(Pretend Wife) 8

Começar do início
                                    

Nang matapos ay lakas loob niyang kinatok ang kwarto ni Harland. Naka-apat na siyang katok ngunit hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Muli na naman siyang nagbuntung-hininga. Baka ayaw talaga siyang makausap nito. Malungkot ang mukha na aalis na sana siya sa tapat ng pinto ng lalaki  ng bigla iyong bumukas. 

"Anong kailangan mo?" inis na angil sa kanya ni Harland. Magulo ang buhok nito na halatang galing sa pagkakahiga, wala din itong suot na t-shirt at naka-itim na pyjama lang. Czarina swallows. "Gaawwwwwdddddd! Engeng kanin!" tili ng dalaga sa isip. "Hey, narinig mo ba ako ha, retard? What do you need?" 

Parang natauhan naman siya ng muling marinig ang inis na tinig nito. She swallows again! Di niya talaga lubos maisip bakit ang ganito kagwapong lalaki, kailangan pang mag-hire ng asawa na katulad niya when he can get all the women in the world? Di niya talaga gets ang topak nito! 

"Ah, eh, I cooked pasta for you! Alam kong hindi ka pa kasi kumakain eh. Saka di pa din ako kumakain kaya pinakelaman ko na yung nasa fridge mo." she grinned. 

"I'm not hungry, kumain ka mag-isa mo! Saka pwede ba, wag kang ngisi-ngisi ng ganyan, mukha ka talagang retarted. Alis! Matutulog na ako." isasara na nito sana ang pinto ngunit maagap na hinarangan ni Czarina. She grinned again, but this time, wider and bigger! "ayaw mo akong ngumisi ha? pwes! lagi akong ngingisi. muahahahahah!" gigil na bulong ng babae sa sarili. 

"Hep, wait!" hinawakan niya ang puno ng pinto. Nagtitimpi siyang tinapunan ng bwisit na tingin ng lalaki. "Ang sunget mo naman tonight! Ano ka ba? Akala ko ba mag-asawa tayo? Dapat alagaan mo ang wife mo." pinikit-pikit pa niya ang kanyang mata na tila nagpapa-cute. Aba! Ang sabi kaya ng kanyang itay, maganda ang kanyang mga pilik mata. Parang doon sa mga manyika. 

"Yeah right! Contract marriage eh? Umalis ka na nga diyan! Inaantok na ako." 

"O sige, kung ayaw mo ng term na mag-asawa, eh di mag-housemate tayo? Di ba dapat ang mag-housemate close sa isa't-isa?" 

"Whatever! Lumabas ka na dito. Wag ka nang makulit, kundi ihahagis kita palabas." banayad siyang itinulak nito palabas kaya naman napipilitan si Czarina na lumabas na lang. Pero wala siyang balak sumuko. Naupo siya sa tapat ng nakasaradang pinto nito. Hinawakan niya ang kanyang tiyan na kunwari ay namimilipit sa sakit. Idinikit pa niya ang bibig at tenga sa pinto.

"Arrgghh! Ang sakit ng tiyan ko. Gutom na gutom na ako. Kawawa naman ako! Hindi pa naman ako sanay kumain ng walang kasama. Ang sarap pa naman sana kumain ng spaghetti habang may ka-kwentuhan. Masarap din sana na uminom ng beer pagkatapos. Naku naman! Sana naman pagbigyan ako ng housemate ko. Arrgghh! ang sakit talaga." aniya. Sinadya niyang lakasan ang boses para makaabot sa pandinig ng lalaki. 

Si Harland naman ay naiiling sa narinig. "Tssss! Retarted talaga!" bulong niya sa sarili. Pagkaraan ng ilang sandali ay hindi niya napigilang ngumiti lalo ng makita kanina ang ayos nito sa labas. Iba din talaga ang kulit ng babaeng ito, kala mo hindi 24 years old. 

Naalala niya ang sinabi kanina ng ama nito ng mag-usap sila. "Harland, hindi mo na naman kailangan akong bigyan ng kung anu-ano. May pensiyon naman ako na sapat na para mabuhay ako. Malakas pa din naman ako para magtrabaho kahit pa-extra extra. Kami naman ng anak ko ay kuntento na sa aming buhay. Pero kung gusto mo talaga akong pasayahin, ipangako mo na lang sa akin na mamahalin at aalagaan mo ang anak ko. Sana'y wag mong sasaktan si Czarina. At kung sakaling magkagayon, kung maari lang, ibalik mo na lang siya sa akin. Hindi ako magagalit sa'yo, basta sanay ibalik mo na lang siya ng maayos at buo." yun ang sabi sa kanya ni Mang Caloy. 

Hindi niya sana gustong mangako, lalo sa aspetong "mamahalin" niya ang babae. Alam niyang hindi na siya magmamahal muli. He knows that his heart isn't capable of loving anymore! Pero natagpuan niya ang sarili niya na tumango sa harap ng matandang lalaki. He found his self making that promise to love and protect his daughter. 

Nag-isip si Harland. Siguro, hindi nga niya ito maaring mahalin bilang isang tunay na asawa, but he is sure that he can protect her. That's the least he can do while they are still on this marriage! Alam niyang meron at merong masasaktan sa kasunduan na pinasok nila. At sigurado siyang si Czarina iyon. 

He sighed. Hindi niya gusto ang makasakit ng iba, but this is him! Ito lang ang kaya niyang ibigay. This is all he can offer. Kinuha niya ang kanyang tshirt, sinuot yun at binuksan ang pinto. Sasamahan na niyang kumain ang babae, anyways, gutom na rin naman siya.

Nagulat pa siya ng biglang tumumba si Czarina papasok ng kanyang kwarto. Gusto niyang matawa sa nakitang itsura nito. Hawak nito ang sikmura na kunwari ay talagang sumasakit kahit halata naman na umaarte lang ito. 

"What are you doing there, retard?" humalukipkip siya sa harap ng babae. Czarina grinned na tila nakalimutan na masakit ang kanyang sikmura. Ngunit nang tapunan ng tingin ni Harland ang kanyang tiyan na hawak niya, she started acting again that she's really having a tummy ache. 

"Nakuu poo! Ang sakit talaga kasi, housemate! Gutom na gutom na talaga ako eh. Kaso di talaga ako sanay kumain mag-isa. Palagi ko kasabay itay ko. Tapos nagku-kwentuhan kami. Tapos nanunuod kami ng balita. Tapos....." 

"Stop! Ang ingay mo!" putol niya sa pagdaldal nito. Nagpatiuna siyang lumabas sa pinto. Agad naman sumunod si Czarina na nakangisi pa rin. 

"Housemate, you mean, sasamahan mo na akong kumain?" she smiles, nilabas-labas pa nito ang dila na tila isang bata na gutom na gutom. Naiiling naman si Harland na pinipigilan muli na matawa. 

"Do I have a choice, retard? I'm sure hindi mo naman ako titigilan eh!" aniya. Sukat sa sinabi niya ay bigla na lamang itong umabistre sa kanyang braso. Para pa 'tong bata na patalon-talon na sinabayan siya sa paglalakad. 

"Yehey!! We're really partners. Ang cool talaga ng housemate ko!! Yuhhuuu!!" sabi nito na halata naman na inuuto lang siya. Hindi na napigilan ni Harland na mapangiti. This girl is really silly yet so entertaining and endearing for most of the time. Kaya naman hindi nakakapagtaka na mahal na mahal ito ng ama nito na si Mang Caloy. Malungkot siyang napangiti. He only wish na pag natapos na ang lahat ng ito, ganito pa rin si Czarina; bubbly, warm, sweet and very innocent. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora