalaki ang asawa bukod sa itay nito, bigla siyang hindi napakali. Inisip niya na baka may makakita dito lalo't alam na ngayon ng publiko na ito ang kanyang asawa. Nung una ay nag-atubili siya na sundan iyon. Baka kasi ano pang isipin nito. Pero napagpasiyahan niya na gawing dahilan na gusto niyang bigyan ng regalo ang ama nito. 

But when he saw that man holding her hands, parang nakaramdam siya ng pag-iinit ng ulo. Siguro marahil ay dahil na rin sa pag-aalala na baka may paparazzi sa paligid ang makita na may ibang lalaki na nakahawak sa kamay ng kanyang asawa. 

"..huy, ano ba kasi? Bakit ka ba nagalit? May nagawa ba ako?" tinig ni Czarina ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Teka, nagseselos ka ba kay Enzo? Naku, don't tell me may gusto ka na sa akin, Harland? Tsk! Sabi na nga ba eh, ka-in love in love ako eh!" a playful laugh from her fills the air. 

Saglit siyang nag-isip. Bakit nga ba siya nagalit? Nagseselos? Siya? Hell no!! Not in this life. "Heh! Tumigil ka nga diyan, retard. Ako magseselos? In your dreams! Ayoko lang na nakikipag-flirt ka sa ibang lalaki habang kasal ka sa akin. Ayokong may makakita sa'yo at pagsimulan pa ng kung anu-anong tsismis. I expect you to behave and act accordingly while you are carrying my name. After our divorce, go on! Makipaglandian ka kung kanino, basta wag ngayon." inis niyang sabi dito. Muli niya sinubukang alising ang pagkaka-angkla nito sa kanyang braso. Ngunit lalo lang iyong hinigpitan ni Czarina. 

"Sayang! Kala ko pa naman nagseselos ka na. Hahahahah! Well, sorry. Pasensiya ka na ha, pero please bear with me. I-i never had a relationship before. Y-you were my "first relationship" kung tutuusin, kahit pa peke naman ito. I don't know what to expect, kaya sana please be patient with me." aniya. Hinilig niya ang ulo sa balikat nito pagkatapos ay pumikit. Gusto talaga niya ang balikat ng lalaki. She always find peace, sa kabila ng magulong set-up na pinasok nila. 

Hindi niya tuloy nakita ang gulat at amusement sa mukha ni Harland. He is her "first relationship"? Tama ba ang kanyang narinig? He can't help the smile that form into his lips... First! Ang sarap sa pandinig. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now